Wednesday, March 9, 2011

Jeepney Press 2011 March-April Issue COVER



Cover art and design by Dennis Sun

Jeepney Press 2011 March-April Issue CENTERFOLD



THREE AMBASSADORS
By Priscila R. Confiado

We arrived in Tokyo on January 12, 2006. Little did I imagine that in a span of four and half years we will get to work with three ambassadors. But mind you, the fast turnover came only in the last 4 months. Having served with several ambassadors in the past, one can’t help but ponder on the last three. They come from different backgrounds, upbringing and interests. “Amba” as we fondly call them: Siazon had the reputation of being the more intellectual one not to say that he is the most intelligent, pero yung dating niya ay ganun. Amba Anota was the more spiritual and deeply religious one and Amba Lopez, is the business tycoon with a “heart and malasakit” for our kababayans.

In Modern Diplomacy, an ambassador is defined as the highest ranking diplomat who represents a nation and is usually accredited to a foreign sovereign or government, or to an international organization. For us Filipinos, our ambassador is not only the highest ranking diplomat, but the official representative of the President of the Philippines to the host country.

The Philippine Embassy in Tokyo, Japan is one of our most important foreign posts. Japan, being one of our major trading partners, the largest source of investments and development assistance, and home to 224,558 Filipinos, the fourth largest foreign community in Japan.

From 1944 to the present (a span of 57 years), we have had 14 Heads of Posts, each one of them leaving their mark in the embassy, each one of them leaving their legacy.

I first met Amba Siazon when we were posted in New Delhi, India. He was attending the Non Aligned Movement or NAM meeting. I was awed by what I had heard and read about my husband’s boss, a scholar and accomplished diplomat. At that time, 1998, he was serving as Secretary of Foreign Affairs. So it was with great anticipation that I looked forward to an evening with him.

We were riding in the “old” Mercedes car of the embassy. We were requested to take care of Secretary Siazon, pick him up from his hotel, the Oberoi, and bring him to the Ambasador’s residence in Channakyapuri (New Delhi’s diplomatic enclave). While on the way, he asked Solphie if the driver could turn on the car’s air conditioning. Apparently he was starting to perspire, owing to the intense heat (summers in New Delhi could heat up to 48-50 degrees). Solphie then proceeded to talk to our driver, and he replied, “No Saab, if I turn on the air conditioning the car will stop!” Then the three of us started laughing and I gamely said, “Welcome to India, Sir.” He gamely replied, “Oh no, please don’t turn on the aircon, I don’t want to push!” and proceeded to take off his coat.

Domingo L. Siazon began his love affair with Japan as a Monbusho scholar at the Tokyo University of Education in 1964. He graduated with a Bachelor of Science degree majoring in Physics. He not only mastered Japanese but did so by marrying one of their own, Kazuko I. Siazon. They have 2 sons, Dan and Ken.

Jun Siazon, as he was called by his friends, was always supportive of Filipinos and scholars wanting to study in Japan, and learning their culture and language. He felt that this was one of the best ways to foster our relations with the Japanese people, when we take the time and effort to learn their ways. It was also a way for paving the way for “future” diplomats to serve in this post. On several occasions, he encouraged our son Andre to take his masters degree on Asian studies at the Waseda University.

Also on many occasions, Amba Siazon can entertain you with his wit, his stock knowledge of politics and politicians, society figures, golf and songs!! Because of his experiences in the service and his long memory, he can tell you stories about prominent figures in our government and society. An important advice when you are with a man like Amba Siazon is that you listen, one can learn a lot just by listening to him.

And oh yes, he can belt out a tune, him being a former member of the Ateneo Glee club. One Christmas party, I remembered having great fun singing Christmas carols the whole night with him!!

Because the “amba” is our premier representative of the country, it is most important that the person chosen to be the ambassador truly cuts a figure of respectability, in other words “kagalang-galang.”

Para sa akin, lubos na kagalang-galang ang ating ambassdor kung magaling siyang “magdala” sa ating Philippine dress o Barong Tagalog kung tawagin. Ah, dito masasabi ko na lubos na kagalang-galang si Amba Siazon dahil matipuno at magiting siyang magdala ng ating Barong.

Our second Ambassador is a woman diplomat, Belen Fule Anota. We remember Amba Belen fondly with her saying that she is an “Ambassador for Christ!” She was appointed Charge’ d’ Affaires of the Embassy from October 2010 to mid-January 2011, following the retirement of Ambassador Siazon and prior to the arrival of Ambassador Manuel M. Lopez.

In diplomacy, chargé d’affaires (French for “charged with (in charge of) matters”), often shortened to simply chargé, is the title of two classes of diplomatic agents who head a diplomatic mission on a temporary basis.

She arrived in October amidst the flurry of preparations for President Benigno S. Aquino III’s first visit to Japan last November to attend the APEC Leaders’ Meeting in Yokohama. Prior to Tokyo, Amba Belen served as Head of Post in Israel then in Singapore, very tough assignments for a mother of two. From her stories, Amba Belen seemed to have visited every corner of Israel, most especially the Holy Land, a must for the Catholic faithful. Her transfer to Singapore was unexpected, but providential because as she said it was in the city-state that she found a more suitable school for her son.

We had a special affinity to Amba Belen because she is a sister in the community, them (she and her husband), being members of the Catholic renewal community called Couples for Christ or CFC. I believe that this is one of her legacy to our embassies, her deep faith has always guided her in the decisions she made and the kind of leadership she asserted in the embassy.

She will be remembered as the ambassador who pulled the embassy together during the “Guen Aguilar” saga in Singapore in 2005-2006. The Singapore Supreme Court (SC) sentenced her in 2006 to ten years imprisonment for killing fellow Overseas Filipino Worker (OFW) Jane La Puebla in September 2005. She narrowly escaped the death penalty. The Flor Contemplacion case was still fresh in the minds of everyone and apparently Secretary Blas F. Ople was known to have said that he wanted someone in Singapore who has the heart and faith that will move mountains. I will never forget her response to the question, “How did you manage it?” and her response was, “With a lot of prayer.”

In the preparations for the PNoy’s visit, two memories come to mind. The first was her support for the choir. Solphie organized the choir coming from ten different parishes and we began rehearsals 2 months before November 14. She made it a point to attend some of our rehearsals and on the first time she came, she told us that she wanted to speak to the members, and this is what she said, “Please sing with all your heart and soul, because you will not only be singing to our kababayans and our President but most specially because you will be singing to the Lord!” All of us in the choir became doubly inspired to sing our best.

The second memory is from our preparations for the “Children’s Segment,” Amba Belen amazed me with her attention to details. First, she said the number of origami should be significant to the Pnoy and she was so concerned with how the 2 boys will carry the origami and how the President will receive it. Truly, a woman can be so meticulous about the details and specifics. But it was because of her “pangungulit” about how it will be handed over to the President that we got it right. So I guess she was the best “woman” for the job!!

Amba Belen also had a lot of trivia about the Nativity or what we commonly call “Belen.” While having dinner with Bishop Bacani who came to Japan to attend the anniversary celebrations of El Shaddai, her first question to us was, “Why does the ox and the ass merit a place in the Belen?” Bishop Bacani paused for a moment and said Isaiah 1:3, “ An ox knows its owner and an ass its masters manger” (NAB). Obedience, said Amba Anota, is one of the great lessons of the Nativity story.

Just before leaving for Manila during the December holidays, she invited a small group of us to view her “Belen Collection,” and enthralled us the whole evening with anecdotes about each set and the role of each character or animal in the nativity. Oh it was a nice and wonderful evening that will long be remembered. Amba Anota shared with us that she has more than 100 sets of Nativity in her personal collection. She has nativities from all over the world! I guess having a name Belen prompts people to gift her with them. “Belen on Belen,” that is the title of the book she hopes to write one day when she retires from active diplomatic service. I wished we had more time with her because I always learned something new each time we got together.

Amba Belen, we wish you the best in your next posting!!

I got a glimpse of Ambassador Manuel M. Lopez years back when I attended a function to honor Fr. Fernando Suarez (the healing priest) at the house of Greg and Paz Monteclaro. Fr. Edo requested me to be one of the emcees during his birthday celebration and Amba Lopez with Mrs. Marites Lopez were amongst the guests. Little did I know that I would meet them again today.

Ambassador Manuel Moreno Lopez, known to his friends as “Manolo Lopez,” is married to Maria Teresa Lagdameo Lopez and they have four children; Maria Margarita L. Lichauco, Manuel Eugenio L. Lopez, Miguel Ernesto L. Lopez and Martin Antonio L. Lopez. To date they have 7 grandchildren. Amba Lopez said to us one time that he hopes to bring his grandchildren to Tokyo for the summers. I am sure that the residence in Kudan will surely echo with the laughter and voices of children, a sure way of warming up those cold corridors Sir!

Tokyo is his first assignment as an Ambassador and as a government official. Prior to this posting, Ambassador Lopez is known for his 45 years experience in being a successful businessman and a distinguished corporate leader. He is a respected and admired visionary leader of Meralco. His stewardship propelled the premier electric distribution company into its highest operational efficiency and very impressive operational results. Compassionate leadership has endeared him to all his employees.

Amba Lopez started his career as a management trainee in MERALCO or Manila Electric Company in 1965, he worked his way up in this company until he became its President and COO and eventually its Chairman and CEO from 2001 until his retirement last July 2010. In an interview with the Daily Inquirer, Lopez said ”I won’t be happy retired, Lopezes don’t retire. Geny was the same. We die with our boots on.” “Geny” is Eugenio Lopez Jr., the late oldest brother of Manolo.”

It is said that if one goes to the Manuel M. Lopez Development Center or MMLDC in Antipolo, one can see written the core values that this business tycoon turned Diplomat lives by; malasakit, honesty, integrity and hard work. I still remember fondly what he said to Solphie over coffee last November, “Pagdating sa consular services, importante na maayos ang pakikitungo sa lahat, dapat maramdaman ng ating mga kababayan na mahalaga sila!”

As it turned out, the Pnoy had other plans for Manolo. He has brought Manolo to Japan and I can feel winds of change brewing in the horizon.

I believe each of the three ambassadors mentioned in this article came to Japan for a reason. Each of them had a role to play and a mission to fulfill at that particular time. To be called to serve in Foreign Service is not a job but a mission. You have to have the heart for it because if you don’t, then your presence will not be meaningful.

The profile of the Filipino community in Japan has changed. We are not just OFW’s or contract workers anymore, we have become a migrant community. Our women have married into Japanese families, bore children, built their homes, planted their roots here and they will be here to stay. We have a growing second generation of half Japanese and half Filipinos whom they fondly call double. As such our Embassy will have to fully respond to this changing profile and changing needs and pressing concerns of our kababayans. As such the formation of the proposed Philippine Center or “Tahanan” is indeed providential and responsive to the call of the times.

I believe that a Divine intervention has brought Ambassador Lopez to Japan at this perfect time because we need someone like him. A man with his business acumen to further deepen the ties we have in trade and development aid, a man with his love for our country and our kababayans, specially his “malasakit” principle in order to relate in a very humane way with our kababayans here in Japan and lastly his deep and abiding faith in God which will be the measure by which he will be measured. “A man after God’s own heart” as David was known to be, we welcome and look with much anticipation the days to come when we will walk tall because our ambassador cares for us, when our ambassador shares not only his knowledge and experiences with us but more importantly his heart. Amba Lopez, allow us to journey with you in the days to come and we will match your dedication with ours.

Maligayang pagdating po Amba Lopez!!!

Jeepney Press 2011 March-April Issue Page 03



DAISUKI
By Dennis Sun

Good-bye Kitty!

Kawaiiiiiii!!!!
Kawaiiii!!!!!
Kawaiiii!!!!!
Aray ko po! Baka sumabog na yata ang mga eardrums ko sa mga tili at sigaw ng mga high school girls sa Harajuku. Tandaan, we live and work in the Land of the CUTE! Sa mga Hapon, basta't cute ka, you are big and popular. They make everything look cute in all kinds of ways. Lagyan lang ng maraming ribbon and flowers. Mag-suot ka lang ng maraming pink: from pink sunglasses, pink bag, pink shoes, pink mufflers, pink manicures, pink socks…pati na rin pink contact lens! Ano ba yan? Nalito na ako at tuloy hindi ko na alam kung anong ibig sabihin ng salitang CUTE.

