Wednesday, March 9, 2011

Jeepney Press 2011 March-April Issue Page 17



Doc Gino’s Pisngi Ng Langit

Sa kolum na ito, ating tatalakayin ang mga pang-araw-araw na karamdaman na maaaring dumapo kanino man. Nasa inyong pagpapasiya kung nais ninyong sundin ang payo ng inyong abang lingkod. Bisitahin ang kanyang blog site: http://doctorsronline.blogspot.com/

Mga Suliranin sa Puso

Dahil ang nakaraang buwan ay dinaraos ang Valentine’s Day, narito ang ilan sa may mga suliraning pampuso.

Tanong (T): Dr. itatanong ko po sana if pwde png magamot ang butas sa puso? kasi ang babaeng pinakamamahal ko mayroon na skit na ganun :( gusto ko po siyang tulungan na mapagaling ung skit nya khit magkano po gagastos ako gumaling lang po siya help nmn po doc... please ...

Doc Gino (DG): Ang paggagamot ng butas sa puso ay depende kung ano ang sintomas ng tao at kung wala namang sintomas kahit na may butas, sa tingin ko ay hindi naman dapat galawin. Upang makatiyak, mas mainam kung siya ay magpapakonsulta sa isang "cardiologist" upang masuri nang mabuti at mabigyang-payo.


T: Dr, itatanong ko lang po kung anu ang sanhi ng pagkakaroon ng butas ng puso ang isang sangol. kc po ang anak kong babae ay 8 months na ngaun. nung 6 months po siya nalaman ko pong may butas ang puso niya. pinatingin ko po siya sa pediatric cardiologist at napaultrasound ko na ang puso nya. sabi ng doctor 2 ang butas ng puso nya, di ko po alam kung bakit siya nagkaroon ng butas sa puso, saka di naman po siya nangingitim pag umiiyak.

DG: Ang pangingitim ng sanggol sa tuwing iiyak ay isa lamang sa mga sintomas ng pagkakaroon ng butas sa puso. Mas mainam kung ikaw ay bumalik sa iyong "pediatric cargiologist" upang malaman kung ano ang naging sanhi nito para sa iyong anak.


T: ano po ang kailangan gawin pag may butas ang puso? operation po ba talaga? wala na po bang ibang way para gumaling ang bata? tanong lang po ;) salamat po.

DG: Hindi naman lahat ng butas sa puso ay nangangailangan ng operasyon. Mayroong mga kaso na kusang nagsasara. Ilan sa mga dahilan ay ang laki ng butas, lokasyon nito, at edad ng sanggol. Ipasuri ang sanggol sa isang "pediatric cardiologist" upang malaman ng mabuti ang kondisyon ng bata, at kung ano ang mga posibleng mangyari.

--------------------

KWENTO Ni NANAY ANITA

Itong issue na ito ay gusto kong i-share sa inyo dahil ito ay ayon sa sarili kong karanasan.

Noong Pebrero 5 taong ito ay araw na dumating ang aking panganay na kapatid na isang doktor sa Canada. Sabi niya dadaanan niya ako dito sa Japan at sabay kaming uuwi sa Pinas para mag bonding kaming magkakapatid. Tatlo (3) lamang kami, siya ang panganay at mayroon pa akong isang ate, at ako po ang bunso. Kami ay may mga edad na rin at pareho kaming malayo sa isa’t isa. So sabi nga ng Big Bro ko: “It’s time to get together and enjoy each other’s company!” Habang alam pa natin ang lasa ng masarap nating kinakain, at naaamoy pa natin ang mabangong mga bulaklak sa ating mga paligid, nakaka-relate pa ba tayo sa mga kuwentuhan? Kaysa naman pag maisip nating mag samasama eh baka di na natin kilala ang bawat isa. O di kaya ay ang pagkain natin ay sterilized na? Nakuha ninyo ang aking ibig sabihin?

Tuwing pupunta ng Japan ang aking “Big Bro” ay overnight lang sila ng asawa niya para lamang maligo sa “sento” o public bath. Ngunit sa parati kong sinasabi: ”Kahit gaano ka kagaling na doctor, kahit na gaano ka ka dalubhasa, hindi mo pa rin matatawag ang sarili mo na successful ka sa profession mo hangga’t di mo ma-alay ang iyong kaalaman sa iyong mga kababayan nang LIBRE.” And in English: “You will never be a successful doctor until you give your services for free to your fellow Filipinos.” So, ako ay nagulat nang sinabi niya na: “Oo. Pupunta ako at gagawin ko ang hinihiling mo.” Kaya tamang-tama naman na si Mr. Frank Ocampo ay pinakilala ko sa kanya at ni-request siyang magbigay nang seminar para sa mga NGO volunteers na nagbibigay ng tulong o counseling sa ating mga kababayan na may problema dito.

At dumating ang sagot niya kay Mr. Frank Ocampo na darating siya ng Pebrero 5. At mag-stay siya para magbigay ng seminar for our NGO workers. At noong Pebrero 7, Lunes, naganap na ang matagal nang hinihiling ko sa kuya ko. At ako ay nakinig. Ngayon ko lamang nalaman ang mga naabot ng aking kuya. Ngayon ko lamang narinig ang maraming bagay tungkol sa kanya na siyang sinabi ni Mr. Frank. Napa-karami na palang naabot ng aking kapatid sa larangan ng kanyang pagiging dalubhasa bilang FORENSIC PSYCHIATRIST.

