Wednesday, March 9, 2011

Jeepney Press 2011 March-April Issue Page 07



PAGMUMUNI-MUNI SA DYIPNI
ni Fr. Bob Zarate

NAKAKASUKA

Corruption.
Korupsyon.
Kahit anong spelling pa yan, pareho rin ang sinasabi.
Pandaraya na nagsimula siguro noong bata pa siya.
O baka nagsimula sa kinupit na sukli sa biniling suka sa tindahan ni Aling Isang. Ito kaya'y nagsimula sa pagbukas ng pitaka ni nanay o
ni tatay nang hindi sila nakatingin o walang paalam?
O baka naman kasi dati ay pinayagang ibulsa ang sukli kaya ang akala niya ay laging OK iyon.

Korupsyon ang isa sa mga nagiging balakid ng ating bansa kaya hindi naeenganyong magtayo ng business ang ibang mga big companies sa ating bansa. Mas gugustuhin pa nilang magtayo sa mga bansang mas kulang ang kalayaan kaysa sa Pilipinas gaya ng komunistang Vietnam o China at mas istriktong Muslim na bansa ng Indonesia at Malaysia. Mas malaya tayo at mas relihyoso sana... pero laganap naman ang corruption.

Allow me to share kung ano kaya sa ating pagka-Pilipino ang nag-e-encourage ng corruption sa ating kultura.

"Pwede na" Attitude at lahat ng Palusot
"Masisira rin naman kaagad yan kaya yung mura na lang ang bilhin!" "Marami pang kailangang matutunan yan kaya kahit yung cheap muna, ok na yan!" Pagkatapos, magmamayabang ka pa at sasabihin mong naka-mura ka at may natirang pera para pang-gastos ng ibang bilihin. Eh paano kung may pera naman talaga? Bakit kailangan pang ibaba ang quality kung may proper budget ka naman? Ang problem dyan ay walang proper budgeting... at ang walang sawang pagpapalusot na nakakatipid, nakakatulong ka at nakaka-mura ka pa. Prepare your budget and stop saying "naka-mura"... gawa nang kung someday wala namang pag-gagastusan ang sobrang pera eh baka naman ikaw ang murahin!

"Wala namang nakakaalam" Attitude
Ang hilig kasi nating pansinin ang mga sinasabi ng iba. Kaya kapag alam nating mali na ang ginagawa natin, para mabawasan ang feeling guilty, ang consolation na lang natin ay, "OK lang, wala namang nakapansin eh!" Pero, come to think of it, mahilig din nating sabihin pag malakas ang loob natin, "Wala akong pakialam sa iba, basta ako masaya sa ginagawa ko!" Hay naku, sana iyang attitude na yan, ginagamit natin sa kabutihan.

"Ang Sariling Atin" Attitude
Naaalala nyo pa ba ang nakalagay sa textbook ng Araling Panlipunan (o Sibika nga ba?) na dapat nating linisin ang harapan ng ating bahay o bakuran? Kaya ayan, laging sarili na lang ang iniisip. Nililinis nga ang sariling harapan pero doon sa mga lugar na walang nagmamay-ari katulad ng big parks, public comfort rooms, ilog o sa beach, ang kalat-kalat! At ganuon na rin ang attitude natin sa work... kaya nawawalan tayo ng teamwork, atin-atin at kami-kami na lang. Nawawalan tayo ng sense of the bigger community, sariling pamilya na lang, sariling barkada, sariling-sarili!

"Kasi ginagawa naman ng lahat" Attitude
Nagkaroon ba ng panahon sa kasaysayan ng Pilipinas na bigla na lang tayong nawalan ng sense of responsibility at dignidad? Sa lahat ng mga pagkakataong maaari tayong masabihang mali ang ginagawa natin, agad-agad na nagiging palusot ay "Eh ginagawa naman iyan ng lahat eh!" Aba, sumusunod ka na rin pala sa uso... Sa masamang uso!

"Takot ng Pakikisama" Attitude
Kahit noong maliit pa tayo, takot tayong maiba. Kasi pag naiba ka, pinagtatawanan ka, pinagkakatuwaan at bina-balewala. At nung nag high school ka na, pati sa kalokohan, kailangang katulad ka ng iba. OK lang sana kung malinis na kalokohan. Pero kung ayaw mo nang makisama sa masamang kalokohan, o di kaya'y ikaw na lang ang gumagawa ng tama, ikaw pa ang pinapahirapan. Lagi na lang tayong kailangang makisama, kahit na alam nating mali na ang ginagawa nila. Bakit ba kailangang dumepende pa tayo sa isang grupo para mabuhay? Pati tuloy sa kasalanan nasasabit tayo!

Lagi nating sinisisi ang corruption sa ating bansa. Pero kailangan din nating tumingin sa sarili natin. Baka meron tayong mga qualities na nakasulat sa taas na maaaring humila sa atin in the future para gumawa rin ng corruption. Ayaw kasi nating malamangan, kaya may tendency din tayong gumanti. Adventurous daw tayong mga Pinoy, kaya kahit alam nating mali, gagawin natin kasi maliit na bagay lang daw... Pero ang tao, kapag na-realize nyang may nagawa siyang adventurous, may tendency siyang gustuhing gawin ang mas higit pa doon!

Bilang isang pari, marami na akong naririnig at nakikilalang mga taong magtataka ka kung bakit ang yayaman nila. Bakit nga kaya? Iyon lang naman ang trabaho nila? Ganoon ba kalaki ang bonus nila kaya ang gagara ng kotse nila? Paano sila nakakabili ng mga napakamahal na bagay when at the same time, wala nang matirhan at makain ang mga tao sa ilalim nila? Sabihin pa nilang pera nila iyon, sana man lang may delicadeza sila. Sabihin pa nilang naiinggit ako, hindi ako papayag. Kasi, kung naiinggit ka, hindi ka masusuka!

-------------------------

SHITTE IRU?
by Marty Manalastas-Timbol

ALAM NYO BA…my friend Francis Tan says “FISHYTARIAN, ” he is referring to people who loves to eat fish and vegetables. He is now a fishytarian if I may say and very conscious about his health nowadays. So, are you a “Fishytarian”?

ALAM NYO BA… na noon in Japan, mga Haponesang may maliit ang mata, medyo round puffy ang face and plump body were considered attractive features?

ALAM NYO BA…na sa Japan, some traditional Japanese companies conduct morning exercise for all the workers and kasama rin ang mga boss? They do this para ma-prepare sila for the day’s work. I still see this every morning when I go to work in a factory near our house.

ALAM NYO BA…na ang national flag ng Japan is called the Hinomaru. Yung red circle ay simbolo ng rising sun. Ang word na “Nippon,” Japan’s name in Japanese, means “origin of the sun.”

ALAM NYO BA…na ang Japanese poetry consists only of 3 lines and they call this “Haiku”?

ALAM NYO BA…na ang mga Japanese people are extremely courteous people? Kahit na busy sila or in a hurry, if you ask them for a direction, they go out of their way at talagang
tutulungan ka.

ALAM NYO BA…na ang Yokohama Rubber Co., Ltd. announced last January 31, 2011 na mag increase sila ng production capacity ng Yokohama Tire Philippines, Inc. to 10 million tires a year from current 7 million as the first phase of their expansion? Yokohama Tire Philippines, Inc. (YTPI) is located in the Clark Special Economic Zone, producing quality tires and 96% of its production is exported in Europe, North America and ASEAN countries, while the other 4% is for local sales in the Philippines.




No comments:

Post a Comment