Advice ni Tita Lits! Take it or Leave it!
Jan - Feb 2015
Dear Tita Lits,
Gusto ko lang magtanong tungkol sa medical insurance (kokumin houken).
Kasi po, meron pong nadiskubreng tumor sa aking tiyan ang duktor sa ospital dito sa Nagoya. Medyo cancerous po raw siya kaya kailangan alisin bago lumala pa. Tanong ko po, pwede kayang magamit ang insurance ko sa Pinas? Hindi ko po kasi maintindihan ang lenguahe nila dito kaya medyo kabado ako. Mas magaan ang loob ko kung sa atin ko na lang ipa-opera ito. Pero, sana magamit ko ang kokumin houken. Maari po ba yon? Salamat po ng marami.
Angie, Nagoya
Dear Angie:
Kokumin Kenko Hoken (National Health Insurance) ay isa sa dalawang major types of insurance programs sa Japan. Iyong isa ay iyong Kenko Hoken (Employees’ Health Insurance).
Ang Kokumin Kenko Hoken ay para sa mga taong hindi eligible na maging miyembro ng employment-based health insurance system. Kahit mayroong available na private insurance, lahat ng Hapon, mga permanent residents sa Japan, at kahit sinong non-Japanese na nakatira sa Japan na may visa validity of one year or longer, ay required na mag-enrol either sa Kokumin Kenko Hoken or sa Kenko Hoken.
So, I will assume na member ka ng Kokumin Kenko Hoken.
Ang intindi ko sa rules ng Cash Reimbursements from Kokumin Kenko Hoken, maaaring gamitin ito kapag biglang nagkasakit overseas ang miyembro, ngunit hindi maaaring maka-claim kapag ang miyembro ay pupunta sa overseas para magpagamot or mag-recuperate.
Kung tama ang intindi ko, it means hindi mo pwedeng gamitin ang iyong Kokumin Kenko Hoken sa iyong case, dahil hindi ka naman biglaang nagkasakit habang nagta-travel sa Pilipinas.
Para makasigurado, dahil hindi naman ako expert dito sa topic na ito, dumalaw ka sa iyong local ward office, kasi ang mga local ward offices ang nagma-manage ng Kokumin Kenko Hoken.
Ang personal kong advise sa iyo ay dito ka sa Japan magpa-opera. Tutulungan ka naman ng doctor mo sa Nagoya. At kung may mahagilap kang kaibigang marunong mag-Hapon, o Hapon na kaibigang marunong mag-English, magpatulong ka na lang when you get confined, for your peace of mind.
Dear Tita Lits,
Tanong lang po ako about the permanent residence status. With the new ruling, hindi na kailangan ang Re-Entry permit for us kung babalik tayo within a year. Ano po ba ang mangyayari kung hindi po makabalik sa Japan after a year has passed without a Re-Entry permit? Kasi yung friend ko, permanent resident siya at nagbakasyon ng mahaba sa atin. Plano talaga niyang umuwi within one year pero sa kamalasan, na aksidente at na confine sa ospital ng mahabang panahon at hindi po makalakad. Lalo pang humaba ang bakasyon niya. Wala siyang Re-Entry permit ngayon at sumobra na sa isang taon. Makakabalik pa kaya siya sa Japan? Ano po kaya ang pwedeng gawin niya sa atin?
Corazon, Yamagata
Dear Corazon:
Please access www.immi-moj.go.jp, the official site of the Ministry of Justice of Japan for complete information and answers to your question. I will quote some pertinent information from the website:
“A special re-entry permit system will be introduced.
Foreign nationals in possession of a valid passport and resident card will be re-entering Japan within 1 year of their departure to continue their activities in Japan will, in principle, not be required to apply for a re-entry permit.” (This is called special re-entry permit).
“Foreign nationals who have departed from Japan on a special re-entry permit will not be able to extend that permit while abroad. Please note that such foreign nationals will lose their resident status if they fail to re-enter Japan within 1 year of their departure.”
Corazon, siguro dapat kumontak urgently sa Japanese Embassy sa atin ang friend mo. Baka maayos, kasi ang reason na sumobra ang stay ay dahil naaksidente ang friend mo.