Bakit ganito ang nangyari sa bansang Hapon? Bakit nga ba? Bakit biglang naging Land of the CUTE? Kung susuriin natin ang kanilang nakaraang kasaysayan, hindi naman CUTE ang naging popular noon. HIndi naman cute ang mga samurai. Gwapo, pwede pa. Tsaka ang mga ninja at yakuza, nakakatakot ang mga iyan. Even the geishas, they are not cute---they are beautiful! Ang mga sumo wrestlers naman, cute ba ang mga iyon?

Even in their philosophy of zen, everything should be made simple and minimal. Hindi dapat nagnanakaw pansin ang mga kasuotan at mga dekorasyon sa bahay. Simple lang dapat para magkaroon tayo ng tamang focus sa buhay. Hindi naka focus sa materialismo kundi sa bagay na espirituwal. Iyan ang zen!

Subalit nawalan ng landas yata ang mga Hapon. Naging mayaman ang kanilang bansa. Kaya ba tayo naparito ay dahil gusto natin makihati sa kanilang yaman? Well, hindi lang sana sa yaman ng pera kundi sa yaman sa iba't-ibang kaalaman at karanasan.

Tinanong ko ang matalik kong kaibigan na Hapon, si Hiroki. Nande? Naze? Doushite? Hayan, tatlong "bakit" na iyan. At baka makulitan pa sa akin. Sabi ni Hiroki, isa lang daw ang may kasalanan sa lahat ng kawaii-ness na ito. Ang dapat sisihin ay ang SANRIO company, the creator of Hello Kitty. Inday, look at Sanrio now. Huwag mong isnabin! They have a line of more than 50 cute characters that generates more than $1 billion a year. Ilang zero yon? And Sanrio is a global corporation already.

Sabi naman ni Kyoko, kasalanan daw ni Seiko Matsuda. Siya ang famous pop singer during the 80's na ikinukumpara kay Madonna sa Amerika. Siya ay may kasalanan kaya kung umawit ang mga Hapon, ipit na ipit ang mga boses. Parang Mickey Mouse! Siya kasi ang ginagaya ng mga babae at baklang Hapon lalo na kapag kumakanta sa karaoke. Kahit ang mga maton na lalakeng Hapon na iyan, isang tagay lang ng tequila, aba, nag-iiba. They transform into another "cute" personality. Nagiging Pikachu bigla! Pikachuuuu! Look at ‘chuu!

Tanong naman ni Taro sa akin, "Eh sa Pilipinas, wala ba kayong cute?" Na-tememe bigla ako. Baka naman ako ang tinutukoy niya? Hindi naman siguro. Ano ba ang mga cute sa atin? Nag-isip bigla ako. Brain, help me out naman. Kailangan kita ngayon because this is a major-major kweschon.

Nag-isip muna. Well, ang cute sa Pilipinas ay crime and corruption. Hayan na ang hostage, kidnapping and carnapping. At ang mga milyon na pagnanakaw sa mga pera ng taong bayan. Hindi pa nga nakita at dumating ang perang galing sa mga dayuhan, eh, ninakaw na! Eto pa ang mas-cute: massacre! Aray ko po! Patawarin tayo ng Maykapal! Siempre hindi ko na lang sinabi kay Taro ang mga iyan. Sa atin-atin lang ang mga bagay na ito. Nakakahiya at nakakadiring isipin na kapwa natin mga Pilipino ay nagagawa ang mga ganitong bagay nang dahil lamang sa pera at posisyon. Imbis na maging cute tayo, nagiging “acute” ang mga Pilipino. Instead na KAWAII, we are becoming KOWAII (nakakatakot)!

Kaya nga natatakot ang mga turistang dumalo sa ating bansa. Sabi nila, "Kowaiiiii!!!" Scared sila siempre. Ako nga, when I am in Manila, takot na rin mag-taxi. Ang dami kong naririnig na "kowaii" na kwento kasi, eh. I am sure, alam na rin ninyo.

Pero sa Japan, op cors, meron din corruption na nangyayari dito. Kaya nga ang mga corrupt na opisiyales sa gobyerno nila, once na buking, agad-agad, they resign. Sa atin, sige pa rin sila ng sige. They want to cling till the very end. Sa Japan, kahit may corruption, hindi masyadong masakit at obvious dahil maraming middle income people. Sa atin, napakasakit dahil mas marami ang mga pobre na lalong naghihirap sa buhay dahil lalong yumayaman ang mga rich.

Tanong ko sa inyo ngayon, "Meron pa bang pag-asa ang Pilipinas? Paano kaya makakabangon ang ating bansa? Kailan kaya tayo magiging KAWAII sa tingin ng mga dayuhan para pumunta sila sa ating bansa tulad ng Thailand, Malaysia at Vietnam? At ikaw, kailan ka kaya uuwi ng bansa na walang takot kapag nasa loob man o labas ng bahay?"

----------------

Shoganai: Gaijin Life
By Abie Principe

Big Fish, Little Fish

Naiisip niyo na ba kung gaano karaming pera ang 34.49 million yen? Para sa marami sa ating mga simpleng tao, mahirap maka-relate sa ganito kalaking halaga. Ang mga naiisip ko kapag ganito kalaki ang halagang pinag-uusapan ay bahay at lupa, sariling negosyo o di kaya isang magarang bakasyon sa Europe. Pero ano sa tingin ninyo ang nagkakahalaga ng 32.49 million yen sa Japan? Ang sagot sa tanong na yan… isda. Opo mga kaibigan, ISDA as in fish o sakana. Hindi ito typographical error, talagang isda ang nagkakahalaga ng 32.49 million yen.

Ayon sa Associated Press, (Giant bluefin tuna sells for record $396,000), ito ay isang bluefin tuna na nahuli sa may bandang Hokkaido. Ibinenta ito sa isang auction sa Tsukiji Fishmarket, isang napaka popular na fishmarket sa Japan. Ibinenta ito noong unang araw ng trabaho sa taong 2011.

Bukod sa napakalaki ng isang ito, 342 kilos, isang importanteng bagay rin na ibinenta ito ng first business day of 2011, kasi para sa karamihan ng mga tumatangkilik sa Tsukiji Fishmarket, ito ang pinaka-masuwerteng araw para sa kani-kanilang mga negosyo, at lahat halos ay gusto mabili ang pinakamalaking isda na nahuli sa pagpasok ng bagong taon. Ang nakabili nito ay dalawang restaurant, ang isa ay ang high-end na Kyubei Restaurant sa Tokyo, at ang isa naman ay isang Hong Kong-based Itamai sushi Chain.

Sa totoo lang, hindi ko ito maintindihan. Bakit ba ganoon ka-mahal ang isda na yun?
Bakit parang ang saya-saya pa nung mga nakabili, e samantalang milyung-milyong yen ang ginastos nila sa isang bagay na mauubos rin lang naman agad. At hindi ko rin malaman kung paano sila kikita ng malaki mula sa isang isda na yun. Pero, isa na naman ito sa mga hindi maiiwasang bagay dito sa Japan. Dito, ang mga tao malakas ang paniniwala sa swerte sa negosyo, at marami rin ang hindi mag-aatubili magbayad ng malaki kung ang makukuha nila ay kakaiba at high-quality. And dalawang paniniwalang ito, ang dahilan kung bakit nag-uunahan bilhin ang unang “catch for the year” at kung bakit umabot sa 32.49M yen ang halaga ng bluefin tuna na ito. Para sa kanila, kapag nabili ang unang isda, sa unang araw ng bentahan ay magbibigay ito sa kanila ng swerte sa buong taon, at kapag inihain nila ang isdang ito sa kanilang mga customers, hindi mag-aatubuling magbayad na hanggang 2,500 yen para sa isang piraso ang mga ito. Dahil nga na ito ay napaka espesyal na isda. Isa itong napaka-Hapon na pag-iisip.

Kung sa bagay, kung talaga nga naman napakasarap ng sushi na yun, e talagang magbabayad ang customers ng mataas. Pero, kung tulad ninyo ako, malamang ay magkita-kita na lang tayo sa pinakamalapit na 100 yen sushi restaurant. Hindi naman dapat na sa mamahaling lugar magpunta para maranasan ang pagkain ng sushi di ba? Masarap naman sa 100 yen sushi, mura pa, at masaya dahil kasama ang barkada. So, tara na at mag-sushi!


Jeepney Press 2011 March-April Issue Page 05



YIELD
By Christopher Santos

On TECHNOLOGY
Spending my entire career as an IT and corporate person, I grew up appreciating in amazement the technological advancements we now enjoy. Iba na talaga ang panahon. At kahit sa Pilipinas, kahit gaano kamahal ang mga gadgets higit na nauuna pa itong pag-ipunan ng iba kaysa ibang higit na importanteng bagay. Pagkatapos nasa huli ang panghihinayang kung bakit hindi nauna ang pag-ipunan ang bahay or educational investments. Yun e kung hindi lang mauuwi sa pagkasira ng pinag-ipunan mo, ang mabwisit ka sa customer support or, worse, ang maholdap. Some of my friends feel na at least ilang buwan lang nila pag-i-ipunan ang gadgets unlike and compared to sa ilang taong commitment sa isang investment. I think it's all about discipline. If you are not afraid to work hard for it, igagapang mo talaga ang commitments mo. Well, that's what a commitment is to start with. You just need to decide if it's really worth striving for. You need to define its importance sa buhay mo o ng pamilya mo. Sa isang banda naman, I don't blame people for going bananas on the gadgetry fads. In a lot of ways, it reflects our evolution. Aaminin ko din na hindi ako exception. I myself have those electronic contrivances. However, I still value being part of that time when we can focus on tapping our raw skills and talent, not exploring the functions of PSPs and PS2s; when we can open up to real friends and not Twit with them; and when we learn to know each other with the expression on our faces and not what we put on Facebook. Kahit sabihin pa na conservative ako and I may be so, but I still consider myself fortunate for having known what it was like to interact and not interface. There's a difference in as much as there is one between convenience and indolence.

On PENSIONS
As of October 2010, Japan's total population stood at 125.77 million and by 2050, 40% of the population will be aged 65 and older. Presuming na yung kalahati nung natirang 60% ay mga trabahador na nagbabayad ng pension (and that's if there is 0% unemployment, which is next to impossible), ang ibig sabihin ang isang empleyado dito sa Japan ay nagbabayad para sa pension ng 1.5 katao na paretiro pa lang in 40 years time. He's not even paying for his own retirement now and will have to depend on the fast shrinking future Japan population to be able to claim his share of the benefits when his turn comes. Dito dapat pumasok ang appreciation ng mga Hapon for foreign workers. Sabi sa City Hall ng Minato-Ku, sa ngayon ang policy is that we need to complete 300 monthly pension payments before you can avail anything. At kahit may pera ka pa to pay in lump, hanggang isang taon lang ang pwedeng payagan for advance payment. Tapos, we can only avail when we reach 62 (or 65 daw if the law changes). So even before the time na makumpleto mo yung 300 months or reach the qualified age, nakakatakot isipin kung gaano na kababa ang benefits since paunti nang paunti ang mga nagbabayad either because of the declining population or unemployment.

