Shoganai: Gaijin Life
A New Year
Jan - Feb 2015
Dreams of a better year...
Taun-taon na lang. Taun-taon. Parang walang pagbabago. Naalala ko pa noong bata ako, tuwing bagong taon, dapat tumalon pag sapit ng alas dose, para tumangkad. Taun-taon, talon ng talon. Asan ang pinangakong tangkad?
Ang tanong naman diyan, bakit naman ako maniniwala na ang isang araw at isang takdang oras sa isang taon ay mabibigyan ako ng isang bagay na genetically wala naman sa pamilya ko? Hindi ba ako ang may problema dito at hindi ang Bagong Taon?
Paminsan-minsan, ganyan tayong mga Pilipino. Pag may paniniwala, kahit na ang siyensya mismo ay nagsasabing hindi ito possible, tinutuloy pa rin natin. Yung iba, sinasabi hindi lahat kaya ng logic ang science. Naniniwala rin naman ako dito. Mayroon rin namang faith in a higher being. Pero iba ang "faith" sa "blind faith" at mas lalong naiiba ang "maling akala." Not to be insulting, wag po tayong tumalon sa mga maling akala. Napapansin ko kasi karamihan sa ating mga Pilipino, kahit po ako, at malamang kayo rin Dear Reader, ay guilty sa patuloy na paniniwala sa maling akala. Nandyan ang "akala ko pwede" mentality, tapos pag hindi, naghahanap ng masisisi. Di po ba? Nandyan rin ang "lahat sila ganon e, akala ko ako rin ganon." Tapos sa huli, hindi pala ganoon. Ang ganitong pag-iisip, dapat maiwan na sa lumang taon. Ngayong bagong taon, bagong pag-iisip na ang pairalin. Kahit na medyo palasak na ang mag New Year Resolution, gagawa pa rin ako. Ang akin ay iwasan ang mga maling akala, matutong makinig ng mabuti, at magpatuloy sa pag-aaral, dahil life is a learning process di po ba? Ibinabahagi ko lang ang balak ko ngayong bagong taon, at isa pa, hindi na ako tatalon pag sapit ng hating gabi.
New Year, new way of thinking, new life, new me! Sana new you rin!
Happy New Year!
No comments:
Post a Comment