OKAASAN JOURNAL
by Cleo Umali Barawid
Lessons from Manny
Happy New Year folks!
Bagong taon na naman, panahon para gumawa ng mga bagong resolutions. Sa taong ito, nais kong maging better version ng aking sarili. Kung baga sa computer, gusto kong i-upgrade ang aspeto ng aking buhay na may kinalaman sa pakikitungo sa kapwa, sa kalusugan, at sa pagpapaunlad sa sarili. Naniniwala ako na mas magiging madali para sa akin na matupad ang mga ito kung mayroon akong isang taong tutularan. Sa pagkakataong ito, ang tinutukoy ko ay si Manny Pacquiao.
Bakit si Manny, lalaki sya at okaasan naman ako. Feeling ko lang kasi irrelevant sa usapang ito ang kasarian. Fan ako ni Manny sa simula't simula pa at sa aking pagsubaybay sa kanyang boxing career, talaga namang kinakitaan ko s'ya ng magagandang ugali na gusto kong gawing inspirasyon ngayong simula ng taon.
Malusog na pangangatawan. Kita mo ba yung karada ni Manny? Not an ounce of fat, di ba? Gusto ko rin nun. Hindi ko naman pinapa-ngarap na maging maskulada, gusto ko lang maging well-toned ang katawan ko para naman carry ko ng mag-sleeveless ala Michelle Obama. Matindi ang disiplina ni Manny sa sarili. Kung tutuusin, pwede nyang kainin ang pinaka-mahal na pagkain sa mundo pero ano paborito nya, di ba tinolang manok na maraming dahon ng sili? Healthy na affordable pa. At ang tamang diet, sinasamahan nya ng exercise. Marami-rami na rin akong nabasa tungkol sa iba't-ibang diets at ang isang malaking pagkakatulad nilang lahat ay ang pagsasabing hindi lang sa pagkain nakasalalay ang magandang pangangatwan, dapat sabayan ng galaw. Bawasan ang pagkakaroon ng sedentary lifestyle, o yung palagi na lang nakaupo sa panonood ng TV o pag-iinternet. Daliri lang ang na-eexercise dito. Kailangang igalaw ang ibang bahagi ng katawan.
Kababaan ng loob. Kahit gaano na kasikat si Manny, hindi pa rin lumalaki ang ulo nya. Makikita naman ito sa mga interviews nya. Wala syang masamang tinapay kahit kanino. Hindi sya nag-a-underestimate ng mga kalaban bagkus lagi pa nyang bukambibig na si so and so ay magaling na boksingero kahit na napatumba naman nya ang mga ito sa ring. Ang dami rin nyang natutulungan hindi lang mga kamag-anak nya. Hindi nya nakakalimutan kung gaano kahirap maging mahirap kaya patuloy sya sa pagtulong. Nakapagpatayo na sya ng isang malaking boxing gym para sa mga kabataang nagnanais sumabak sa boxing, nakapagpatayo na sya ng ospital, at lagi syang may mga fund-raising activities sa kanyang mga concerts. Sa abot ng aking makakaya, nais kong maging katulad nya na bukas ang palad sa pagtulong sa mga nangangailangan. Hindi lang ito patungkol sa pinansyal kundi pati na rin sa pagbabahagi ng aking oras at kaalaman. Pag-iigihin ko rin ang aking sense of empathy o iyong paglalagay ng aking sarili sa kalagayan ng iba. Sa ganitong paraan, mas mauunawaan ko ang pinag-dadaanan ng isang tao at magiging mahinahon ako sa aking gagawing pagpapasya.
Keber-ko-ba attitude. Hindi ito negatibong ugali ha! Ang ibig kong sabihin, si Manny kahit hindi kagandahan ang boses ay tuloy pa din sa kanyang pagkanta. Ang importante sa kanya ay nag-eenjoy sya sa ginagawa nya. His enthusiasm more than makes up for his lack in singing skills:) . Ang ikinabibilib ko pa sa kanya, pagkatapos ng kanyang fights, laging naka-schedule agad yung concert nya with the Manny Pacquiao band. Para bang napaka-confident nya na ang resulta ng boxing fight will be in his favor kaya tuloy ang selebrasyon sa concert! This year, I want to do things that will please myself. Hindi ko na masyadong iisipin yung shock factor sa ibang tao. Gusto kong magsuot ng mas makukulay na damit at maging mas-outgoing:) !
Pagiging renaissance man - ang isang renaissance man (o woman) ay isang tao na maraming alam gawin. Patuloy siya sa pagsasaliksik kung ano pa ang pwede nyang matutunan, sa ganitong paraan napapanatili nya ang pagpapalago sa kanyang sarili. Ang isang halimbawa ay si Leonardo da Vinci na isang magaling na scientist, painter, iskultor, manunulat, mathematician atbp. Si Pacquiao para sa akin ay isang renaissance man ding matatawag. Hindi nya nililimitahan ang sarili nya. Isa syang boksingero, public servant, singer, businessman, philanthropist, movie actor, TV personality, at products endorser. Ang galing nya sa time management di ba? Bukod sa pagiging nanay, asawa, at guro, gusto kong madagdagan din ang aking titles. Madaming pwedeng pamilian halimbawa pwede akong mag-aral ng cosmeto-logy o pagma-manicure (isama na din ang pedicure), pwede din akong maging magaling na baker. At ang mainam pa, kaya ko itong gawin ng ako lang, sa panahon ngayon lahat ng bagay maaaring matutunan sa internet.