Doon ko lamang narinig ang ibat-iba niyang ginagawa. Hindi pera ang habol niya. Ito ay para sa Diyos dahil siya ay mayroong mga tinutulungan na mga maysakit sa pag-iisip buwan-buwan.

Ang mga taong kanyang mga tinutulungan ay mga kababayan natin na di kayang magbayad.
At ako ay naiyak dahil di ko alam na siya pala ang tumutulong sa anak kong mahirap ang buhay nguni’t di ko pa nalaman kung hindi ang anak ko ang nagsabi nguni’t may ilang taon na pala. Hindi ko akalain na napaka-humble nang aking kapatid. Di niya pinagsasabi ang kanyang mga tulong. Kaya ako ay gulat na gulat. At siya rin ay nagulat sa aking mga pinag-gagawa dito sa ating mga kababayan sa Japan. Dahil tahimik rin ako at di ko pinagsasabi kung ano ang aking gawain dito sa Japan. Pareho kaming nagulat sa mga achievements namin. Ang pagkakaiba lamang ay siya ay isang dalubhasang doktor at ako naman na walang gaano kataasan na naabot na pinag-aralan. Dahil siya ang kanyang profession ang kanyang ginamit para tumulong. Ako...ang laman lamang nang aking puso at isip ang kaya kong ibigay. Ito ang dunung na ibinigay sa akin nang ating Lumikha. Kaya sabi nga sa awiting My Way: "And now the end is near and so I face the final curtain. My friend, I’ll say it clear I’ll state my case of which I’m certain. I’ve lived a life that’s full I’ve travelled each and every highways. But more, much more than this, I did it my way."

End is near. Final curtain na dahil aminin natin that we are not young anymore. So itong awit na ito ay tama sa akin dahil whether right or wrong, I really did it MY WAY. At ang araw na pumarito siya ay ika 5 ng Pebrero, araw nang kamatayan nang aming MAMA.


---------------------------------

PEDESTRIAN LANE
by Mylene Miyata

Maarti Ka Ba?

Maarti ka ba? Ikaw, Ate? March na! Hanami na!
Sa dami ba naman kasi ng bagay na kailangan nating pagpilian sa araw-araw? Talaga nga namang mapagyayaman natin ang kaartihan natin ng walang pag-iimbot. Saan ka nga ba nakapagpapakita ng talent na ito? Halimbawa, sa pagkain! Minsan, kahit na gusto mong ubusin yung isang buong chocolate cake na nabili mo sa Cozy Corner, bigla na lang aandar ang kaartihan natin, di ba? Kaya imbes na kainin mo yung buong cake, kalahati na lang:) Arti, di ba? Ang tabehodai? Kakalerkey pero one of the best thing na like natin sa Japan! Dahil maarti nga dapat. Pinipigilan mong pumunta sa Ikebukuro at umakyat sa tuktok ng Lumine para sumugod sa pinakamalapit na tabehodai. Arti talaga ni Ate!
Sa damit? Maarti ka ba? Hindi naman masyado? Pero kailangan mapili na din tayo kung minsan, di ba? Noong 20's kase natin, kahit ano makita natin pwede nating suotin! Pero ngayon, nagiging maarti na tayo. Kailangan masusi na nating pinag-iisipan kung babagay pa kaya sa atin yung damit na sobrang cute na bigla na lang natin nakita sa mall. Tsk tsk tsk! Arti talaga ni Ate!
Sa Friends! Naku! Ubod po ba kayo ng arti! Kase dati, kahit sino na lang dyan, pwede nating tawagin na friendship. Pero, napagtanto natin na mas maganda kung may mga kanya-kanya tayong tawag sa kanila, di ba? Iba't iba! Merong "girlfriend," "barkada," "kakilala," "kapitbahay," "kainuman" at "BFF" naman kung nararapat (Best Friend Forever!).
Kapag sinusumpong tayo ng kaartihan, napapapigil hininga tayo at mag-aala- jejemon ng konti. Iisipin mo na lang na kailangan mong gawing bisyo ang kaartihang ito. Halimbawa, "Si Mylene! Yung maarti?!" Ay! kaloka, di po ba?!
Pero, balang araw lahat ng kaartihang ito, sana magbunga ng hitik na hitik! Kung ilang calories ang isinasakripisyo natin sa bawat araw ng buhay natin, sana maidugtong natin sa edad ng ating pagtanda. Kung ilang cute na damit ang hindi natin naisuot dahil sa ilang kadahilanan ay magdulot sana ng lakas ng kumpyansa sa pagkatao natin. Natutunan na nating ibagay ang uri ng pananamit natin ayon sa nararapat at makataru-ngang kadahilanan lamang po. Sa ganitong paraan, hindi na malilito ang tao sa paligid natin na unawain ang ating pagkatao. Hindi na rin natin kakailangan makaramdam ng di kanais-nais na feeling. Sa pakikipag-kapwa tao po? Nang maging maayos ang bawat bagay na mamamagitan sa atin sa mga taong nakapalibot sa buhay natin. Mas mabuti na ang malinaw kumpara sa malabo. :) Sa ganitong bagay, malamang makaiwas tayo sa pinaka-hate nating stress sa buhay. Pakonti-konting arti, pakonti-konting ginhawa ang dulot sa atin, di po ba?
Maraming salamat po sa pagbasa sa kaartihang naisulat ko.







No comments:

Post a Comment