On SPEAKING JAPANESE
Alam natin lahat na ang Japan ay isang lugar kung saan pwedeng takasan ng ilang kababayan natin ang naging buhay nila sa Pilipinas. Lalo na kung dito sila umasenso. Alam ko na maraming problema sa atin. Kahit saan naman. Kahit sa Amerika pa nga. Pero meron tayong mga kababayan na kung magtanong e parang talagang walang alam sa Pilipinas. Parang hindi sila nanggaling dun. O kaya naman kung magsalita ay para ba ang Pilipinas hindi na kahit kailan umasenso at wala na silang pakialam dahil nandito na sila. Sa mga tatamaan, hoy, gising! That's not a proof na Japanized ka. That's a sign na clueless ka lang ! There's a difference. At kung hindi mo alam kung ano, may tawag diyan. I understand that one method to learn the Japanese language is to actually speak it. Kahit naman kami dito sa JP, we encourage it with some of our works. I also understand that language becomes second nature to most. Pero tulad ng kahit anong bagay, may ibinabagay sa okasyon. Katulad na lamang sa kaso ng isang Pilipino na nagpakilala sa akin at sa ilang turistang Pinoy din. Tama ba naman na mag-Japanese ka kahit wala namang Hapon sa paligid at ang kausap mo ay hindi marunong mag-Hapon na kababayan mong bumibisita lang? O minsan naman maayos na pagha-Hapon na ang gamit ko sa pakikipag-usap sa isang Hapon, nagpipilit pa din yun Pilipina na i-translate sa akin yung sinasabi nung asawa niya. May mga pagkakataon na hindi naman kailangan mag-Japanese e talagang trying hard lang yung iba. Barok naman. Iba ang nag-aaral sa nagpapanggap. Iba ang gustong matuto sa nagyayabang. What actually irritates me is that these baseless ego-stricken Filipinos are not even aware that Japanese is a very disciplined language. There are tones for it: colloquial, formal, corporate. And then there's their "street" Japanese. Alam sa buong mundo na Filipinos are good learners by ear. Magsalita ka man ng maling Japanese pero kung ang tunay na pakay mo is to communicate, higit na acceptable yun. Otherwise, some are just desperately trying too hard to fit in or lose their old identities. And that's just sad ! Nakakalungkot talaga. More so, it's stupid !

----------------

K
by Amelia Iriarte Kohno

I have been talking about “cancer” a few times in my “K” articles and perhaps you wonder why. Well, it's not that I am just telling you my daily struggles from years of having cancer, the bad side-effects from medications, remissions, transfers, recurrences, and others, but I want to share my experiences because I know that some of you or your loved ones have been suffering from this serious illness at unexpected times in your lives. Sa ganitong paraan ay maari ko rin mapukaw ang iba na nakakaunawa ng aking damdamin, o kaya, ng aking malalim na pag-iisip mula sa kaibuturan ng aking pagkatao, na pilit kumakapit at nakikilaban sa buhay sa pagkalat ng ganitong nagpapahina at nakakalungkot na sakit. Noong Oktubre 2010, nang sabihin ulit ng aking doctor ang tapat hinggil sa katotohanang aking sasapitin sa pagkakaroon nitong karamdaman, napakahirap humanap ng salitang magpapaliwanag ng lahat ng aking nararamdaman lalung-lalo na pag naiisip ko ang kamatayan at paglalayo sa mga mahal sa buhay. The factual possibilities explained by my doctor was really shocking at first. Thanks to God I have now accepted this reality. And my “faith” supports me for I know it's all in His hands!

Each time I experience a sad moment in my troubled health life, a church-friend happens to be with me. In 2000, when I was first diagnosed with breast cancer, a good friend, Sr. Alta was with me. I still remember her puzzled look on hearing me ask Dr. Sawai if he was sure I had cancer and he answered, “100 % sure and you need surgery right away!” Some years later in 2006, when I had my first PET Scan after malignant cancer cells had spread from the original tumor of my breast to other parts of my body, again a Sister was with me. Sr. Malou already had tearful eyes while I was still looking amused at the different scan images of blue, yellow, and pink colors which were like lighted christmas tree decorations. A few minutes later my doctor said my cancer was already very difficult to treat. Only then, I realized the seriousness of my illness. Sr. Lou, another SFIC sister was also present last December, when I had my chest CV Port Implant. Surely, God sends angels to share difficult moments with us!

But sickness does not always mean suffering or endless anxiety over the thought of this life-threatening state. Nor giving up hope can be a solution to this most difficult time in your life. Instead, getting sick with cancer has given me more hope and determination to relate to others, to those who need friends to cheer them up at unhappy moments. And I need them, too. Now, I know how people feel when they have cancer. At Sawai Breast Cancer Clinic where I have my latest cancer treaments, our first meetings often start with: where's your cancer, when did you have it, what's your chemotherapy drug, how are you coping, can I contact you after you're out of the hospital? A special friendship is often started. My notebook is now full of names and pictures of people I have met in the hospitals!

Having cancer has given me more time to connect with people, write, and share my experiences both happy (because I realize that many people care and know I have countless blessings) and sad, to appreciate the value life, become stronger physically, emotionally, and spiritually. I will continue writing as long as time allows. Sino man ang nagnanais na maki-ugnay sa akin, puede ninyo akong padalhan ng email through Jeepney Press.

Ibahin ko naman ang paksa. Atin naman ngayon pagnilayan ang mga nangyayari sa ating mga samahan o komunidad dito sa Japan. On a recent regular monthly meeting of our church-based Filipino community, there were off-agenda critical and personal issues directed at some members. It was a common indication of conflicts existing in any organization, group or community. We know that issues can be resolved if all members concerned show sincerity in correcting what needs fixing. More often, it is not easy. Listening with open hearts and forgiving when we are hurt takes time for some of us. But we should go beyond the limits of our emotions and make peace with ourselves and with others.

Remember the gospel on “Light and Darkness?” At moments when the light of truth is hidden, we should keep in mind that in God's time, the truth will eventually come out and set us free. Which side are we?

Jeepney Press 2011 March-April Issue Page 06



OKAASAN JOURNAL
by Cleo Umali Barawid

Thoughts About Home

Lately, I’ve been thinking about home a lot. By home, I mean my parents’ house in Nueva Ecija, the one I grew up in. Hindi ko alam kung ako ba ay naho-homesick o may pinagdaraanan lamang na existential angst kaya ko ito naiisip.

It’s been six years since we first set foot here in Sapporo. Sa panahong ito, dalawang beses pa lang ako nakapag-bakasyon sa atin sa Pilipinas. My last vacation with the whole family was on March-April of 2009.

Impressions about going home to the Philippines last time

Prior to going home, I was so excited. Iniisip ko na yung mga gagawin ko pag-uwi. I made an itinerary of where to go, what to eat, whom to see. I, with my husband, spent hours upon hours searching for the perfect pasalubong for family and friends. Suffice it to say that my expectation was really high. When I was finally home I realized that if you set super high expectations, you’re bound to be disappointed. When the plane landed at the NAIA, I couldn’t help but compare this airport sa mga airports sa Japan. Naitanong ko sa aking sarili kung bakit kaya hindi natin kayang gawing mukhang world-class yung paliparan natin. Ito ang unang makikita ng mga banyagang turista pag lapag sa Pinas, dapat that instant pa lang, mapa-wow na sila sa galak, sa excitement. Pero I doubt if this is the case. NAIA is dirty and not at par with other international airports, plus there are shady characters in it, too. Hindi ito tsismis, I experienced being victimized by fixers, rude employees, and what have yous dito.

I was happy to see my family again especially my parents. They’re not so young anymore. I was happy to also see my pamangkins na nuon ko pa lang nakita. Masaya din akong ipinakilala ang aking mga anak sa mga pinsan at kamag-anak nila. It was the height of summer that time at hindi ko akalain na ganun kainit sa amin sa Nueva Ecija. Natural na nanibago lalo na ang aking mga chikiting sa pagkakaiba ng temperature--from the freezer that is Hokkaido to the fiery furnace that is my hometown. Walang exaggeration, mga limang beses maligo ang mga bata...ayaw na ngang umahon sa malaking drum na puno ng tubig.

Nung nasa Japan ako, I couldn’t help dreaming about stuffing myself silly with Pinoy foods. I would eat papaitan sabi ko, saka inihaw na tilapia na may sawsawang bagoong, lechon, kare-kare, halo-halo, balut—madaming madaming balut at isaw. Kakain ako ng mga paborito kong kakanin—kutsinta, sapin-sapin, bibingkang kanin. Dadalhin ko yung mga chikiting sa Jollibee dahil hindi pa sila nakakapunta dun. I would introduce them to my childhood favorite that was Jollie spaghetti. These foods occupied my waking and sleeping hours. Yup, nakain ko naman sila lahat. In fact, I really did stuff myself silly. But after a while, pakiramdam ko para akong naha-high blood sa lahat ng kinain kong mamantika at matamis. Biglang parang gusto kong kumain ng sushi, soba, miso shiru—ang mga pagkain ng Hapon na mild ang lasa at walang mantika. Namiss ko bigla ang pag-inom ng tea, mugicha, ang aking paborito dahil bigla akong nasuya sa iniinom kong C2 drink (yumei drink sa Pinas) na tea daw pero hindi mo malalasahan ang tsaa dahil sa sobrang tamis. Nagugulat ako sa busina ng mga sasakyan at natatakot akong tumawid dahil walang shinggo sa daan. At ang mga public toilets, yung mga nasa malls, hay! It was hard to explain to my children why there were no tissue paper sa loob at kung bakit maraming nakasulat sa pader ng CR. Yung panganay ko naghahanap pa ng bidet. These were all a bit nega pero hindi naman lahat, marami pa ding kaaya-ayang bagay sa Pinas. We went to Baler, Aurora and my kids were impressed by the cleanliness of the place. Ang ganda at ang linis din ng mga beaches. Compared to the prices of commodities sa Japan, mas mura pa din naman sa atin.

Leaving the Philippines

Before we knew it, our vacation was over and it was time to go back again to Japan for work . Was I sad to leave Pinas? Of course. Hindi pa man kami umaalis, namimiss ko na yung parents ko. Leaving them was the hardest kasi hindi ko alam kung kailan ulit ako makakauwi sa amin. Was I happy to leave Pinas? I’d have to admit yes din... because na miss ko ang Japan. I missed the cleanliness, the weather, the food, my friends. I could tell from my kids’ faces that they were happy to be back, too.

Where is home?

I remind my children all the time that we are not Nihonjins and that eventually we will go back to the Philippines for good. With every passing minute that we stay here, we become more and more adapted to the culture. I used to think of our house in Nueva Ecija as home, but I realized something just now--that home is not just a place or a structure but it is also the person I was when I lived there. My stay in Japan has altered my tastes, my world-view, my concept of self. This is why I’m having this feeling of displacement.
I look at my three kids and my husband—my very own family and the confusion as to where home is, evaporates. Kasi naisip ko na magiging masaya naman ako kahit saan kami tumira, dito man o sa Pinas, basta buo kami at sama-sama.

-----------------------------

DRIVE-THRU
by Stephanie Jones Jallorina

Ako Si Heidi, Taga-Loob!

“Gurang, tamad, ma-politika, bureaucratic, tsismisan, bundy clock, pasahod lang.” Ang mga ito ang kalimitang ipakahulugan at ikinaiinisan natin sa mga taong nagtratrabaho na kaakibat ang pangalan ng ating bansa. Papipilahin ka, tapos papabalikin lang dahil kulang daw ang dalang dokumento, o di kaya sabihang dito ka pumila, ganito ang gawin mo, pero bandang huli, mali pala, o ang mas nakakalungkot ito, “Ah anak ka ni Mayor, sige pasok ka na?”

In this people issue of Drive-Thru, I am a government employee, the good government employee. My aunt delivered me the news that my uncle told him about “some” Philippine Embassy staff complaining I have failed to mention them in my centerfold article of Meeting PNoy in last issue. Foremost, I am personally, and Jeepney Press is so sorry for failing to mention all of you who helped and may have had sleepless nights just to make the occasion a huge success. And, more importantly, taos puso kaming nagpapasalamat for this shows that you are taking time to read our publication that aims to inspire and be accessible to all Filipinos here in Japan. AND, as an additional morale boost, let me have this shoutout article to cheer on all government employees who stand up for truth and committed public service. Mabuhay kayo!

