Shoganai: Gaijin Life
By Abie Principe
New Year Cards
Happy New Year!
Natapos na naman ang isang taon, dito sa bansang Hapon. Sa ngayon ay malamang naalala pa natin ang nakaraang Noche Buena at Medya Noche. Talagang pag Pinoy, ang mga kasayahan ay puno ng kainan! Since pinag-uusapan ang kainan, mayroon ba sa inyong nag-promise na mag da-diet na ngayong 2011? Kumusta naman ang mga New Year’s resolution natin?
Speaking of New Year, isa rin sa hindi natin maiiwasang bagay dito sa Japan ay ang pag- papadala at pagtanggap ng New Year Cards (年賀状).
Dito sa Japan, ang mga Hapones ay nagpapa-alam sa lumang taon sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga New Year Cards. Para sa kanila, ito ay isang tradition na hindi dapat iwasan. At importante sa kanila ang magbigay ng New Year Cards sa halos lahat ng kakilala nila. Kung minsan nga, mayroong isang tao na magpapadala na higit 100 New Year Cards. Importante pa sa kanila na sulat-kamay, o handwritten ang mga cards na ito, nagpapakita daw ito na binigyang importansya ng nagpa-dala ang taong tatanggap. Ito ay isa sa mga bagay na “shoganai” dito sa Japan. Kaya ako rin, kung minsan ay kinakailangan magpadala ng mga New Year Cards, lalo na sa professor ko sa unibersidad, at sa mga kasama ko sa trabaho. Isang sign ito ng respeto at pagbibigay importansya.
Ang 2011 ay Year of the Rabbit, kaya ang mga New Year Cards ay puro mga usagi(うさぎ)o rabbits, ang design. Mula sa realistic hanggang sa mga cute cartoons, napakaraming mga rabbit New Year Card designs ang makikita sa mga postcards. Ngayong Year of the Rabbit, nagpadala ba kayo ng mga New Year’s Cards? Nakatanggap ba kayo ng iba’t ibang hagaki (はがき)o postcards na merong disenyo ng kuneho?
Ako rin ay natutuwa sa mga hagaki, pero mas natuwa ako sa mga Christmas Cards! Siyempre, kasi sa ating mga Pinoy, mas matimbang ang Pasko kaysa sa Bagong Taon.
Kaya lang, shoganai ne, nakatira tayo dito sa Japan, so enjoy ninyo na lang ang many interesting designs ng nengajo (年賀状)!
Masaganang Bagong Taon sa Lahat!
------------------------------
CONNECTIONS
by Richard Diaz Alorro
Ruins & Miracles
Kumusta mga kababayan? Welcome sa kauna-unahang isyu ng Jeepney Press para sa taong 2011. Isang taon na naman ang dumating – bagong taon, bagong pag-asa, bagong simula. Bawat bagong taon ay isang biyaya at isang panibagong pagkakataon. A new year is a gift for it brings with it more seconds for us to live, more hours to learn, more days to work, more weeks to be with our loved-ones, and more months to enjoy life. Ang bagong taon ay isang oportunidad upang maituwid natin ang mga pagkakamaling ating nagawa sa nakaraang taon o upang lalong pag-igihan at pagbutihin ang mga kapuri-puring gawain.
Sa pagpasok ng taong 2011, nais kong ibahagi ang dalawang quotations na tumatak sa aking isipan kamakailan lamang. Naway makapagbigay ng aral o inspirasyon ang mga ito sa lahat.
“Ruin is a gift. Ruin is the road to transformation.” – Elizabeth Gilbert (Eat, Pray, Love, 2006).
Ang mga salitang ito ay isa sa mga hindi ko makakalimutang bahagi ng pelikulang Eat, Pray, Love ng Columbia Pictures na pinagbibidahan ni Julia Roberts. Ang pelikula ay hango sa memoir ng author na si Elizabeth Gilbert kung saan isinalaysay niya ang kanyang mga travels around the world pagkatapos ng kanyang divorce at ang mga natutunan at experiences niya during these travels. Ang quotation na ito ay sinabi ni Liz (palayaw ni Gilbert) sa isang bahagi ng movie na dumalaw siya sa isang abandoned ruin sa gitna ng Rome, Italy. These words seem very powerful and encouraging to me. Marahil marami rin sa atin ang makaka-relate sa mga salitang ito.
