Doc Gino’s Pisngi Ng Langit
Ayaw maging buntis (Unwanted Pregnancy)
Tanong: gud evening. gusto ko lng po mag-ask kasi po i think im preggy, aug 22 po me last nagka-mens and regular ako... so dapat sept 20 something is dapat may mens ako... but til now october 1.. wala pa rin.. and i tried na rin ang pregnancy test minute ago... mga 11pm... but its POSITVE.. can i ask if totoo ba to???... sobrang depress me kc hindi tlaga pwede... ayoko pa...im not ready to have a child...ano po ba gawin ko??? anong pwedeng inumin na gamot para hindi ito mabuo?.. natatakot po ako... plzzz help me po.. thanks
Doc Gino: Ang nararapat mong gawin ay ulitin ang pregnancy test. Kung positibo pa rin ay totoo ang resulta at nabuo na ang pagbubuntis. Samakatwid, ang susunod na dapat gawin ay alagaan ang pagbubuntis. Magpacheck-up sa isang espesyalista tulad ng OBGYN at sumunod sa payo. Kung iniisip mo na putulin ang pagbubuntis, isipin ito nang maraming beses sapagka't baka manganib ang iyong buhay kung sakaling ituloy mo ang iyong balak sa dami ng magiging komplikasyon bukod pa sa hindi legal ito sa batas ng ating bansa.
Dysmenorrhea (Masakit na Pagreregla)
Tanong: dok i just wanna ask some more about my menstruation. im 22 yrs old single... since when the time na mag mens ako when i was 12 years old always sumasakit ang puson ko during my period until now. kung nong una hindi sya subrang sakit pero habang nag kaka age ako lalo rin syang sumasakit na para bang mahuhulog na ang matris ko. pinagpapawisan ako ng malamig at nanginginig ang buo kong katawan pag 1st day ko. naaabala ang trabaho ko so there4 umiinom po ako ng midol everytime na sumasakit ang puson ko, pero may naka pagsabi na may side effect daw ang drugs at the end.ndn after may period nilalabasan ako na kulay dilaw na likido na hindi maganda ang amoy na parang nana ang amoy nito, nababahala ako dok, na baka may sakit na ako sa vagina. di pa ako nagpapa consult. at totoo po ba na ang pag aasawa at pagkakaroon ng anak ay mawawala ang tinatawag na Dysmenorrhea. i will appreciate that u reply my question..
Doc Gino: Ang una mong problema ay ang "dysmenorrhea" kung kaya't sumasakit ang iyong puson sa tuwing magkakaroon ng buwanang dalaw. Isa sa mga dahilan nito ay ang tinatawag na “endometriosis” na kung saan nagreregla sa labas ng bahay bata o matres. Ito ay masosolusyonan sa pamamagitan ng mga gamot na pwedeng inumin. Kung susunod sa reseta ng iyong "gynecologist," ang mga "side effects" ay maiiwasan. Ang panganganak ay maaaring magpagaling ng "dysmenorrhea."
Sa ikalawang problema na may nalabas na nana sa iyong ari. Ito ay isang impeksyon sa pwerta na marami ang dahilan. Maaring ang iyong “sexual partner” ay mayroong impeksiyon na naipasa sa iyo. Kailangan ang pagpapasuri sa iyong "gynecologist" upang malaman kung ano ito. Kung mayroon "active sexual partner" pati ang kapareha ay kailangan na magpasuri rin upang maiwasan manumbalik ang sakit na ito.
------------------------------
PEDESTRIAN LANE
Mylene Miyata
Pwede!
Kumusta po ang nakalipas na pasko at bagong taon natin?
Siguradong busog na busog po tayo nitong nakaraang okasyon!
At malamang busog din ang ating mga puso ng kakaibang kaligayahan dulot ng kapaskuhan at panibagong taong dumating, di ba? Hindi masyado?! Baket naman kaya?
Hindi rin natin maaring i-deny na iba't-ibang uri ng new year's resolution ang ating naisip nitong mga lumipas na linggo. Kaya naman, good luck po sa ating lahat patungo sa ating mga minimithing pangarap sa hinaharap na taon!
Pero, sapat nga po ba ang focus natin sa napiling resolusyon ngayong 2011? Seryosohan ba ito? Pwede!!! Baket naman hinde? Eh, sa tulin ng panahon po ngayon, malamang mapag-iwanan tayo kung hindi natin ito kayaning sabayan, di po ba?
Simulan natin sa teknolohiya hanggang sa klase ng araw araw na pamumuhay... Eh, napakatulin po talaga. Akalain nyo... Ganon lang natapos ang 2010! Anu-anong achievements po ang nagkaroon tayo last year? Nakamtan po ba natin ang new year's resolution natin last year? At eto, 2011 na! Wala nang bawian. Tuloy ang dagdag sa edad natin. Tuloy ang agos ng panahon para sa lahat. Inaabangan na rin ng karamihan ang World Cup nitong darating na 2018! Ganon po kabongga ang tiktak ng orasan ng buhay! Kakalerkey talaga! Kahit ako, slightly natataranta sa pagtakbo ng panahon. Kayo rin po ba? Okay naman?! Relax lang po ba?! Hindi rin?!