Honestly, I don‘t like talking about politics. Pero nang dahil sa kasalukuyang takbo ng ating gobyerno, hindi maiwasang hindi ito bigyan ng pansin. Sabi ni Jim Paredes, yes, ang miyembro ng kilalang APO Hiking Society, at instrumento sa Edsa Uno, “Suicide is cowardly. Whistle Blowing is heroic, yes, but also suicidal.” Marami na rin ang naglakas loob na isa-boses ang katotohanan pero parang di umuusad ang mga kaso. Ganito pa rin tayo. Nakaka-frustrate na ding mabalitaan na may malulungkot na nangyayari para patuloy tayong igupo sa karimlan. Alin ba ang dapat unahin? Sino? Pero kaysa magturuan, bakit di tayo kumuha ng inspirasyon at manalangin para sa mga lumalantad para maging ilaw ng pag-asa para sa ating lahat. Ako ay sobrang napabilib kay Heidi Mendoza, hindi lang dahil babae siya, kung di dahil isa siyang “government employee.” Alam ko, marami pa din namang matiti-nong empleyado ng gobyerno, yun din ang nais ipaalam ni Heidi sa mga Pilipino. Pero isipin natin, para ang isang taga-loob maglakas loob na lumaban ay lakas nating mamamayan na matagal ng lantarang bumabatikos sa katiwalian at di nagtatagumpay. Ang mga gurang, tamad at ma-politika na pagkakilala natin sa daang-daang empleyado na nilagak ni mayor o kung sinong politiko sa puwesto, bigyan natin ng pagkakataon na magbago. At sana ang tsismisan ay ilagay sa tama, isiwalat ang korupsyon. Magtrabaho sa tamang oras dahil ang sahod ay nanggaling sa buwis na binabayad din natin.

Much as every government employee need to step up and get going good, we, Filipino people should know that we also contribute to our current state. Sana kahit nasa Japan tayo, huwag sana nating kalimutang, una tayong naging Pilipino. Baka gusto nating simulan sa pagiging isang Heidi Mendoza, dahil ang empleyado ng gobyerno, matino magtrabaho, serbisyo publiko. Gaano man kalaking problema ang kinakaharap ng ating bansa o haharapin sa darating na mga araw, walang malaki o maliit sa bawat Pilipinong bumabangon para sa bagong Pilipinas. Simple at parang napakadali lang ng aking mga iminungkahi para ikumpara sa mga ginagawang mga hearing na di naman natin personal na nasasaksihan, pero kung sa bawat pagkakataon na meron tayo para magtrabaho ng wasto, pasasaan ba’t giginhawa din ang bawat isa sa atin.

Ayoko sanang ibahagi ito, mas lalong di ako binayaran para i-endorso sila pero sa tingin ko ay mahalagang maibahagi ko sa ating mga Pilipino dito sa Japan. Noong isang linggo, nagpunta ako sa PNB para “mag-inquire.” Kahit meron akong mga “kakilala” mas minabuti kong mag-antay. Linggo, maraming tao, pero gaya ng sabi ko, mas minabuti kong mag-antay, dahil yun ang tamang sistema – ang sumunod sa pila. Makisiksik pa ba naman ako lalo na sa mga nanay na yun lang ang tanging oras na makapag-remit para sa tuition ng anak, o sa kapatid ng kuya na manganganak ang misis. Mas ok din yung nag-aantay ka dahil makaka-kilala ka ng mga taong maiiyak sa palabas sa TV. At hindi ka nagtatanong dahil nakikita mong may inaasikaso naman ang taong nasa harap mo. It was an honest misunderstanding but I was telling PNB na it was not their fault. I could really wait and I had enough time, though I think it was one of the odd times I blushed or the only time I realized I could blush and feel my ears warm. That scene was telling me and hopefully is telling us that, “It takes two to tango.” Sana ibalik natin ang tiwala natin lalo na sa empleyado ng gobyerno. Magtulungan tayo!

Jeepney Press 2011 March-April Issue Page 07



PAGMUMUNI-MUNI SA DYIPNI
ni Fr. Bob Zarate

NAKAKASUKA

Corruption.
Korupsyon.
Kahit anong spelling pa yan, pareho rin ang sinasabi.
Pandaraya na nagsimula siguro noong bata pa siya.
O baka nagsimula sa kinupit na sukli sa biniling suka sa tindahan ni Aling Isang. Ito kaya'y nagsimula sa pagbukas ng pitaka ni nanay o
ni tatay nang hindi sila nakatingin o walang paalam?
O baka naman kasi dati ay pinayagang ibulsa ang sukli kaya ang akala niya ay laging OK iyon.

Korupsyon ang isa sa mga nagiging balakid ng ating bansa kaya hindi naeenganyong magtayo ng business ang ibang mga big companies sa ating bansa. Mas gugustuhin pa nilang magtayo sa mga bansang mas kulang ang kalayaan kaysa sa Pilipinas gaya ng komunistang Vietnam o China at mas istriktong Muslim na bansa ng Indonesia at Malaysia. Mas malaya tayo at mas relihyoso sana... pero laganap naman ang corruption.

Allow me to share kung ano kaya sa ating pagka-Pilipino ang nag-e-encourage ng corruption sa ating kultura.

"Pwede na" Attitude at lahat ng Palusot
"Masisira rin naman kaagad yan kaya yung mura na lang ang bilhin!" "Marami pang kailangang matutunan yan kaya kahit yung cheap muna, ok na yan!" Pagkatapos, magmamayabang ka pa at sasabihin mong naka-mura ka at may natirang pera para pang-gastos ng ibang bilihin. Eh paano kung may pera naman talaga? Bakit kailangan pang ibaba ang quality kung may proper budget ka naman? Ang problem dyan ay walang proper budgeting... at ang walang sawang pagpapalusot na nakakatipid, nakakatulong ka at nakaka-mura ka pa. Prepare your budget and stop saying "naka-mura"... gawa nang kung someday wala namang pag-gagastusan ang sobrang pera eh baka naman ikaw ang murahin!

"Wala namang nakakaalam" Attitude
Ang hilig kasi nating pansinin ang mga sinasabi ng iba. Kaya kapag alam nating mali na ang ginagawa natin, para mabawasan ang feeling guilty, ang consolation na lang natin ay, "OK lang, wala namang nakapansin eh!" Pero, come to think of it, mahilig din nating sabihin pag malakas ang loob natin, "Wala akong pakialam sa iba, basta ako masaya sa ginagawa ko!" Hay naku, sana iyang attitude na yan, ginagamit natin sa kabutihan.

"Ang Sariling Atin" Attitude
Naaalala nyo pa ba ang nakalagay sa textbook ng Araling Panlipunan (o Sibika nga ba?) na dapat nating linisin ang harapan ng ating bahay o bakuran? Kaya ayan, laging sarili na lang ang iniisip. Nililinis nga ang sariling harapan pero doon sa mga lugar na walang nagmamay-ari katulad ng big parks, public comfort rooms, ilog o sa beach, ang kalat-kalat! At ganuon na rin ang attitude natin sa work... kaya nawawalan tayo ng teamwork, atin-atin at kami-kami na lang. Nawawalan tayo ng sense of the bigger community, sariling pamilya na lang, sariling barkada, sariling-sarili!

"Kasi ginagawa naman ng lahat" Attitude
Nagkaroon ba ng panahon sa kasaysayan ng Pilipinas na bigla na lang tayong nawalan ng sense of responsibility at dignidad? Sa lahat ng mga pagkakataong maaari tayong masabihang mali ang ginagawa natin, agad-agad na nagiging palusot ay "Eh ginagawa naman iyan ng lahat eh!" Aba, sumusunod ka na rin pala sa uso... Sa masamang uso!

"Takot ng Pakikisama" Attitude
Kahit noong maliit pa tayo, takot tayong maiba. Kasi pag naiba ka, pinagtatawanan ka, pinagkakatuwaan at bina-balewala. At nung nag high school ka na, pati sa kalokohan, kailangang katulad ka ng iba. OK lang sana kung malinis na kalokohan. Pero kung ayaw mo nang makisama sa masamang kalokohan, o di kaya'y ikaw na lang ang gumagawa ng tama, ikaw pa ang pinapahirapan. Lagi na lang tayong kailangang makisama, kahit na alam nating mali na ang ginagawa nila. Bakit ba kailangang dumepende pa tayo sa isang grupo para mabuhay? Pati tuloy sa kasalanan nasasabit tayo!

Lagi nating sinisisi ang corruption sa ating bansa. Pero kailangan din nating tumingin sa sarili natin. Baka meron tayong mga qualities na nakasulat sa taas na maaaring humila sa atin in the future para gumawa rin ng corruption. Ayaw kasi nating malamangan, kaya may tendency din tayong gumanti. Adventurous daw tayong mga Pinoy, kaya kahit alam nating mali, gagawin natin kasi maliit na bagay lang daw... Pero ang tao, kapag na-realize nyang may nagawa siyang adventurous, may tendency siyang gustuhing gawin ang mas higit pa doon!

Bilang isang pari, marami na akong naririnig at nakikilalang mga taong magtataka ka kung bakit ang yayaman nila. Bakit nga kaya? Iyon lang naman ang trabaho nila? Ganoon ba kalaki ang bonus nila kaya ang gagara ng kotse nila? Paano sila nakakabili ng mga napakamahal na bagay when at the same time, wala nang matirhan at makain ang mga tao sa ilalim nila? Sabihin pa nilang pera nila iyon, sana man lang may delicadeza sila. Sabihin pa nilang naiinggit ako, hindi ako papayag. Kasi, kung naiinggit ka, hindi ka masusuka!

-------------------------

SHITTE IRU?
by Marty Manalastas-Timbol

ALAM NYO BA…my friend Francis Tan says “FISHYTARIAN, ” he is referring to people who loves to eat fish and vegetables. He is now a fishytarian if I may say and very conscious about his health nowadays. So, are you a “Fishytarian”?

ALAM NYO BA… na noon in Japan, mga Haponesang may maliit ang mata, medyo round puffy ang face and plump body were considered attractive features?

ALAM NYO BA…na sa Japan, some traditional Japanese companies conduct morning exercise for all the workers and kasama rin ang mga boss? They do this para ma-prepare sila for the day’s work. I still see this every morning when I go to work in a factory near our house.

ALAM NYO BA…na ang national flag ng Japan is called the Hinomaru. Yung red circle ay simbolo ng rising sun. Ang word na “Nippon,” Japan’s name in Japanese, means “origin of the sun.”

ALAM NYO BA…na ang Japanese poetry consists only of 3 lines and they call this “Haiku”?

ALAM NYO BA…na ang mga Japanese people are extremely courteous people? Kahit na busy sila or in a hurry, if you ask them for a direction, they go out of their way at talagang
tutulungan ka.

ALAM NYO BA…na ang Yokohama Rubber Co., Ltd. announced last January 31, 2011 na mag increase sila ng production capacity ng Yokohama Tire Philippines, Inc. to 10 million tires a year from current 7 million as the first phase of their expansion? Yokohama Tire Philippines, Inc. (YTPI) is located in the Clark Special Economic Zone, producing quality tires and 96% of its production is exported in Europe, North America and ASEAN countries, while the other 4% is for local sales in the Philippines.




Jeepney Press 2011 March-April Issue Page 08



SA TABI LANG PO
Ni: Renaliza Rogers

Bakit May Ganun?

Mag tatatlong buwan na rin makalipas ang bagong taon at maka ilang beses ko na ring sinira ang isa sa mga new year resolutions ko. Isa sa mga resolutions ko ay ang maging mas pasensyoso at maunawain sa ibang tao. Pilit kong kinakaya, kaya lang may mga tao talagang ang sarap sabunutan at kutusan. Eh kasi nga naman, may ibang tao na sadya nga namang nakakainis at kulang sa tinatawag na kunsiderasyon at common sense. Sa Pilipinas lang ba yun at Pilipino lang ba ang ganun?