Ano ba ang unang naiisip natin kapag narinig natin ang salitang RUIN? – sira, guho, gulo, problema, pinsala? Bawat isa sa atin ay nakaranas na ng iba’t ibang antas ng RUIN sa buhay. Sometimes in our lives we experience ruins in different forms – pagguho ng kaligayahan, pagkasira ng pagkatao, problema sa trabaho o pamilya. Maliit man o malaki ang problema na dumating sa atin, hindi maiiwasang tayo ay madismaya, malungkot, maghinanakit, umiyak, o mawalan ng pag-asa. Lahat ng ito ay mga pagsubok sa ating katatagan, pananampalataya, at pagkatao.
Ruin is a gift. Ito ay isang biyaya na dapat nating pasalamatan. Sometimes we need to decay in order to grow. Sometimes there is a need for things to fall apart in order to come together again in a stronger form. Minsan kailangan ng kaguluhan para matamo ang kaayusan at kapayapaan. Minsan kailangan natin ng maraming tanong para makuha ang sagot o dumaan sa pag-aalinlangan para maging tiyak at sigurado tayo sa mga bagay-bagay. Sa pagtatayo ng bago at matibay na bahay, kailangang gibain muna ang luma at inaanay na gusali. Sa pamamagitan ng pagsira sa isang luma at hindi na maayos na bagay, nabibigyang daan natin ang pagbabago at pagbabagong-anyo. Dapat nating mapagtanto na para makamit natin ang isang maganda at buong buhay kailangan natin ang mga sandali ng meaningful at creative destructions and ruins.
"People usually consider walking on water or in thin air a miracle. But I think the real miracle is not to walk either on water or in thin air, but to walk on earth. Every day we are engaged in a miracle which we don't even recognize: a blue sky, white clouds, green leaves, the black, curious eyes of a child - our own two eyes. All is a miracle." - Thich Nhat Hanh
I came across with this quotation while I was brow-sing over some pages of the worldwide web. Si Thich Nhat Hanh ay isang Buddhist monk, teacher, author, poet at peace advocate na naka-base na ngayon sa France. Naniniwala ako sa kasabihang ito ni Thich Nhat Hanh. Lahat ng bagay sa mundong ating ginagalawan ay himala.
Ang miracle o himala sa ating sariling wika ay nai-uugnay natin sa mga pangyayaring kakaiba at hindi naaayon sa laws of nature. Minsan nai-kakabit natin ang himala sa mga hindi inaasa-hang pangyayari na may kaugnayan sa divine intervention o act of God. Ang pagkakaligtas sa isang malubhang sakit o sa isang matinding disgrasya o kalamidad ay itinuturing din natin na himala.
Hindi ba natin naiisip na ang mga bagay-bagay o pangyayari na ating nakikita o nararamdaman sa araw-araw ay maaaring mga himala din? Ang mga ordinaryong bagay sa ating paligid tulad ng mga puno, bulaklak, ulan, hangin, at mga taong nakakasalamuha natin ay likha ng himala. The mere fact of our existence is a miracle we have to appreciate. Lahat tayo ay likha ng isang statistically unlikely but beneficial event (pagtatagpo ng itlog mula sa nanay at semilya mula sa tatay) na maituturing nating isang himala. Ang ating mga magulang, anak, kapatid, at kaibigan ay mga himala. Lahat ng nilikha at mga pangyayari ay himala at dapat nating pahalagahan at mahalin.
Minsan naghahangad tayo ng mga bagay na hindi natin kayang maabot o imposibleng magka-totoo. Sometimes we seek for great things that we forget to appreciate the small yet very significant pieces of our self and parts of our world. Sa mga panahong nangliliit tayo sa ating mga sarili o nalulumbay dahil sa pakiramdam natin pinagkaitan tayo ng tadhana, isipin natin na tayo ay espesyal at napapaligiran ng mga bagay na likha ng himala. You and me were all created by supernatural acts and were bestowed with millions of wonderful things. We are all miracles!
No comments:
Post a Comment