Naaalala ko tuloy madalas sabihin ng anak ko sa akin kapag nagmamadali kami para makahabol sa tamang oras sa dentist nya... "Mama, chotto matte!" Syempre pa, sasagot ako ng tahasan kalimitan ng ganito... "Anak, si mama pwedeng maghintay. Pero, ang oras tumatakbo! Walang hinihintay na kahit sino kaya please bilisan mo, anak!" Sa isang banda, ang sarap din naman kalabitin ang sarili ko. Hahaha. Tuwing naaalala ko yung literal na kahulugan nito, napapangiti na lang ako ng bonggang-bongga habang nagmumuni-muni sa buhay. At biglang mapapaisip na... "Ganito na ba talaga ang tumatanda?!" Merong feeling of "rush"? Nasa early thirties pa lang po ako. Pero may ganong factor na! Kayo po? Masasabe mo ba na ang ilang panahon na lumipas sa iyong buhay ay naging makahulugan? Naging mabunga? Kuntento ka ba? O meron ka pang gustong gawin para ma-feel mo na kumpleto? Yun bang alam mong wala kang sinayang na panahon noong malakas ka pa at saksakan pa ng ka-freshness-san? Wala bang sisihan?! Halimbawa ang hangad mong magpatayo ng dream house mo na may heliport? Magpakabait ng konte? Magpatawad? Magpasalamat? Kung ano man yan! Bakit di mo kaya subukang itanong sa konsensya mo? Try lang. Kaibiganin mo yung
subconscious mind mo. Friendly naman yan kadalasan eh. Basta, honest ka lang. Pero kung di ka aamin, hindi rin kayo magkakasundo nyan malamang. Tsk! Tsk! Sayang naman yung chance na matulungan ka nyang i-achieve yung greatest goals mo sa buhay, di ba? Kung meron pa man po. Kung wala naman na, eh di... happily ever after na. Ang saya-saya! Cheers!
Anu't ano pa man po ang kahihinatnan ng usapin hinggil sa bagay na nabanggit. Tandaan na meron pong isang natatangi at pambihirang kanais nais na bagay na pwedeng itanim sa isipan natin sa anu mang panahon sa buhay natin. Bagay na wala tayong katalo-talo saan man magkasukatan. Winner ka lage, friend! Iyon pong makasanayan nating i-focus ang sarili natin. Sa mga bagay na maaaring makapagpausad sa atin papunta sa hinaharap na panahon. Hindi ang magpabalik-balik sa mga panahon na di mo naman pakikinabangan sa iyong daan papunta sa gugustuhin mong makamit sa buhay. Imbes na bumuo ng balakid, baket di natin subukang bumuo ng kapaki-pakinabang na hakbang. Habang nanggigigil tayong makamit ang saktong estado na mithi natin sa buhay... Sabi nga sa wikang hapones "Mae ni susumu koto!" daw.
Masaganang 2011 po sa lahat!
-------------------------------
KWENTO NI NANAY ANITA
ni Anita Sasaki
Ang buhay ay sadyang masalimuot, puno nang pagsubok. Pagsubok na nagtuturo sa atin kung paanong bumangon at maging matatag sa buhay.
Kung minsan ay binibigyan tayo ng Diyos ng maliliit na problema at dahil dun ay madaling nawawala ang ating pananampalataya at pag-asa sa buhay. O kung minsan di nangyayari ang nais nating mangyari, may mga tao tayong nakakaalitan, at higit sa lahat ay may mga bagay na di natin makuha.
Ang buhay natin ay regalo mula sa Diyos, isang pagkakataong hindi na maibabalik kailan man. Kaya kung pipiliin natin at bibigyang-diin ang mga mali natin sa buhay ay maaari natin itong pagsisihan ng panghabambuhay. Ika nga sa isang tula mula sa Alibata-Buhay ng Tao na sinulat ni Edna Lesada,
Ang buhay ng tao parang saranggola
Pagkatayug-tayug kung lumipad
Subalit kung ang hangin ito'y kalawitin
Mahuhulog sa lupa at magkakagula-gulanit.
Kaya’t nararapat lamang na pahalagahan natin ito sa bawat araw na mayroon tayo. Di rin kailangan ng okasyon tulad ng pasko o kaarawan ng taong mahal natin para maipadama natin sa kanila kung gaano sila kahalaga sa atin. Binigyan tayo nang mga oras na maari nating gamitin at di dapat sayangin.
Gawin nating aral ang bawat pagsubok na nalalampasan natin at tignan ang makukulay na bahagi ng ating buhay. Ang panghihina ng loob ay nagpapakita ng kawalang-tiwala sa ating sarili, na dapat nating gawin kalakasan.
Isaisip natin na tayong lahat ay may sari-sariling anyo ng problema sa buhay, lahat ay dumadaan sa mga ganitong pagkakataon sa di natin inaasahang panahon. Ang pagdarasal at kalakasang-loob mula sa ating mga pamilya at mahal sa buhay ang magsisilbing lakas sa pagharap natin sa buhay.
No comments:
Post a Comment