Dear Tita Lits,
Lagi kong sinusubaybayan ang column ninyo paglabas ng Jeepney Press. Ngayon, gusto ko pong ibahagi ang nilalaman ng damdamin ko. Isa po akong overstay dito sa Yokohama. Limang taon na akong hindi nakakauwi sa atin. Iyan po ang malaking problema ko. Ang visa. Ngunit iba po ang ikukunsulta ko sa inyo. Meron po akong asawa at dalawang anak sa Cebu. At meron po akong sinasamahan na babae dito, tawagin natin sa pangalan na Maria. Pilipino rin siya. Dalawang taon na kaming nagsasama at siempre, mahal ko rin siya. Pero mahal ko rin po ang asawa at anak ko sa Pinas. Alam po ni Maria ang tungkol sa buhay ko at OK lang naman sa kanya. Mabait po siya sa akin at minsan, siya rin po ay tumutulong magpadala ng pera sa pamilya ko kung nagigipit ako. Nagmamahal po ako sa dalawang babae. Hindi po alam ng pamilya ko sa Cebu itong sitwasyon ko sa Japan. Ngayon, buntis po si Maria. Hindi namin alam kung ano ang gagawin namin. Ngayon ko lang nararamdaman ang nagawa kong gulo at kasalanan. Ano po ang maipapayo ninyo?
Robert, Yokohama
Dear Robert:
Talagang malulunod ang isang taong namamangka sa dalawang ilog!
Hindi ko alam ang status ng visa sa Japan ni Maria. At kung valid naman, ay kung anong klaseng visa siya mayroon. Kung work visa or permanent resident visa, wala siyang problemang ipanganak dito sa Japan ang inyong anak. Kung walang valid visa si Maria katulad mo, hayan ang hindi ko masasagot kung ano ang mangyayari. Kung may valid visa, pwedeng ma-rehistro ng walang problema ang bata, at maaayos ang kanyang papeles as dependent ni Maria.
May alam ako na actual case na nagbuntis dito at nanganak dito. Kaya lang, may visa pareho ang tatay at nanay. Pagkapanganak, within 30 days, dapat i-registro ang bata sa local ward office. Maaaring ang nanay lang ang mag-ayos nito. Kaya lang, kailangan din ng mga dokumento ng husband niya – passport, resident card, etc. Tapos, within 30 days ay i-registro na rin sa Philippine Embassy ang bata, at i-apply na rin ng passport para minsanan lang. Tapos, i-apply ng Japan visa ang bata sa Japanese immigration.
Dahil wala kang papeles Robert, hindi ko alam kung ano ang mangyayari kapag idineklara ni Maria na ikaw ang tatay ng anak niya.
Mag-konsulta siguro kayo dapat sa Philippine Embassy – Assistance to Nationals section.
Dear Tita Lits,
After 30 years married to a Japanese, I am now divorced. Nagkaroon po ng affair ang asawa ko. Ang napakasakit po, pinagpalit niya ako sa isang Pilipina at 20 years younger pa sa akin. Aray ko po! Tulad ko, nagkita rin sila sa isang omise. Isang taon na ang lumipas at hindi pa rin ako maka- recover. Masakit pa rin po sa dibdib at kung naaalala ko ang lahat ng sinungaling at pagbabalatkayong ginawa niya sa akin, lalo po akong naiinis sa galit. Ginagawa ko lahat ng aking kaya para makalimot ngunit pabalik-balik ang mga masasaklap na eksena sa aking ulo lalo na tuwing gabi. Binigyan na rin po ako ng sleeping pills ng duktor ko. Minahal ko po siya at binigay ko ang lahat ng buhay at kaluluwa ko sa kanya. Ngayon, I can’t seem to pretend that nothing happened. Napakasakit po!
Cherrie, Fukuoka
Dear Cherrie:
Masakit na masakit talaga ang iyong naging experience. Sana, makatulong ang bigay na gamot sa iyo ng iyong duktor. Hindi ko alam kung ano ang iyong pinagkakaabalan mo sa iyong buhay ngayon – kung may trabaho o business ka. At hindi ko rin alam, kung may anak kayo ng asawa mo. Ang maipapayo ko lang ay “to keep yourself busy with whatever work you are doing, or if you have a child, to do your best to be strong for his/her sake.” Kailangan ka ding magkaroon ng social life. Time to develop friendships. Open your self as well, to the possibility of meeting another possible love. Walang matanda when it comes to love, Cherrie. Mag-ayos ka, mag-make-up, buy something nice for yourself – maybe a dress, nice shoes. And finally, huwag kalimutang magdasal at tumawag sa Diyos, for strength na malampasan mo at makalimutan na itong masakit na kabanata sa iyong buhay. There is light at the end of this dark tunnel in your life, Cherrie, so SMILE!