Kung mapapansin niyo, may mga tao na kahit alam namang public toilet ang isang lugar ay maiinis at magpaparinig pa ng kung anu-ano pag alam nilang merong umeebak sa loob ng cubicle. Bakit, may nakasulat bang “Ihi lang pwede, bawal tumae dito” sa pinto? Kung magsalita, akala mo naman kung amo’y CK One ang dumi. At ewan ko kung meron din sa ibang sulok ng mundo nito, pero sa Pilipinas ko pa lang nakita ang may naniningil sa labas ng kubeta ng P2.00 pag iihi lang at P5.00 pag tatae. Eh paano pag utot lang? “Ay, pabawi ng P2.50 ko kasi di naman pala ako tumae, umutot lang.”

Meron naman akong isang kamag-anak na bigla na lang naghalukay ng aking maleta tsaka ipinasuot sa apo niya ang aking shorts dahil daw wala itong dala. Tama bang mahuhuli ko na lang sila sa kwarto ko na nagfa-fashion show na ng mga damit ko? Bakit sila ganun? Meron din akong kaklase na hiniling na sana’y masunog ang malapit bar/club sa bahay nila at mamatay na ang may-ari para wala ng ingay. Tama bang humiling ka na ikapapahamak ng iba, kahit na naiinis ka sa kanila?

Bakit kaya may mga tao ding hindi marunong rumespeto? May nasakyan akong jeep na sobra kung manglait ang driver nito sa isang pasaherong mataba. “Umusod kayo at may sasakay na baboy! Kasya ka ba baboy, este, miss?” Hiyang-hiya ang malaking dalaga. At nang nagbayad na ng pamasahe, “Baboy, este, miss…kulang to! Dagdagan mo, tatlong tao ka eh!” Tama bang gawin niya yun? Nakikita mo namang malaki siya, kailangan mo pa bang ipamukha sa kanya yun at ipahiya siya sa publiko?

Meron din namang iba na sobra magmaliit ng kapwa, katulad na lang sa eskwelahan ko. Pumapasok ako sa isa sa mga prestihiyosong unibersidad dito sa Pilipinas. Dito, libre mag-aral kapag anak ka ng isang empleyado ng unibersidad. May mga kaklase ako ditong sobra magmaliit sa kapwa. “Baka anak lang yan ng janitor or sikyo kaya nakapag-aral dito. Mukhang katulong. Itsura pa lang, parang di na kayang mag-aral kahit sa public college.” Tama bang maliitin mo ang isang kapwa tao dahil hindi siya mukhang mayaman? Tama bang maliitin mo ang mga trabahong kahit maliit ang kita ay disente at maipagmamalaki?

Mayroon din namang mga taong walang kunsiderasyon. Yung mga taong nang-aagaw ng linya kahit na ilang oras ka nang nakalinya diyan. Sarap itulak noh? Iba naman eh uutot sa loob ng elevator. Huwag naman dito please. Ilang palapag na lang lalabas ka na, pigilin mo na lang. May iba naman na sarap na sarap sa pagkain ng hotdog sandwich at coke habang nakatayo katabi ng pulubi. Nagbigay nga ng piso, pinaglaway naman sa inggit ang kawawang nanglilimos.

Ang pinaka-masahol na pagpapakita ng kawalan ng kunsiderasyon na nasaksihan ko ay sa isang pampublikong ospital. Nag-iiiyak ang dalaga ng sabihing “Mam, bakit hindi niyo man lang pinump ang dibdib ni tatay pagdating?!” Sumagot ang head nurse ng, “Aba day, patay na yan pagdating dito noh!” Patay na kung patay, pero sana sinubukan niyo man lang na bigyan ng first aid o nagpakita man lang ng kaunting awa sa mga namatayan ang mga hospital staff. Sa halip, may mga nurse pa sa emergency room na nagtutuksuhan at nagtatawanan sa tabi habang ang pamilya ng namatayan naman ay nag-iiiyak at nagdadalamhati sa kabila. Hindi ba pwedeng mamaya na lang ang chismisan at tuksuhan? Wala man lang ba ni kaunting kunsiderasyon?

Madali lang naman yun. Kadalasan, common sense lang naman ang kailangan para gawin kung anong nararapat na pag-uugali at siyang tama. Maging sensitibo tayo sa ibang taong nakapaligid sa atin. Tulad na lamang ng kapatid ko na inubos lahat ng ulam kaya’t hindi tuloy ako nakapag-hapunan. Sabi pa niya’y bigyan ko naman daw siya ng kahit konting kunsiderasyon man lang kasi gutom na gutom siya sa buong araw na pag-aaral. Hayy…nasaan ang kunside-rasyon dun?


-----------------


Hopeless Romantik
by Jackie Murphy

THE FINAL CHAPTER

Part 1
After 29 years na di kami nagkita, ayun at biglang bumulaga na lang isang umaga ang aking true love sa screen ng Facebook: nagkakumustahan, nagka-chat-tan at nagkamabutihan.

Part 2
Wala ng paligoy-ligoy pa at naging….kami na… ULIT… pramis…. (yatta!!!…I did it!!!) Talaga naman, nandoon pa rin ang tamis ng aming pagmamahalan. Binalikan namin ang aming nakaraan noong kami ay nasa hayskul pa: ang aming madalas na pagdi-date noon at ang tahimik niyang pagtatampo sa akin tuwing may kausap akong iba na kalaunan bago sumapit ang graduation day ko ay nauwi rin sa di pagpapansinan hanggat tuluyan na kaming inilayo ng tadhana. Ipinagpagtuloy ko ang pag-aaral ko sa kolehiyo sa kalakhang Maynila at sinubukang tuparin ang sinumpaang pangarap sa buhay.

Part 3
Maraming taon ang ginugol namin sa paghahanap at pangungulila sa isa’t isa. Nang dahil sa di ako noon maka-move on dahil sa kanyang pagkawala sa buhay ko na dinagdagan pa ng di inaasa-hang pagkawala ng aking ina ay nabaling ang panahon ko noon sa alak, na naging matalik kong kaibigan at naging tulay noon upang may kasalo ako sa dalamhati at matinding sama ng loob at kalungkutan. Dumaan ang maraming taon at marami ring pagsubok ang dumating sa buhay ko.

Part 4 (The Final Chapter)
Sa loob ng dalawang taon, inom dito, inom doon, halos ganito linggo-linggo ang eksena sa buhay ko. Wala akong pakialam kung may naiipon man ako o wala basta ang sa akin, gusto kong makalimot at magsaya: ganun lang ka simple. Hanggat naka-move on na ako. Ngunit isang simpleng araw may isang bagay na umagaw ng pansin ko. Padalaw-dalaw, padaan-daan ang mga kakilala`t mga itinuring kong mga kaibigan sa buhay pero pag wala silang nakitang nakalatag na case ng alak parang sibat din silang nagpapaalam animo`y may hinahabol na appointment. Pag malayo pa ang sahod siyempre wala pang pambili ng alak. Aba wala ring dumadalaw. Baka busy silang lahat. Baka nagsimba. Baka nagbakasyon. Tawagan ko nga sila sa telepono. Walang sumasagot. Wala ring text, walang return calls man lang. Baka walang load. Palagi lang akong may dahilan noon para sa kanila. Pero isang hapon, natigilan ako. Nakahalata. Nagmuni-muni. Nag-isip-isip nang malalim. Dito na ako nagpasya: kailangan ko nang umiwas. Hindi totoong ako ang kanilang dinadayo at dinadamayan. Hindi totoong nakikisimpatiya sila sa aking kalungkutan. Ang totoong sadya nila ay hindi ako kundi ang salu-salong handog ko palagi para sa kanila. Iniba ko ang diskarte ko sa buhay at nagpasyang magpakalayo-layo na muna.

Sinubukan kong mangibang-bansa. Nangarap ako nang panibago. Nagsikap. Nagtiyaga at nag-ipon. Iginugol ko ang halos lahat ng oras sa trabaho. Malungkot man ang buhay sa ibang bansa dahil hindi kapiling ang mga mahal sa buhay pero kailangang magpakatatag at tibayan ang dibdib.

Lumipas ang maraming taon, sobrang nalingat naman yata ako sa trabaho at parang ang halos tatlong dekadang lumipas ay ganun-ganun na lang.

Hindi na ako naghahangad at lalong di na ako umaasa pang may darating pang isang himala sa buhay ko. Tanggap ko nang hindi ako ganun kasuwerte sa pag-ibig dahil pagkatapos na naman ng isa pang unos noong nakaraang taon nauwi lang din sa hiwalayan ang akala ko`y huling yugto na ng aking buhay-pag-ibig. Napagod na rin ako sa dami ng mga pinagdaanan ko. Andiyan yung ireto ako ng mga friends ko for a blind date. Na-e-excite naman daw ako sa araw na yun ah pero, maryosep, minsan, muntik akong mawalan ng ulirat: yung una wala man lang bakod! Yung mga sumunod naman na iba may bakod nga uusli-usli naman ang pustiso! Hindi tuloy ako mapakali palagi akong nakaabang sa kanyang sinasabi baka sa akin kasi tumilapon ang pustiso niya at malay mo baka masalo ko pa...siyempre kasama na ang laway...yaikks…hmmmp! Kaya nawalan na ako ng ganang maglabas-labas. On weekends naman, sinanay ko na ring regaluhan na lang ang sarili ko ng cold beer, punuin ng makukukot ang lamesa at manood ng movies from the internet then solved na ang weekend ko. Ihanda na ulit ang katawan sa susunod na namang linggong punumpuno ng pressure sa trabaho.

Hindi nga ba`t mangilan-ilan lang sa atin ang naniniwalang 'sadyang mapagbiro ang tadhana'? Walang sinuman sa atin ang may karapatang magreklamo sa itatakda NIYA para sa atin. Tanggapin natin kahit na ano pa man ang manggaling sa Kanya. Kaya sa ordinaryong araw na yun na pinagtagpo NIYA kami, buong puso naming tinanggap yun lalo na ang espesyal na araw na naging 'kami na ulit'... MGA KAPATID SA PANANAMPALATAYA: may HIMALA!!!

Sa halos araw-araw na video calls namin, unti-unti naming binalikan at hinimay-himay isa-isa ang aming nakaraan. Kung ano ang mga nangyari sa mga buhay-buhay namin sa matagal na panahon. Sobrang nalungkot siya nang nabalitaan niya ang pagpanaw ng aking ina (kasi gusto siya ng Nanay ko para sa akin noon). Tumulo rin ang luha ko sa kanyang mga kuwento. Hinanap din niya pala ako noon nang matagal, ipinagtanong-tanong. Taon din ang binilang niya at noong di niya na ako mahagilap tuluyan na rin siyang sumuko at nag-asawa na lang. Nagsisi man siya huli na ang lahat.

Sa loob ng halos tatlong dekada, ano ba ang nabago sa mga buhay-buhay namin? Wow...may mga tsikiting na siya (Oo...ako wala pa...hmmmp...) at take note: yung youngest daughters niya: beautiful, smart and loving TWINS, aged six. Mga mapagmahal na mga anak at may takot sa Diyos na sa pagdating ng tamang panahon ay tunay na magbibigay ng kaligayahan at kalinga sa amin hanggang sa pagtanda namin.

Just six months ago nang dahil sa nandoon pa rin ang takot na baka sa isang iglap ay mawala na naman namin ang isa't isa, we decided to get 'engaged' lalo na't tuluyan na siyang naging malaya. Lubos na kaligayahan ang aming nararamdaman ngayon at para sa Kanya, ang aming walang katapusang pasasalamat.

Sa kasalukuyan, nakatakda na ang araw ng aming pag-iisang dibdib sa susunod na dalawang buwan...ang araw na minimithi naming matupad noon pa man:
when Japan weds Honolulu in Toronto; our ultimate gift for our golden treasures: Silver, Angelica and Ashley.

And to Facebook and Skype, a MILLION THANKS to you, my love....muah!

Jeepney Press 2011 March-April Issue Page 11



KANSHA AL KANSHA
by Ping-Ku

Parang Kailan Lang...

