Monday, January 10, 2011

Jeepney Press 2011 January-February Issue Page 07



PAGMUMUNI-MUNI SA DYIPNI
ni Fr. Bob Zarate

Mabait Ka Ba Sa Loob Ng Simbahan?

Bilang isang pari, isa sa mga bagay na medyo nakaka-sagabal sa aking concentration sa pagmimisa ay ang mga bata. Don’t get me wrong. Aware ako sa sinabi ni Hesus na, “Let the children come to me…” Pero kapag naaalala ko ang training na ibinigay sa akin ng aking nanay at mga ate at kuya sa tamang behavior sa loob ng simbahan, hindi ko talaga maintindihan kung bakit pinapayagan ng mga magulang ang kanilang anak na tumakbo, kumain o mag-game sa loob ng Bahay ng Diyos.

Until mga 1960’s, ang karaniwang pagmi-misa sa simbahan ay nakatalikod ang pari, Latin ang language at walang microphone! Kaya kahit na tapos na ang pari sa kanyang dinadasal, tuloy pa rin ang pag-aawit ng mga sacred songs (in Latin ha!) at kapag time for silence na, talagang nakakahiya kung may maingay dahil rinig na rinig ito. Ramdam na ramdam mo ang SACREDNESS ng simbahan at Santa Misa noon. Kaya istrikto talaga ang mga magulang noon sa kanilang mga anak. Kapag umiyak ang sanggol, nilalabas nila ito at kung malaki-laki na ang bata, kurot ang makukuha niya. (Aray!)

Pero ngayong ang misa ay mas “Community” ang tema, sabay-sabay tayong nagdarasal, sabay-sabay tayong kumakanta, at may microphone pa. May mga variations pa tayo sa misa at ang ating mga kanta ay naging modern na. Kaya siguro tuloy nagkakaroon ng di pagkakaintindi ang iba na since parang mas free na ang misa ngayon, eh, ok lang na mag-ingay. Actually, hindi dapat!

Ang simbahan ay simbahan pa rin. Bahay pa rin ito ng Diyos kahit na puwede nang mag-drums or electric guitar or sumayaw-sayaw sa mga modern sacred songs. Kaya sana, i-train natin ang ating mga anak sa tamang attitude at behavior sa loob ng simbahan.

Sa pagpasok pa lang, quiet na. Mag-bow sa Diyos bago umupo. Kung may luhuran, luhod muna upang batiin ang Diyos na ating dinadalaw sa simbahan bago umupo. (Naaalala ko tuloy ang nanay ko noon na ayaw niya kaming umupo kaagad. Dasal daw muna.) Tapos quiet na. Siguro puwede nating kausapin nang pabulong ang mga bata kung para kanino o kung ano ang puwedeng ipagdasal sa pagsamba o Santa Misang ito. Make sure nakaupo ng tama ang inyong anak at hindi nakapatong ang paa sa luhuran (dahil ang luhuran ay para sa tuhod at hindi para sa paa!). Do not encourage them to eat sa loob ng simbahan, kahit candy. Hindi kainan ang simbahan. Ito ay lugar ng pagdarasal.

Around isang oras lang naman ang misa, kaya puwede kang makipag-bargain sa anak mo. (Yung kaklase ko noong elementary, kapag tahimik daw siya sa simbahan during the mass, binibili daw siya ng balloon ng nanay niya pagkatapos. Kaya nasanay tuloy siyang maging tahimik sa simbahan kahit noong lumaki na siya… of course, wala nang balloons!)

Kung tatayo lahat, patayuin ang anak. Kung uupo lahat, paupuin ang anak. Kung luluhod lahat, paluhurin din siya nang mahusay. Kung sanggol at iyakin at mayroon namang “nakibeya” (cry room) sa likuran, dalhin ang anak doon at doon ka mag-participate sa misa. At paalala lang sa mga nasa cry room… hindi komo’t nasa cry room kayo ay puwede nang magtakbuhan at maglaro ang mga bata at puwede na ring magtsismisan ang mga nanay. Ang cry room ay parte pa rin ng simbahan kaya doon pa lang ay puwede na nating i-train ang mga bata sa tamang behavior.

Pero, in the end, sino ba dapat ang sisihin kung maingay ang bata sa simbahan? Eh di ang mga adults (at hindi lang ang nanay)! Kalimitan ang lakas ng mga boses ng mga Pilipino sa loob ng simbahan. May naghahalakhakan pa! Kaya ang dating sa bata tuloy ay hindi banal ang simbahan. Sayang. Ang simbahan na lang nga ang natitirang tahimik na lugar sa mga kabataan ngayon, hindi pa ito pinapakitang dapat galangin dahil sa mga ma-i- ingay na matatanda.

Kung gusto mo pang bumalik nang bumalik sa simbahan ang inyong mga anak kahit na malaki na sila, ito ay hindi lamang dahil sa may mga naging kaibigan na sila. That’s just one side of it. The other side is, babalik sila sa simbahan kasi ito na lang ang lugar kung saan puwede silang maging tahimik, magdasal nang taimtim at lasap-lasapin ang presensya ng Diyos!

At ito ay hindi mangyayari, kung hindi mo ito uumpisahan!


