Ano Ne!
ni Jasmin Vasquez
Basurang Tinapon N’yo, Babalik Din sa Inyo!!!
Alam nyo po ba na pumapangalawa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakaramaming basura sa buong mundo sa karagatan? Pinangungunahan ito ng Estados Unidos at pumapangatlo naman ang Costa Rica.
Ayon sa Ocean Conservancy, may 1,355,236 piraso ng basura ang na-recover mula sa mga bahagi ng karagatan at baybaying-dagat ng Pilipinas sa kanilang isinagawang International Coastal Clean-up noong Setyembre ng nakaraang taon. Nanguna sa listahan ang Estados Unidos sa pinakamaraming basurang nakuha, na umabot sa 3,945,855 piraso. Ikatlo ang Costa Rica na may 1,017,621 piraso.
Isa ito sa pinaka-malaking problema ng ating bansa. Ang kawalan ng disiplina at walang tigil na pagtatapon ng mga basura sa ating karagatan. Kaya namamatay ang ating mga yamang-dagat sanhi ng polusyon sa tubig.
Nangununa sa listahan ng mga bagay na nakuha sa dagat ay ang mga plastic bags, paper bags, at food wrappers, basura ng sigarilyo (gaya ng upos filter at kaha), at diapers. Gayun din ang ilang mga piraso ng damit at sapatos.
Dahil dito, tuluyan ng nangamamatay ang mga isda sa dagat at ilog na isa sa ating ikinabubuhay. Magtataka ka pa ba kung wala ng mahuling isda ang ating mga mangingisda?
Nakakatakot isipin ang hagupit ng dagat kapag tayo ay siningil sa ating pag-aabuso sa pagtatapon ng mga basura. Mayroon tayong kasabihan na kung ano ang iyong itinanim ay sya mong aanihin. Kung kaya ang mga basurang mga itinapon mo sa ating karagatan ay maaring bumalik sayo.
Katunayan unti-unti na tayong sinisingil ng dagat sa ating mga pag-aabuso. Ilang beses ng bumagyo sa Pilipinas at habang tumatagal pataas ng pataas ang level ng tubig sa umaahon mula dito kasabay ng mga basurang tinapon nang mga tao.
Huwag nating abusuhin ang karagatan. Simulan nating disiplinahin ang ating mga sarili mula sa pag hihiwalay ng mga basura ayon sa kani-lang uri. Paghiwalayin ang mga nasusunog at di pweding sunugin; ang mga plastic, papel, bote at lata na maari pang i-recycle at pakinabangan.
Maging aral sana sa atin ang mga larawang ito upang maiwasan nating mangyari ulit sa atin ang ganitong klaseng sakuna.
No comments:
Post a Comment