Parang kailan lang
Ang mga pangarap ko'y kay hirap abutin
Dahil sa inyo
Ang aking tiyan at ang bulsa'y nagkalaman
Nais ko kayong
pasalamatan
Kahit man lang isang awitin…
Iiwanan sa inyong alaala
Dahil, minsan, tayo'y nagkasama
- Florante, “Handog”

Ang maikling sanaysay na ito ay hinahandog ko sa isang mahalagang haligi ng ating komunidad sa Kyoto. Siya ay walang iba kundi si Gng. Casilda E. Luzares.

Sa mga nakararami sa atin, siya ay ang tanging “Madame” dito sa Kyoto. Hindi po siya manghuhula. Sa Pamantasan ng Doshisha, siya ay ang kagalang-galang na guro at tinatawag siyang “Prof. Luzares” o “Casilda-sensei” ng estudyante. Pagdating ko sa Kyoto, Madame na siya ng Sambayanang Pilipino. Di rin maalala ni Madame kung kailan nagpasimula ito, nguni’t sa palagay niya si Noel na taga-Davao ang nagbinyag sa kanya nito. Winika niya na ang mga taga-Mindanao ay ginagamit ang titulong ito upang ipakita ang paggalang.

Casa Casilda
Marami sa mga kababayan natin ang nakilala ko sa mga pagtitipon sa Casa Casilda, ang tahanan ni Madame sa Imadegawa ng mahigit ng dalawampung taon. Hinihintay namin ang pagkakataong maimbita sa Casa Casilda dahil tiyak na may masasarap na lutong Pilipino na nakahain—arroz valenciana, biko, kutsinta, bibingka, maja blanca at sari-saring putahe tulad ng kare-kare, kaldereta, menudo, pinakbet, atbp—gawa sa kusina ni Madame! Ang ensalada ay panalo sa pampagana! Di namin na-miss ang Andok’s dahil pati Turbo-cooker ay naka-standby sa hapagkainan! Manghang-mangha ako pagbumibisita ako sa Casa Casilda. Kahit maraming katungkulan si Madame bilang guro at aktibong misyonaryo, naglalaan talaga siya ng panahon para magluto at maghanda para sa isang batalyong estudyante sa Kyoto.

Ang Casa Casilda ay palaging bukas para sa mga grupong pangdiskusyon tungkol sa bibliya atbp panlipunang usapan. Maswerte sila dahil bukod sa nahahasa ang kanilang Ingles ay natitikman rin nila ang sari-saring lutuing Pilipino ni Madame!

In my “Mother’s” House
Parang kailan lang ginanap sa Casa Casilda ang iba’t-ibang mga proyektong pangkawang-gawa tulad ng Fiesta Filipino at ng likhaing pang- entablado ni Elsa Coscolluela na “In my Father’s House.” Ang produksyong ito ay ginawa sa pamumuno at direksyon ni Josefina Estrella, na nagkataong nasa Kyoto para mag-aral ng Noh Theater noon. Dito ko nakita ang nagagawa ng pagtutulungan at pagkakaisa ng mga Pilipino at Hapones. Ang mga gumanap sa entablado ay mga baguhang nagbigay ng kanilang panahon at pagsisikap upang matulungan ang mga bata sa lansangan ng Maynila. Ang “In my Father’s House” ay tungkol sa isang pamilyang Pilipino na naapektuhan ng pananakop ng bansang Hapon noong ikalawang-digmaang pandaigdig. Gumanap ako sa papel ng anak ni Madame at marami-rami rin ang mga eksena namin. Mapasensya siya lalo na pagnalilimutan ko ang mga linya. Dahil dito nakasanayan kong tawagin siyang “Mother” kahit off-stage.

Maraming estudyante ni Madame ang tumulong. Mula Hulyo-Setyembre 1996, tuwing Sabado at Linggo, nagtitipon-tipon kami sa Casa Casilda. Palit-palitan kami ng gamit ng bahay, iyong nagtatrabaho o nag-aaral sa umaga, ay sa hapon o gabi nagsasanay. At iyong may mga baito sa hapon ay sa umaga dumadayo sa Casa Casilda. Halos 24-oras ang labas-pasok ng tao noon sa Casa Casilda para sa proyektong ito. Kung gaano karami ang bisikleta sa harap ng bahay ni Madame, doble nun ang bilang ng mga tsinelas na nakahilera sa genkan niya.

Habang nagpapraktis ang mga baguhang aktor at aktres sa loob ng bahay ay ginagawa naman ang entablado at mga props sa hardin ng mga estudyante sa arkitektura at engineering. Ang entabladong itinayo sa hardin ni Madame ay kumpleto ng mga ilaw na pantanghalan at pati na rin overhead projector. Wala pang powerpoint noon, kaya’t ang likhaing ito sa wikang Ingles ay sinalin sa wikang Hapon sa pagtutulungan ng mga estudyanteng Pilipino at Hapon. Ang sinalin na mga subtitles ay makikita sa isang malaking screen sa tabi ng entablado.

Isang malaking tagumpay ang proyektong ito. Dahil sa kagandahang-loob ni Madame at ekspertong pagtuturo nila Jose, Matthew at Jina – ang mga tanging may karanasang pang-teatro sa grupo; nagkaisa at nasiyahan ang lahat sa kinala-basan nito.

Salamat po sa mga pabaong alaala at pamanang aral.

Imposible o mahirap gayahin ang mga nagawa niya para sa ating komunidad sa Kyoto. Di ako nag-iisa na nagpapasalamat kay Madame sa lahat ng mga kabutihang inabot namin. Natutunan ko ang pakikipagkapwa-tao sa kanya at di kailangan perso-nalin ang mga maliliit na bagay na di maiiwasan. Nagpapasalamat ako sa kanyang mga mahusay na sangguni at payo.

Hanggang sa pag-alis, mapagbigay pa rin siya. Mag-iiwan siya ng mga pamanang aral at pabaong gunitain ng saya, hinagpis at pagsasamahan sa Casa Casilda.

Madame, nawa’y pagpalain po kayo ng Maykapal ng matiwasay at masaganang pamumuhay sa Pilipinas.

(Mga Pasasalamat: Nagpapasalamat ako kina Gng. Mildred Romero at kay Madame sa pagbigay ng permiso para gamitin ang mga letrato nila.)








Jeepney Press 2011 March-April Issue Page 14




ACHI-KOCHI
by Rey Ian Corpuz

Karanasan Ko Bilang Isang ALT

Ang pagiging ALT na marahil ang isa sa mga trabaho na tinatahak ng karamihan sa mga Pilipino dito sa Japan maliban sa pagiging enhinyero, entertainer at mga empleyado sa pagawaan. Tatlong taon na ang nakaraan nung nagsimula akong mag trabaho dito sa tahimik, payapa at payak na dulong bahagi ng Saitama. Tatlong taon na rin akong nagtuturo sa junior high school. Hinding hindi ko malilimutan ang unang araw ko sa paaralan. Nang ako ay papasok sa paaralan, nakikita ko na lahat ng mga estudyante ay tumatakbo na parang nag jo-jogging. Yun pala ay bahagi ng club activity nila kada umaga na kailangan nilang tumakbo. Ewan ko lang sa mga paaralan sa atin sa Pilipinas. Lalo na sa Metro Manila, ala singko pa lang ng umaga, naglalakad na po ang mga bata patungo sa paaralan. Shifting kasi ang klase, parang call center.

Nung ako ay pinakilala na sa faculty, kinakabahan ako dahil sa wikang Nihongo ako nagpakilala. Hindi ko na pinansin kung wasto ba o mali yung pangungusap ko. Maya-maya ay nag- meeting na ang mga guro. Sumasakit ang ulo ko dahil kahit anung pakinig ko ay kakarampot lang ang aking naiintindihan. May papel na nakalapag sa aking mesa. Iyon ay ang mga bagay na nais pag-usapan ng mga guro sa oras na iyon. Saktong alas otso nagsimula ang miting at natapos pagkatapos ng kinse minutos. Parati silang maingat sa oras. Ayaw nilang mahuli kahit isang minuto.

Ukol naman sa klase, masasabi kong halos walang kakayanan ang mga batang Hapon sa pakikipag-usap sa mga dayuhan. Masama mang sabihin na magaling lang sila sa eksamen at pakikinig pero pag kausapin mo na ay parang wala silang natutunan sa kanilang pag-aaral. Walang humpay ang pagpapagawa sa akin ng mga “worksheets” pero paulit-ulit na binabalik dahil masyado daw mahirap ang mga ito. Diyos ko po! Ewan ko na lang kung ano ang depinisyon nila sa mahirap. Karamihan sa mga guro ay gusto na magpagawa ng laro sa mga bata. Ako naman ay nalalagas ang buhok sa kakaisip araw-araw kung anong laro ang bagay sa iba’t- ibang “grammar patterns.” May mga grammar pattern na nababagay na gawin ang laro pero may mga pagkakataon na talagang hindi kasi mas mainam na ipaliwanag ito sa kanila sa wikang Hapon. Ito ang mga bagay-bagay na mahirap o imposibleng ipagawa sa mga bata pag nagka-klase sa Ingles: magsulat ng sanaysay, role-playing na drama, reporting, debate at pakantahin. Minsan pag proactive ang guro, maganda ang performance at response ng mga bata sa pinapagawa mo sa kanila.

Ang mga estudyante naman ay minsan walang hilig sa pag-aaral. Pero ang nakakainggit dahil “well-provided” sila lahat. Sandamakmak ang bolpen, lapis, pambura at de kuryente pa ang pantasa ng lapis. Mula sa aklat, workbook pati sa mga quizzes ay may papel na binibigay. Sagana sa mga teaching materials ang silid aralan. Halos lahat ng libro at magasin na may kinalaman sa asignatura. Minsan isang araw may mga estudyante na bastos at hinampas ako sa dibdib. Biglang nag-init ang ulo ko at pinagalitan ko silang lahat dahil ang ingay ng silid aralan. Yun ang unang pagkakataon na ako ay nagalit sa wikang Nihongo. Sa tingin ko epektib naman dahil simula noon tumahimik sila at nirespeto nila ako bilang isang dayuhang guro. Sa mga public schools kaya sa atin? Sana may mga ganito.

Walang meryenda break sa Japan. Bawal din ang magdala ng kung anu-anong pagkain o kendi. Bawal kumain maliban tuwing pananghalian. Tuwing tanghalian, lahat ay may mga gawain. Government-subsidized ang pananghalian ng mga bata dito. Sa halagang 4,700 yen kada buwan, kumpleto at masustansya na ang pananghalian. May kanin o tinapay, ulam na pagkadami daming gulay, may dessert o prutas, at gatas. Noong una kong nakita ang ganitong sistema sa kanila, ako ay inggit na inggit. Bakit sa atin sa Pilipinas ay “bring your own baon” o di kaya bili na lang sa karinderya o kantina? Kaya tuloy hindi wasto ang nutrisyon natin nung bata pa tayo. Nakapanglulumo ang nangyayari pagkatapos ng pananghalian. Lahat ng natirang pagkain ay tinatapon lang. Kahit kanin at mga natirang gatas. Bawal mag “bring home” ang mga estudyante maliban sa mga guro (na kagaya ko). Napapa-isip ako na ang daming bata sa Pilipinas ang walang makain tapos nandito ako sa isang dako ng mundo na tinatapon lang ang pagkain.
Dito sa probinsiya, halos lahat ng bata ay nag-bibisikleta patungo ng paaralan tuwing umaga. Minsan ang mga PTA at guro mismo ay nagbabantay sa mga intersection kada umaga para siguraduhing ligtas sa sakuna ang mga bata. Lahat ng nagbibisikleta ay may helmet. Bawal ang payong pag- umuulan. Lahat sila ay naka-kapote at dapat naka bukas ang ilaw kung medyo madilim na. Lahat ng bag nila ay parehas. Pati uniporme mula sapatos, jogging pants, t-shirt, at pang pormal na uniporme. Hahay… sana may ganito tayo sa atin. Kailan pa kaya magkakaroon ng ganito sa mga paaralan natin?