-----------------------


DAISUKI
ni Dennis Sun

Disabled Pinoys

Ano ka mo? Taong 2011 na? Aba, hindi lang isang taon ang lumipas kundi isang dekada na after the millennium. Dumaan lahat ang mga taong ito na mas mabilis pa sa takbo ng shinkansen. Baka bukas, pag-gising mo sa umaga, taong 2020 na. At baka hindi mo na makikilala ang inyong sarili sa salamin dahil kung hindi puti lahat ang buhok mo sa ulo, eh baka “gone with the wind” na ang hair mo! Aray ko po! Lola, nasaan ang sabila!

During this time of the year, it’s good to reflect about our life. Ano ba ang nangyari last year? Have we achieved some of our goals? Now, with the start of the new year, we should have new goals para makapag-create tayo ng magandang direksyon sa buhay. Kung meron tayong goals, mas-focused po tayo. Alam natin kung saan tayo patutungo. Alam natin ang mga dapat natin gawin at iwasan. Like so many people, it’s good to make a New Year’s resolution list. Whether we do them or not, it’s still good to create one so we could motivate ourselves and give our lives a little extra direction. Kahit isa o dalawa man ang ma- achieve natin, malaking bagay na rin yon!

Last year po, since the visit of President Noy Aquino, we have been planning of creating a Filipino Center in Tokyo. Imagine, in Hong Kong and Singapore, meron po silang Bayanihan Center. Pero compared sa kanila, mas marami po tayong mga Pilipino dito kahit sa bilang ng mga Pilipino sa Tokyo lang ang kukunin. Basahin po ninyo ang liham na binigkas ni Doc Mel Kasuya kay Pangulong Aquino (page 18) tungkol sa paggawa ng TAHANAN para sa mga Pilipino sa Japan.

Sa isang pagpu- pulong namin, napag-usapan ang mga problema ng mga Pilipino sa Japan. Pa ulit-ulit ko na pong sinusulat dito at uulitin ko pa rin ngayon at sa mga darating pang panahon. Karamihan po sa ating mga Pilipino ay mababa ang antas ng karunungan sa wikang Hapon. We maybe highly educated in the Philippines but if we don’t know enough and proper Japanese language, we are as illiterate as the uneducated. Kung may mga physically handicapped na tao, tayo po ay mga pilay, bulag at bingi sa Japan dahil hindi tayo makasulat, makabasa at makaintindi ng Hapon. We see the sign, but we don’t understand it. They talk to us and hear them but we don’t understand. We want to talk to them, but we cannot express ourselves in Japanese. Dahil sa baba ng antas natin sa wikang Hapon, maraming problemang nangyayari dulot ng miscommunication.

Napakamahal po raw ng mga Japanese language schools sa Japan. They cannot afford. Marami naman pong mga government offices and NGOs ang nagbibigay ng libre o murang tuition fees sa kanilang Japanese language classes. If you consult your nearest ward or city office, they can refer you to several places where you can avail these services.

Eh, si Inday na twenty years na sa Japan, bakit hanggang ngayon, barok pa rin ang Hapon niya? Hindi ba niya alam ang mga murang Japanese classes? Depensa ni Inday, “Eh, bakit naman ako papasok pa sa Japanese school? Gagastos pa ako doon. Wala rin akong perang makukuha doon. Tsaka, matanda na ako para mag-aral pa.”

Si Inday, dalawa na po ang anak. Mga Hapon po. Kaya kung hindi mabasa ang mga sulat galing sa City Hall o bangko, pinapabasa na lang sa kanyang mga anak. Si mister, matagal na raw wala. Pinagpalit si Inday sa mas batang Pinay.

Marami po sa atin ay tulad ni Inday. Mga permanent residents dito ngunit napakababa ng level of Japanese proficiency. Para sa kanila, kung hindi man pag-peperahan, huwag na lang pag-aksayan ng panahon. Actually po, isang malaking investment ang pag-aaral ng wikang Hapon. Kahit isa kang entertainer sa gabi, iba pa rin kung marunong kang mag-Hapon. Tita, yung ganda mo, malalaos din iyan. Yung galing mo sa pag-sayaw, mawawala dahil sa rayuma! Tatanda ka rin. Kung marunong kang mag-Hapon, marami kang magagawang ibang trabaho.

Alam mo na nga na mahina ang antas ng kaalaman mo sa wikang Hapon at wala ka pa rin ginagawa hanggang ngayon. Kumilos ka, Inday. Huwag kang manatiling bulag, pipi, bingi at pilay sa bansang ito. May oras pa. Ganbatte!

Sa mga karamihan na mga Pilipinong housewife sa bahay, mag-sumikap kayong mag-aral ng wikang Hapon. Para sa inyo rin ito. Mag-aral ng tamang pananalita. Mag-praktis kayong mag-basa at mag-sulat dahil diyan tayo mahina. Kahit pakonti-konti lang araw-araw, pwede na yon.

Pakita natin na magaling ang mga Pinoy sa Japan. Kaya natin mag-salita ng maayos na Hapon. At dahil dito, madali natin maipahiwatig ang linalaman ng ating utak at puso. Marami tayong maiiwasan na gulo at problema. Sana sa bagong taong ito, umpisahin natin sa ating sarili. Paunti-unti, napag-aaralan natin ang wika nila. At magiging mas madali at maginhawa ang pamumuhay natin sa Japan.



No comments:

Post a Comment