Pagkakaroon ng magandang relationship sa Diyos - ito ang pinakagusto ko sa lahat ng magagandang ugali ni boxing champ. He always gives God the glory. Nung mga nakaraang taon, sa sobrang busy ko sa mga bagay-bagay ay naisantabi ko ang aking faith. Alam ko na hindi ito excuse kaya gusto ko sana sa taong ito ay yumabong ang aking spiritual life. I will set moments in my day for self-reflection and communion sa ating Panginoon.
Ambisyoso ang mga objectives na ibinigay ko sa aking sarili. Manny, my role model, is a not your average person after all. Sa kabila nito, umaasa ako na with lots of self-discipline... kaya ko lahat itong gawin. Ikaw, ano ba ang resolutions mo?
-------------------
DRIVE-THRU
by Stephanie Jones Jallorina
(New) Kids on the Block
Happy 2011 everyone! Here’s a resounding plunge to the New Year!
Last year, we drive-thru places where we commonly go, through life. This year, let us together drive-thru people's lives, but in a good way; just all good vibes for a head start. Our first stop? Give it up for the new Kids on the Block!!!
Bet you would kind of agree with me that kids will always be the effortlessly funniest and cutest group of people. Below are my fearless forecast of the darnest thing kids will say, do and become this year, judging on my defensive reactions to strong coffee aroma of meters of distance, and on what will be the next lines of stars on telenovela, and the punchlines of most joke.
1. Bestest conversation sprawl, and will continue to spread with this four-legged group of individuals. Ang mga magulang ang nagturo sa mga anak kung paano gumapang, humakbang, mag-sulat at mag-basa. Sa dalas at init ng lambing at pag-alala sa mga tinig, at ang tibay at tahas sa paggabay sa kamusmusan ay nagpapalago ng magandang komunikasyon sa pagitan ng magulang at anak. Kaya mga magulang, huwag magtaka kung ano pa at kung saan pa kayo puwedeng makipag-usap ng inyong mga anak. Nag-boom ang facebook sa taong 2010 kaya pag sinabing, "Nay, follow me on Twitter," huwag dagdagan ang wrinkles. Ngayon pa lang, simulang pag-aralan ang www.twitter.com Ito ay daan upang masundan ang mga aktibidades ng mga anak na nagsisimula ng gawin ang mga bagay-bagay ayon sa kanilang kagustuhan.
2. You are your kid’s favorite toy. Maliit pa lang, walang laruan ang di kaya o di gugustuhing ibigay ang isang magulang sa anak. Animo'y robot, lalo na ang karamihan sa mga magulang na naririto sa Japan na para maibsan ang paglayo, laging wika ay, "hanggang sa abot ng aking makakaya, anak." Ang forecast ko sa taong 2011, kung di pa gaanong kabilisan ang pag-unlad ng ating ekonomiya, at mataas pa rin ang bilihin at matrikula, tatagal pa kayo dito ng isa pang taon, at katumbas nun ay isa pang taong pagkawalay sa mga anak na pinagbabago din ng panahon. Ang inyong tanging konsolasyon ay ang kaalamang kayo pa rin ang importanteng laruan ng inyong mga anak.
3. " ‘Cause the baby is now a lady." Huwag kayong maniwala at commercial lang po ito. Sa mga mata ng mga magulang, gaano man naging damulag ang anak, ilang babae ang pinaiyak, o kung ilang anak na ang iniluwal, mananati-ling bata pa rin ito sa paningin ng magulang. At anak, kahit ang forecast ko ay booming babies pa rin ang 2011, laging babalik at babalik sa magulang para sa suporta, moral o pinansyal, dahil "mommy knows best."
4. Kid’s charm. Pag ang magulang ang nasa laro malimit, mas napipilitan ang mga anak na mag-cheer. Pag mapasabak sa videoke o sa sayawan ang magulang, pansinin niyo, mapapangiwi sa hiya dahil na-weweirduhan o nababaduyan ang mga anak sa napaglipasang mga magulang. Ang forecast ko ngayong 2011, kahit ganun man o kahit matanggap ng unti-unti ng mga anak, na mangyayari din sa kalaunan sa kanila, ang mga magulang ay laging matatawa, mahuhulog ang loob at mapapapa- “haaaaaay” sa galing at charm ng anak. Sa bawat maliliit na gagawin ng anak – ang pagdasal ng simple ngunit taimtim, ang pag-iyak kung nasasaktan, ang pagtawa ng malakas kung natutuwa, ang pagsabi ng totoo at di pagsisinungaling, hindi sumusuko, gustong matuto sa buhay – ay malaking inspirasyon sa mga magulang.
One of the best people I love is the kids; the bubbly, noisy, sweet and lovely little angels. Kairie for one, while we were inside the car, sleepy on a long drive, surprisingly rock us with her, “ang cookie, cookie mo” song which sounds kind of variety show jingles. The new kids now are still the same kids parent know of from the beginning, only of better and bolder version, as years go by. The challenge to us is really how to evolve together to the changes, as is our only familial option. As a closing gift to parents, let me share with you what I learned from Anthroposophy, the clarity of natural science’s investigations of the physical world, that the kids whom parents gave birth to are the same kids who actually chose whom they wanted us parents, before they were even born. Pinawawalang bisa nito ang kasabihang, “Makakapili tayo ng kaibigan pero hindi ng pamilya.” Have the kid’s charm in 2011 everyone!
No comments:
Post a Comment