Thursday, July 9, 2009

PAGMUMUNI-MUNI SA DYIPNI by Fr. Bob Zarate



Si Bong

18 years na siya dito sa Japan. Trabaho: tauhan ng isang small-time construction company. Visa… tinatanong pa ba yan? Eh di wala! Umalis siya 18 years ago sa Pilipinas habang nasa tiyan pa ng asawa niya ang kanilang bunsong lalaki. Nakilala niya ang kanyang asawa sa kanilang choir sa simbahan. Masasabi na rin nating combination siya noon ng isang batang tatay at tatamad-tamad na bulakbol. Nang muntik nang mamatay ang isa niyang anak dahil sa sakit, nagpasya na siyang umalis upang magtrabaho para sa ikabubuti ng kinabukasan nilang pamilya.

No comments:

Post a Comment