Ang pagiging progresibo sa aspetong edukasyon ay isang napaka-importanteng bagay ngunit sa tingin ko, may mga pangit itong bagay na naidudulot. Sa sistemang Hapon, hindi magandang kweschonin ang mga bagay-bagay. Ang resulta, karamihan sa kanila ay hindi nakakapag express ng damdamin at sa loobin. Pag pagagawin mo ng sanaysay ay limitado lang. Isa din sa mga hindi magandang resulta ay ang kakulangan sa kaalaman sa mga bagay-bagay na labas sa kanilang pinag-aaralan. Wala silang pakialam masyado sa mga balita na nangyayari. Pag tanungin mo about current events, blanko sila. Marahil ang karanasan ko dito sa probinsiya ay ibang-iba sa malalaking siyudad kagaya ng Tokyo o Osaka. Sa totoo lang wala naman talagang perpektong sistema. Nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos dahil nabigyan ako ng pagkakataon na makasalamuha ang mga Hapon sa pagiging ALT.

Ang sa akin lamang ay sana, lahat ng magagandang bagay na nakikita ko sa paaralan dito ay maisasakatuparan na rin sa atin sa Pilipinas.



Jeepney Press 2011 March-April Issue Page 15



Neriza Sarmiento-Saito's
ON THE ROAD TO:
Preserving KNTNK'S Tradition For Almost 30 years
With KOJI UENO

One day, I got a call from a former student , Yuko. She was being assigned to the Philippines to work as a coordinator of a training program under the auspices of a prestigious government organization. That weekend, over home- made lunch prepared by her mother, we talked about her university days in America. We reminisced the days I tutored her in English before she left for university studies and how I introduced her to adobo and arroz caldo and occasional attendances at events organized by the Kansai Nippi Tomo no Kai (KNTNK). On a snowy day, my heart warmed with her words: “Knowing the Philippines through you, I have developed a deep affection for your country."

I did not even realize that the small gatherings we had at KNTNK would have a big impact on her some years later. A best-selling book by O- Young Lee "Smaller is Better: Japan's Mastery of the Miniature,” explains that one good example is the bonsai that represents all of nature itself. This talent of the Japanese for miniaturization led to the development of functional inventions.

KNTNK miniaturizes Japan and the Philippines in one pot together -- combining the good values and traditions of both countries. It was founded on March 24, 1984 by a group of Filipinos and Japanese in Osaka with the support of former tourism attaché John Orola and former PRO Jean Tabora.

Twenty seven years later, the group is still up on its toes, and have just returned from an
exploratory tour of the Philippines in preparation for their 30 years anniversary in 2014.

Mr. Koji Ueno, current president, has more ties than ever to a country he considers home. A native of Toyama and a long-time resident of Takatsuki City, Koji-San speaks fluent Filipino so as his son Hiroshi, from his first wife Emilia who succumbed to cancer in 1994. Emy and I co-authored a book in conversational Filipino. Although she was active with the Philippine Ladies' Association and other church projects, Koji remained in the background. It wasn't after his wife died that he participated at events. One of his greatest moments was winning the third prize in an essay contest organized by the Osaka Foundation of Culture, as part of ”A Forum on Philippine Culture” in Osaka Prefecture besting other entries nationwide. He mentioned his late wife's efforts to preserve the wealth of age-old Philippine family values of sharing meals on special occasions with family and friends. He could not understand why she had to go through all the trouble of cooking pancit and biko for so many friends. Then he realized that she missed her big family over there. More than ten years after her death, Koji remarried another Filipina, Ludy, in a beautiful wedding ceremony. Now they have a 3 year old son Jiro who became the youngest member of the recent KNTNK tour group.

In the past, the group organized annual goodwill tours for its members and have visited some schools that were beneficiaries of some donations like school supplies, water pumps, or others.

The late Mr. Tadashi Takahashi of Nada-ku in Kobe was the first president, whose parents owned a shop called Mayon, along Avenida Rizal before World War II. He went to a school for Japanese children in Sampaloc and studied in UP. So when the war broke out , instead if being drafted in the army, he was assigned to do laboratory work in the UP Padre Faura campus.

The next president was the late Mr. Junzou Maruoka, a former officer assigned in Pangasinan who converted to Catholicism. We co- authored the first bilingual newsletter in1985, documenting activities of our association and those of the Consulate. Members who settled in the Philippines like Mariko Kanda, do projects for the Moriguchi Rotary Club with active member like Dr. Funabashi.

Mr. Maruoka passed away after hearing mass on Christmas eve in Abeno Church and after sending New Year cards written in Filipino to his beloved Pinoy friends in Japan and in the Philippines. I was the third president. In 1995 , right after the Great Hanshin Earthquake. We produced an original music about the lives of Filipino wives of Japanese inspired by our own experiences. Yolanda Alfaro Tsuda, Emilia Ueno and myself that we staged at the Dawn Center in Osaka funded by the Gender Equality Division of the Osaka Prefectural Government.

Mrs. Yoshiko Fukuda, our fourth president played the part of the mother-in-law. Although a neophyte in stage acting, she has appeared in several T. V. commercials for Osaka Gas and others including one with Janet Jackson.

After her term ended, Mr. Ueno was elected president but in his absence on a company assignment abroad in Myanmar, vice-president Yoriko Hayashi was in-charge. Her perseve-rance and thoroughness was also recognized by the PCCC when she was elected secretary from 2008-2011. Being the only Japanese among the officers, she felt a stronger affinity to the Filipinos inspite of the occasional language barrier.

When the KNTNK officers had a meeting last year to plan activities for its 30th anniversary, the explo-ratory tour last Feb. 10-15 was planned. "We really enjoyed the tour because it has been quite a while since then. It was like coming home to families and very special friends,“ commented Koji-San. They had reunions with Mandy Cabansag and Noemi Itsukage in Manila. "They are both looking young and lovely, maybe because life in the Philippines is rejuvenating,” commented Koji.

Aside from the 30th anniversary tour that KNTNK hopes to push through in 2014, they also wish to revive the Speech Contest in Filipino among Japanese contestants
to encourage Filipino Japanese children to study their native language as a way to appreciate Filipino values and traditions.

Little roads may lead to bigger highways. When I introduced Yuko to adobo and arroz caldo, I did not know she would be landing a job in the Philippines. At KNTNK, the small get- togethers and small tours could lead to bigger ones but they prefer to keep their small flicker of light glowing to guide the next generation to preserve this noble tradition. Just like the bonsai: Small but alive!!!

Jeepney Press 2011 March-April Issue Page 17



Doc Gino’s Pisngi Ng Langit

Sa kolum na ito, ating tatalakayin ang mga pang-araw-araw na karamdaman na maaaring dumapo kanino man. Nasa inyong pagpapasiya kung nais ninyong sundin ang payo ng inyong abang lingkod. Bisitahin ang kanyang blog site: http://doctorsronline.blogspot.com/

Mga Suliranin sa Puso

Dahil ang nakaraang buwan ay dinaraos ang Valentine’s Day, narito ang ilan sa may mga suliraning pampuso.

Tanong (T): Dr. itatanong ko po sana if pwde png magamot ang butas sa puso? kasi ang babaeng pinakamamahal ko mayroon na skit na ganun :( gusto ko po siyang tulungan na mapagaling ung skit nya khit magkano po gagastos ako gumaling lang po siya help nmn po doc... please ...

Doc Gino (DG): Ang paggagamot ng butas sa puso ay depende kung ano ang sintomas ng tao at kung wala namang sintomas kahit na may butas, sa tingin ko ay hindi naman dapat galawin. Upang makatiyak, mas mainam kung siya ay magpapakonsulta sa isang "cardiologist" upang masuri nang mabuti at mabigyang-payo.


T: Dr, itatanong ko lang po kung anu ang sanhi ng pagkakaroon ng butas ng puso ang isang sangol. kc po ang anak kong babae ay 8 months na ngaun. nung 6 months po siya nalaman ko pong may butas ang puso niya. pinatingin ko po siya sa pediatric cardiologist at napaultrasound ko na ang puso nya. sabi ng doctor 2 ang butas ng puso nya, di ko po alam kung bakit siya nagkaroon ng butas sa puso, saka di naman po siya nangingitim pag umiiyak.

DG: Ang pangingitim ng sanggol sa tuwing iiyak ay isa lamang sa mga sintomas ng pagkakaroon ng butas sa puso. Mas mainam kung ikaw ay bumalik sa iyong "pediatric cargiologist" upang malaman kung ano ang naging sanhi nito para sa iyong anak.


T: ano po ang kailangan gawin pag may butas ang puso? operation po ba talaga? wala na po bang ibang way para gumaling ang bata? tanong lang po ;) salamat po.

DG: Hindi naman lahat ng butas sa puso ay nangangailangan ng operasyon. Mayroong mga kaso na kusang nagsasara. Ilan sa mga dahilan ay ang laki ng butas, lokasyon nito, at edad ng sanggol. Ipasuri ang sanggol sa isang "pediatric cardiologist" upang malaman ng mabuti ang kondisyon ng bata, at kung ano ang mga posibleng mangyari.

--------------------

KWENTO Ni NANAY ANITA

Itong issue na ito ay gusto kong i-share sa inyo dahil ito ay ayon sa sarili kong karanasan.

Noong Pebrero 5 taong ito ay araw na dumating ang aking panganay na kapatid na isang doktor sa Canada. Sabi niya dadaanan niya ako dito sa Japan at sabay kaming uuwi sa Pinas para mag bonding kaming magkakapatid. Tatlo (3) lamang kami, siya ang panganay at mayroon pa akong isang ate, at ako po ang bunso. Kami ay may mga edad na rin at pareho kaming malayo sa isa’t isa. So sabi nga ng Big Bro ko: “It’s time to get together and enjoy each other’s company!” Habang alam pa natin ang lasa ng masarap nating kinakain, at naaamoy pa natin ang mabangong mga bulaklak sa ating mga paligid, nakaka-relate pa ba tayo sa mga kuwentuhan? Kaysa naman pag maisip nating mag samasama eh baka di na natin kilala ang bawat isa. O di kaya ay ang pagkain natin ay sterilized na? Nakuha ninyo ang aking ibig sabihin?

Tuwing pupunta ng Japan ang aking “Big Bro” ay overnight lang sila ng asawa niya para lamang maligo sa “sento” o public bath. Ngunit sa parati kong sinasabi: ”Kahit gaano ka kagaling na doctor, kahit na gaano ka ka dalubhasa, hindi mo pa rin matatawag ang sarili mo na successful ka sa profession mo hangga’t di mo ma-alay ang iyong kaalaman sa iyong mga kababayan nang LIBRE.” And in English: “You will never be a successful doctor until you give your services for free to your fellow Filipinos.” So, ako ay nagulat nang sinabi niya na: “Oo. Pupunta ako at gagawin ko ang hinihiling mo.” Kaya tamang-tama naman na si Mr. Frank Ocampo ay pinakilala ko sa kanya at ni-request siyang magbigay nang seminar para sa mga NGO volunteers na nagbibigay ng tulong o counseling sa ating mga kababayan na may problema dito.

At dumating ang sagot niya kay Mr. Frank Ocampo na darating siya ng Pebrero 5. At mag-stay siya para magbigay ng seminar for our NGO workers. At noong Pebrero 7, Lunes, naganap na ang matagal nang hinihiling ko sa kuya ko. At ako ay nakinig. Ngayon ko lamang nalaman ang mga naabot ng aking kuya. Ngayon ko lamang narinig ang maraming bagay tungkol sa kanya na siyang sinabi ni Mr. Frank. Napa-karami na palang naabot ng aking kapatid sa larangan ng kanyang pagiging dalubhasa bilang FORENSIC PSYCHIATRIST.

Doon ko lamang narinig ang ibat-iba niyang ginagawa. Hindi pera ang habol niya. Ito ay para sa Diyos dahil siya ay mayroong mga tinutulungan na mga maysakit sa pag-iisip buwan-buwan.

