Ano Ne! : Bulag na Pag-Ibig
Jan - Feb 2015
Pag-ibig, kapag pumasok sa puso nino man, hahamakin ang lahat masunod ka lamang.
Mga katagang simula pa noon ay naging kasabihan ng mga matatanda... It sounds corny but when it comes to love, i guess marami na sa atin ang nakaranas ng ganito. Maaring sa kapatid sa mga kamag anak o sa ating mga kaibigan. Tunay na makapangyarihan ang Pag-ibig.
Tulad ng marami naranasan ko na rin ang magmahal na para bang buong mundo ay naging kalaban nyo, importante talaga yung sabay kayo lalaban sa mga trials na dadating. Yung tipong ayaw sa iyo ng mga magulang nya, gayon din sa amin na labag sa kanilang kalooban na magka- roon kami ng ugnayan. Against all odds wika nga sa English. Unang Pag-ibig, unang hawak kamay na kasama mo sa iyong paglakad, unang halik... O anong sarap ng feeling. Nakakakilig, matutulog ka na parating may mga ngiti sa iyong labi dahil maiisip mo sya. Wishing na mapanaginipan mo sya. Hanggang sa pag-gising dala dala mo ang ngiti... ang sarap umibig... Yung sobrang inspired kang mag-aral because of him. After almost 3 years ano nga ba ang nangyari?
Dahil matanda sya sa akin ng 5 years. I was in 4th year HS during that time and he's graduating in college taking up Mechanical Engineering in UE Caloocan. Yung feeling na para akong may kuya at the same time boyfriend, pakiramdam mo na secured ka kapag kasama mo sya. Natatandaan ko bago sya mag graduate gumawa sya ng thesis nya, pina-bookbind at nilagay ang name ko doon sa aknowledgement dahil naging inspiration nya ako. Hanggang sa mag graduate sya. Nagpunta kami ng friends ko doon pero nagtago lang kami sa may gilid ng puno because ayaw nga sa akin ng kanyang pamilya. Pero pinuntahan nya din kami ng mga friends ko. Inintindi ko na lang at ok lang na hindi ako pwedeng sumama sa celebration.
Hanggang sa nakapagtrabaho sya sa isang company naging busy sya. Pero minsan sinasama nya ako sa office nila. Di nagtagal dumalang na ang communication namin at wala akong kamalay-malay na nangangarap sya at nagmamadali syang yumaman. Hanggang sa isang araw, nabalitaan ko na lang na ikakasal sya sa kanyang boss. Ayaw kong maniwala kaya sya mismo ang tinanong ko. Una, ayaw nyang umamin dahil baka daw masira ang pag-aaral ko. Bandang huli, dahil sa pagmamakaawa kong sabihin nya ang totoo ay umamin din sya. Halos mabaliw ako sa sobrang sakit. Unang pagmamahal, unang heartbreak.... May mga lalake na mahilig manggamit ng iba para lamang sa kanilang mga pangarap. Kapalit ang totoong pag- ibig. Taon din ang lumipas bago ako naka move on... Ito siguro ang kapalaran ko.
Ngayon andito na ako sa Japan, pansin ko lang na marami ang nabubulagan pagdating sa pag-ibig. May mga asawang Hapon ngunit hindi makunteto, naghahanap pa ng iba na Pinoy. Ang dahilan, hindi nila mahal ang kanilang asawang Hapon. Kung kaya't natutukso sila sa iba. Naitanong nyo na ba sa inyong sarili na, kung sakali ba na kayo ay walang pera, liligawan ba kayo ng tao na sinasabi nyong mahal nyo? Sabi nga nila, dalawang klase ng tao ang mayroon sa mundo: isang manggamit at isang nagpapagamit. Or pwedeng isang manloloko at isang nagpapaloko. Payo ko lang lalo na sa mga girls, be wise. Walang masama sa magmahal pero don't spend too much unless you have proven na serious sya at hindi ka lang ginagamit. Sa panahon ngayon, mahirap ng magtiwala. May mga seryoso din naman na nauuwi sa magandang pagsasama. Isipin lang sana natin kung ano ang posibleng maging bunga sa bawat bagay na ating gagawin. Mahirap maging bulag sa katotohanan at lalo na sa pagiging "bulag sa pag-ibig".
Malapit na ang araw ng mga puso, hehehe. Happy Valentine's Day sa inyo... Ako Happy Biyak na Puso... Till next time!
God bless us all!
No comments:
Post a Comment