by Rey Ian Corpuz
Ang Aking Karanasan sa Goukon (合コン)
Ito na marahil ang isa sa mga karanasan ko dito sa Japan na pinaka-kakaiba para sa akin. Paunawa lang po na ginawa ko ito bago ko pa nakilala ang asawa ko ngayon. Ang goukon ay isa sa mga kaugalian ng mga yuppies at mga “single” na Hapon na kung saan pwede sila makatagpo ng syota o di kaya ay asawa o di kaya ay kaibigan lang. Una sa lahat, ano ba ang goukon? Ang goukon ay isang pagtitipon at pagkikita ng grupo ng mga babae o lalake kung saan ang layunin ay may makilalang boyfriend, girlfriend o di kaya ay ang pagkakaroon lamang ng kaibigan. Karaniwan, ito ay ginagawa sa mga restaurants o Izakaya. Dito sa Japan, kung saan karamihan ay walang panahon sa pakikipag date at kung saan “taboo” ang pagpapakilala sa sarili sa kahit sinong potential na tao, karaniwan ang “goukon.” Ito ay isang paraan para magkaroon ng “date” or simpleng kausap. Tuwing Pasko, karamihan ng mga babae sa Japan ay parating bukambibig na gusto nilang mag-ka-date sa darating na pasko at bagong taon. Kaya karamihan ng goukon ay nangyayari halos kasabay ng “bounenkai” or “year-end party” o Christmas Party.
Ang aking matalik na kaibigang Hapon na si Yuichi ay inanyayahan ako na sumama sa isang goukon. Sabi niya para din daw may makilala akong ibang babaeng Hapon bukod sa mga kilala ko at malaman ko rin kung ano ang mga dapat o hindi dapat sa goukon. Ako naman, ang layunin ko kung bakit ako sumali ay para lamang magkaroon ng karanasan dahil isa ito sa mga kaugalian ng mga Hapon. Isa sa mga kinakaba ko nung sumama ako ay kung papaano ako makikipagsalita sa kanila ng tama at diretsong Nihongo. Tapos inaalala ko din kung ano ang susuotin ko dahil ang nasa imahe ng pag-iisip ko ay masyadong sosyal ang mga Hapon sa mga ganitong bagay at ako ay walang perang pang porma para lang sa isang gabi.
Maliban sa 5,000 yen na bayad sa “nabe party” namin ay kailangan daw naming magdala ng regalo. Kasi nga Pasko at may palitan daw ng regalo. Ako naman, wala akong ka alam alam kung ano ba ang bagay na i-regalo para sa babae na mura lang. Kaya sabi ko kay Yuichi na siya na ang bahala at babayaran ko na lang. Nataon din na ang “kaisha” na pinagtatrabahuan ni Yuichi ay nagbebenta ng mga kung anu-anong “kawaii” na mga bagay. “Timing” din na sikat pa noon si Obama kasi kakapanalo lang niya sa eleksiyon kaya sabi niya yung “Obama Mask” na lang daw ang ibigay ko. Tapos yung sa kanya is yung mini Christmas Tree na lalagyan mo lang ng tubig. Kaya ayun, ready to go na kami sa goukon a. k. a. nabe party namin.