Ang mga taong kanyang mga tinutulungan ay mga kababayan natin na di kayang magbayad.
At ako ay naiyak dahil di ko alam na siya pala ang tumutulong sa anak kong mahirap ang buhay nguni’t di ko pa nalaman kung hindi ang anak ko ang nagsabi nguni’t may ilang taon na pala. Hindi ko akalain na napaka-humble nang aking kapatid. Di niya pinagsasabi ang kanyang mga tulong. Kaya ako ay gulat na gulat. At siya rin ay nagulat sa aking mga pinag-gagawa dito sa ating mga kababayan sa Japan. Dahil tahimik rin ako at di ko pinagsasabi kung ano ang aking gawain dito sa Japan. Pareho kaming nagulat sa mga achievements namin. Ang pagkakaiba lamang ay siya ay isang dalubhasang doktor at ako naman na walang gaano kataasan na naabot na pinag-aralan. Dahil siya ang kanyang profession ang kanyang ginamit para tumulong. Ako...ang laman lamang nang aking puso at isip ang kaya kong ibigay. Ito ang dunung na ibinigay sa akin nang ating Lumikha. Kaya sabi nga sa awiting My Way: "And now the end is near and so I face the final curtain. My friend, I’ll say it clear I’ll state my case of which I’m certain. I’ve lived a life that’s full I’ve travelled each and every highways. But more, much more than this, I did it my way."

End is near. Final curtain na dahil aminin natin that we are not young anymore. So itong awit na ito ay tama sa akin dahil whether right or wrong, I really did it MY WAY. At ang araw na pumarito siya ay ika 5 ng Pebrero, araw nang kamatayan nang aming MAMA.


---------------------------------

PEDESTRIAN LANE
by Mylene Miyata

Maarti Ka Ba?

Maarti ka ba? Ikaw, Ate? March na! Hanami na!
Sa dami ba naman kasi ng bagay na kailangan nating pagpilian sa araw-araw? Talaga nga namang mapagyayaman natin ang kaartihan natin ng walang pag-iimbot. Saan ka nga ba nakapagpapakita ng talent na ito? Halimbawa, sa pagkain! Minsan, kahit na gusto mong ubusin yung isang buong chocolate cake na nabili mo sa Cozy Corner, bigla na lang aandar ang kaartihan natin, di ba? Kaya imbes na kainin mo yung buong cake, kalahati na lang:) Arti, di ba? Ang tabehodai? Kakalerkey pero one of the best thing na like natin sa Japan! Dahil maarti nga dapat. Pinipigilan mong pumunta sa Ikebukuro at umakyat sa tuktok ng Lumine para sumugod sa pinakamalapit na tabehodai. Arti talaga ni Ate!
Sa damit? Maarti ka ba? Hindi naman masyado? Pero kailangan mapili na din tayo kung minsan, di ba? Noong 20's kase natin, kahit ano makita natin pwede nating suotin! Pero ngayon, nagiging maarti na tayo. Kailangan masusi na nating pinag-iisipan kung babagay pa kaya sa atin yung damit na sobrang cute na bigla na lang natin nakita sa mall. Tsk tsk tsk! Arti talaga ni Ate!
Sa Friends! Naku! Ubod po ba kayo ng arti! Kase dati, kahit sino na lang dyan, pwede nating tawagin na friendship. Pero, napagtanto natin na mas maganda kung may mga kanya-kanya tayong tawag sa kanila, di ba? Iba't iba! Merong "girlfriend," "barkada," "kakilala," "kapitbahay," "kainuman" at "BFF" naman kung nararapat (Best Friend Forever!).
Kapag sinusumpong tayo ng kaartihan, napapapigil hininga tayo at mag-aala- jejemon ng konti. Iisipin mo na lang na kailangan mong gawing bisyo ang kaartihang ito. Halimbawa, "Si Mylene! Yung maarti?!" Ay! kaloka, di po ba?!
Pero, balang araw lahat ng kaartihang ito, sana magbunga ng hitik na hitik! Kung ilang calories ang isinasakripisyo natin sa bawat araw ng buhay natin, sana maidugtong natin sa edad ng ating pagtanda. Kung ilang cute na damit ang hindi natin naisuot dahil sa ilang kadahilanan ay magdulot sana ng lakas ng kumpyansa sa pagkatao natin. Natutunan na nating ibagay ang uri ng pananamit natin ayon sa nararapat at makataru-ngang kadahilanan lamang po. Sa ganitong paraan, hindi na malilito ang tao sa paligid natin na unawain ang ating pagkatao. Hindi na rin natin kakailangan makaramdam ng di kanais-nais na feeling. Sa pakikipag-kapwa tao po? Nang maging maayos ang bawat bagay na mamamagitan sa atin sa mga taong nakapalibot sa buhay natin. Mas mabuti na ang malinaw kumpara sa malabo. :) Sa ganitong bagay, malamang makaiwas tayo sa pinaka-hate nating stress sa buhay. Pakonti-konting arti, pakonti-konting ginhawa ang dulot sa atin, di po ba?
Maraming salamat po sa pagbasa sa kaartihang naisulat ko.







Jeepney Press 2011 March-April Issue Page 18



KANSAI CRUSADE
by Sally Cristobal-Takashima

Magandang pagbati! Na miss ko po ang unang pasada ng Jeepney Press Year 2011, maligaya pong pagniniig at sumainyo po ang masaganang panahon ng tagsibol. Could there be a much more meaningful season than the time of life’s rebirth. Mga usbong sa “jardin” sa wari ko’y
sumusungaw at inaasam ang tala at init ng araw. Mga bulaklak tunay na nagagalak. After the gloom of a cold and harsh winter, garden enthusiasts look forward to plant their chosen seeds knowing not all will live. So, city folks living and working in heated and insulated houses and offices, enjoy a walk in the nearest park. Relax to commune with nature upang ating masilayan ang kagandahan ng kalikasan.

Our family’s winter trip to Manila was a summer wonderland. In just a little more than 3 hours, we stopped shivering and the next day was a bright sun shiny day. It was a record breaking trip - the longest time we’ve spent in Manila without any side trips to Hong Kong, Cebu, Palawan or Bohol. The first week was spent showing my eldest daughter, Lisa, and first grand daughter, Rinachan, around. Maingat kami para enjoy sila at siempre pa para maging memorable ang every moment. Toki wa nagarete mo kansha suru, desho? Wala kaming sinayang na panahon at nilista namin ang mga lugar na puedeng laruan ng mga bata at siempre pleasant and clean ang mga amusement areas na ito. Karamihan naman ng mga malls ay may mga play area for kids para makapag-enjoy ang mga hardworking moms sa shopping sprees nila. Ang gusto natin sa Pilipinas ay madaling kumuha ng katulong or caretaker ng mga bata while dito sa Land of the Rising Sun, goodness gracious, ikaw lahat unless ka vibes mo ang mom-in-law mo. The children’s amusement center in Alabang Town Center has a colorfully lighted merry-go-round and the Rustan’s Department Store has its own well appointed Doll House for all the kids to enjoy. It is so attractive that any grown woman who sees it would want to be a child once more.

Mayroon din outdoor play area para sa mga bata sa Alabang Town Center which is located in Muntinglupa City. In this area, you will find Italianni’s Restaurant, Bread Talk, Border Book Store, Starbuck, Via Mare as well as Tony Roma’s Spareribs, Friday’s Restaurant and Ralph Lauren. The Cinema area shows 5 different films with various skeds is just nearby. My husband never misses going to Figaro Coffee where we always have our brunch. Tunay na maipagmamalaki ng mga Filipino ang sarap ng native barako coffee. By the way Figaro Coffee Corporation is the biggest Filipino-owned chain of coffee shops. It has a network of 52 local branches and 3 branches overseas. Figaro’s CEO Pacita Juan, a graduate of the University of the Philippines’ College of Home Economics initially wanted to boost and promote the Barako coffee industry to help thousands of coffee farmers and their families. Pacita also wanted to make coffee an export revenue generating product for the Philippines. Let’s hope that Figaro coffee shops will open in Japan for the pleasure of all coffee enthusiasts.

Patuloy pa din ang pamamasyal namin ni Lisa, Rinachan, my hubby and I. Daughter Lisa decided to go swimming at the Shangrila Hotel as Rinaru loves to swim and has already been taking lessons back in Japan. So while the mother and child were in Shangrila, kami naman ng hubby ko went shopping for a sofa bed for my condo unit na easier to rent daw, if at least partially furnished. We headed to the Home Zone in Makati’s Glorietta but there were not many pieces to choose from. Sobra talaga ang lakas ng aircon sa loob ng Glorietta Shopping Mall. Para bang nasa loob ka ng subway sa Osaka na almost naka ski wear ka na. The sudden drop and rise of temperature can throw one’s balance off. Mahirap ng magkasakit at bakasyon pa naman. So we went outdoors to briefly get some healthy and wholesome sunshine and fresh air. I observed na mabilis na yatang maglakad ang mga Filipino at wala na yata ang seemingly walking under the moon-light kind of walk unaware of the time. Maganda na maging alisto
at gising sa pagtakbo ng oras. On time and never late tayo siempre.

Talagang naghahanap ako ng Romaji Japanese-English Dictionary prefe-rably published by Tuttle Publishing at dahil I did not find it sa Kinokuniya, magbakasakali ako this time sa Manila. I settled for the best one sa National Book Store.

Almost merienda time na. Before my eyes were all sorts of mouth watering kakanin. Graduate na yata ako sa mga kakanin so nag take-out na lang ako ng bibingka and did not know that later my stomach will not mildly tolerate the freshly grated coconut. But the serving each of buko pandan and the fruit salad for that brief moment was refreshingly delicious. Before long it was time to meet up with Lisa and Rinachan sa Makati Shangrila Hotel. Double step na kami to avoid traffic congestion. Our car speeded through the Skyway at maginhawa ang aming pag-uwi ng bahay. Later, I was even able to attend treat various illnesses. Sa itaas ng simbahan ng San Agustin ay nakahilera ang mga maraming lumang upuan gawa sa matibay na kahoy at may mga dibuhong inukit ng mga may kakayahang sa larangan ng paggawa ng mamahaling muwebles para sa simbahan. Marami tayong mga kababayan sa parte ng Ilocos region na dalubhasa sa wood carving.

Sa Intramuros ay na enganyo kami na sumakay sa isang karetela upang makita at madaanan ang iba’t ibang lugar na naglalahad ng mga pangyayari ng mga nagdaang panahon. Masigla naman ang “tsuper” ng karetela at bigay na bigay na nagpaliwanag sa mga nadadaanang lugar. Nalibang at nasiyahan kaming lahat.

Magmula sa Intramuros ay unang pagkakataon namin pumunta sa kinagigiliwan ng marami: ang Manila Ocean Park. Kung susukatin ang enjoyment ng tao from 1 to 100 ay 95% ang aming ibibigay na score sa lugar na ito. Surely, we will consider visiting again. Manila Ocean Park opened in March 2008. It is not really a park but an oceanarium where visitors can enjoy an impressive display of marine habitat. The oceanarium has 7 sections. Among them are: rainforest, reef, karagatan, kalaliman and sharks. The regular entrance fee cost 400 pesos. The 4 star H2O Hotel is in the Manila Ocean Park Complex. There are lots of restos to choose from.

Even on weekdays, there are waves of student groups on field trips so come early. I will recommend this place to anyone visiting Manila. It is located behind the Quirino Grandstand in Luneta.

The Philippine Community Coordinating Council of Western Japan has scheduled the Election of Officers for the term April 2011 to March 2013 at the Philippine Consulate General in Osaka. The PCCC serves as a de facto umbrella organization of the Filipino communities in Kansai. Kung mayroon po kayong organisasyon o grupo ng mga Filipino na naninirahan sa Kansai at nais ninyong iparehistro ang inyong organisasyon, makipag-ugnay po kayo sa Philippine Consulate General Osaka-Kobe, Twin 21 MID Tower 24F, 2-1-61 Shiromi, Chuo-ku, Osaka 540-6124
Fax No. 06-6910-8750

Sa lahat ng Jeepney Press readers, salamat po and take care.