Sunday, January 18, 2015

Dennis Sun

Daisuki!
"Getting Cold, Getting Old."


January - February


Ano ba naman yan? Kararating lang ng Disyembre, nanginginig na ang mga buto ko. Epekto kaya ng global warming kaya ang winter ngayon ay napakaagang dumating at napakalamig? 

Dati-rati’y pagpasok ng Enero, doon ko pa lang nalalasap ang kirot at hapdi ng panahon ng tag-lamig. Ngayon, isang buwan napaaga. Simula ng dumating ang Disyembre, hinanap ko bigla ang mga taglamig na gwantes bago ako lumabas ng bahay. Grabe sa lamig lalo na kung mahangin. 

Napakahirap matulog sa gabi. Yung mga paa ko, nanlalamig sa ginaw kahit na may suot na akong mga medyas. Bumili akong YUTAMPO sa drugstore na pwede i-microwave. Minsan, nawala na ang init ng yutampo, gising pa rin ang diwa ko. Kailangan ipainit uli sa microwave. Napakahirap pa naman bumangon sa lamig lalo na kung nakahiga ka na sa futon. Sabay punta na rin sa banyo para makaihi na rin! Distorbo din ang pantog tuwing malamig dahil sa walang tigil na pagpunta sa banyo para umihi.

Maraming mga dahilan dahil nanlalamig ang mga katawan natin. Pero huwag kang matuwa dahil hindi ito biro. Isa na rito ang pagtanda. Aray ko po! Habang lalong tumatanda ang tao, lalong giniginaw ito lalo na sa parting kamay at paa. Aray ko po, again! Natamaan yata ako doon. Hindi lang sa edad ang dahilan. Ang pagtaas ng pagiging sensitibo sa lamig ay maaaring tanda ng mga problemang medikal tulad ng alta-presyon at dyabetis. Pwede rin maging dahilan ang side-effects ng mga ibang gamot na iniinom natin kaya tayo nanlalamig.

Pero, Inday, tumigil ka nga! Wala kang sakit. Ang problema mo, pang summer pa ang sinusuot mo kaya ka nanlalamig! Punta ka sa Uniqlo at bumili ka ng heat-tech underwear. Yung jacket mo, manipis. Magsuot ka ng gawa sa wool. Ano ba, Inday? Winter is the time for fashion. Wear long boots. Dress in layers! Doble. Triple. Go! Gumamit ng medyas para sa tag-lamig. Wear a hat. Ang init ng katawan ay lumalabas sa ulo. Kung mag-suot ka ng sombrero, hindi tatakas ang init sa katawan mo. Gloves, mittens, scarf… Add anything to make you warm. Kung wala pa rin, bumili ka ng hand or foot warmers sa drugstores tulad ng KAIRO. Welcome to winter wonderland!

Buti pa si Soraida. Dahil sa kanyang HOT FLASHES, laging mainit ang katawan niya. Meron siyang private summer even in the middle of winter. Seriously, nasa labas kami at naka T-shirt lang, okey na siya. Swerte niya, lagi kong hinahawakan ang kamay niya para magnakaw ng konting init. Yung kamay ko, parang yelo na. Sa tagal ng pag-hawak ko ng kamay niya, unti-unti rin siyang nalalamigan at sabay sigaw, “Hoy! Magnanakaw. Ibalik mo ang init ko!” Naku! Buti nga meron humahawak ng kamay ni Soraida!

Si Mila, dinadaan sa alkohol para uminit ang katawan. Vodka o tequila? Kaya pala laging naka smile and dreamy ang tingin during winter habang kami ay kinikilig sa lamig. Cool but warm lang ang face niya. Parang nasa langit lagi kahit yung dalawang kasama namin ay nag-aaway na.

Si Cora, dahil matanda na talaga at marami na rin sakit sa katawan, hindi na talaga ma-tolerate ang cold season kaya eskapo siya sa Pinas. Dumarating lang siya sa Japan during spring and autumn, the best and most beautiful seasons pa! Wala rin siya sa Japan during summer dahil sobra rin ang init dito. 

Pero mas ma-swerte ang Manang Jocy dahil may nagpapa-init ng katawan niya. Hindi na kailangan ng woolen socks, hand and foot warmers and kairo. At, please lang, walang electric heating blanket for her. Sa gabi, may free human blanket na siya. Wika niya, “Anong cold winter ang pinag-uusapan ninyo?” Para kay Jocy, the colder the winter, the better daw. At sabay taas ang kilay! “Alam ba ninyo na mas matindi ang mga yakap ni Papa tuwing winter season.” Sasabihin lang niya habang nakahiga sa kama, “Papi, nanlalamig ang mga labi ko.” At biglang sabay halik ang mararatnan ng mga labi ni Manang Jocy. Yan ang essence ng winter wonderland according to Jocy at sana, tayong lahat na rin! Amen!






No comments:

Post a Comment