Ginanap ang pagtitipon sa isang mamahaling restaurant sa Shibuya. Sa loob ng tatami room ay kinuha na kaagad ang perang pambayad. Pagkatapos ay ni register ang pangalan namin at phone number. Binigyan din kami ng papel kung saan pwede namin ibigay ang aming pangalan at numero sa mga ma me-meet namin. Sa loob ay may dalawang lamesa. Hinati ang grupo namin sa dalawa. Labing-dalawa ang lalake at labing-dalawa din ang mga babae. Pagkatapos binigyan kami ng papel para sa “seating arrangement” namin at para din makilala namin ang kaharap at katabi namin. Pagkakita ko sa listahan ay napansin ko na ako lang ang gaijin na sumali kaya lalo akong kinabahan dahil wala masyado akong kautu-tang dila. Tig aanim na lalake at babae sa bawat lamesa. Sa simula mahirap mag “initiate” ng “conversation.” Nauubusan ako ng “appropriate” na Nihongo. Pang level 3 lang ang kaya ko na mga salita. Buti na lang at si Yuichi ay parati akong sinasalo sa usapan. Napansin ko rin na ang karamihan na lalakeng sumali ay nasa late 35 na ang kisig at ayos. Medyo matanda na obvious na stressed sa buhay. Ang mga babae naman ay medyo obvious na naghahanap ng milyonaryong hapon. They tend to get along with the conversation at first but later on they lose their interest upon knowing what your work is. Pero ako wala akong pakialam, kain lang ako ng kain. Nag eenjoy lang ako. Feeling ko parang nasa enkai lang ako ng kaisha namin. Inom lang ng inom din ng beer. Keep it flowing kung baga. Lahat ng dumalo ay masasabi kong maganda. Pero ewan ko kung talagang maganda dahil makapal ang make-up atsaka medyo dim ang ilaw. Pero sa tingin ko halos lahat ng mga babae doon ay interesado sa akin dahil ako lang ang gaijin. Panay ang tanong nila about sa Pilipinas. Ang nakakainis pa ay may dalawa sa kanila na hindi alam kung saan ang Pilipinas. Hay my gulay! Tinuruan ko pa sila ng geography 101. May isang babae na nakatira pa sa Shizuoka at araw araw nag shi-Shinkansen papuntang office nila sa Tamachi. Tapos may isang mayamang babae na huminto sa trabaho at kumuha ng PhD studies about Taiwan sa Tokyo Daigaku. May mga sumali na pre-school teachers kaya medyo nakaka-relate din sa mga ginagawa ko sa Junior High School. May mga babae din na nagta-trabaho sa IT. Medyo geeky ang pinag uusapan pero okay lang dahil nakaka-relate naman ako. Hahaha… Pagkatapos ng isang oras, nagpalit kami ng upuan. Lumipat kami sa isang table. Medyo mas relaxed ang mga kausap namin dahil medyo nakainom na. Pero hindi ko masakyan ang usapan nila dahil yung mga province na nila ang kanilang pinag-uusapan. Halimbawa, si Yuichi ay taga Nagoya, siyempre nag-ku-kwento siya ng mga kakaibang custom ng mga nanggaling ng Nagoya. Yung isa ay taga- Ishikawa, natural, puro mga kwento about snowstorm ang binahagi niya. Yung isa naman ay taga-Kokubunji lang sa Tokyo. Sabi ko ay taga-Kunitachi ako before at ayun, sa wakas, may nakausap din ako ng matino. Pero mukhang nainis siya sa akin nung tinanong ko ang kanyang edad. Dito pala sa Japan, impolite pala ang tanungin ang edad lalo na ang babae at lalo na sa goukon. Natatamaan daw ang pride nila.
Matapos ang isang oras, bumalik kami sa kabilang table at nag exchange gifts. Simple lang masyado ang exchange gifts. Habang kumakanta kami ng “Jingle Bells” ay nag clockwise ang mga regalo. Walang ka buhay-buhay at walang ka spirit-spirit ng Pasko. Yung Obama mask ko ay nakuha ng babae. Nung binuksan niya, nasira daw ang mukha sabi ni Yuichi. Ako naman ang natanggap ko ay isang laruan. Si Yuichi ay nakatanggap ng Godiva chocolates. Pero binigay niya sa akin ito dahil ayaw daw niya sa chocolates. Natapos ang party namin around 11PM. Medyo tipsy but still on the mood to party. In the end, me, Yuichi and his friend along with three of the other Japanese ladies, were the only ones ended up partying at Roppongi. The rest of the guys went home. We went bar hopping. I was almost out of cash because of that. It was all plain fun. What a nice experience. Hinintay ko ang 1st trip ng tren para makauwi. Pagod at ubos ang budget.
Ang goukon ng mga Hapon ay walang pagkakaiba sa “speed dating” ng Western culture. Ngunit sa tingin ko ay mas pihikan lang ang mga Hapon. They always do it from time to time. Eh bakit hanggang ngayon ginagawa pa rin nila ito? Ibig sabihin marahil ay wala silang natitipuhan. Kaya lalong bumababa ang populasyon ng Hapon. Karamihan sa kanila, nagiging single forever. Hindi ba totoo? Kaya next time, pag may nag yaya na kaibigan na mag goukon, eh subukan ninyo. Kung kayo lang ang gaijin, mas exciting dahil makikita mo talaga ang kaibahan ng kultura natin sa kanila. In the end, you will appreciate what kind of culture we have as Filipinos. Kaya kailanman ay hinding hindi ko ipagpapalit ang kultura natin sa kanila.
No comments:
Post a Comment