KWENTO NI NANAY
July - August 2014
Ang feeling ko, medyo nag matured na ang pag-iisip ko dahil sa daming mga pagkakamaling nagawa ko. Kaya mas konti na ang aking mga pagkakamali ngayon dahil marami akong nagawang mga pagkakamali noon. Marami akong napulot na aral.
Kapag nakuha mo ang aral sa bawat mali, hindi mo na mauulit ito. Sanay ka na. Meron ka ng karanasan. Ngunit natutunan ko na kahit ako ay nag-matured nang dahil sa aking mga karanasan, patuloy pa rin akong nagkakamali ngunit mas mabilis akong natututo sa aking mga pagkakamali.
Sa mga ilang dekadang taon na lumipas sa aking buhay, eto ang ilan sa mga natutuhan ko sa buhay.
1. Nagkakaroon ako ng mas maraming tiwala sa aking sarili.
Dahil alam natin ito, kung alam natin na hindi natin magagawa ang isang bagay, hindi na isasalang ang ating sarili para mapahiya at mapahamak. Alam na natin ang ating limitasyon.
2. OK lang ang magkamali.
Hindi tama yung pag-iisip na: Hindi dapat magkamali. Basta’t gawin mo ang dapat at ibigay mo ang lahat. Kaya kung nagkamali ka, OK lang.
3. Hanggang hindi mo makuha ang leksyon sa bawat pagkakamali, mauulit na naman ito. Kaya kapag nagkamali ka, tanungin mo agad ang sarili: Ano ang hindi ko nagawang tama? O ano ba ang ginawa kong mali? Kapag nasagot mo ito, siguradong maiiwasan mong magkakamali ka ulit.
4. Hindi mo maiiwasang magkamali.
Minsan, kahit ingat na ingat ka, merong mga panahon na hindi mo maiiwasang magkamali ka. Yung mga kasong ganoon, wala na tayong magagawa pa. Kung kailangan mangyari ang isang bagay, dapat mangyari ito.
5. Hindi lang tayo ang nagkakamali. Lahat tayo ay nagkakamali.
Kahit sino, pati na rin yung mga taong iniidolo natin ay nagkakamali.
Isipin lamang natin na ang buhay ay parang laro. Isipin natin na parang may limang bola tayong jina-juggle sa ere. Yon mga bola ay ... ang ating trabaho, pamilya, mga kaibigan, at kasiglaan. Ang bola ng trabaho ay isang gomang bola. Pag ito ay nahulog, ito ay babalik o mag bounce back. Di paris ng tatlo, ito ay mga babasagin at pag ang isa nito ay mabasag, hindi na ito maibabalik sa dati. Ito ay magkakalamat, sira na at baka magka- durog-durog pa at di na maaayos o maibabalik sa dati.
Kaya dapat natin maunawaan at pagsikapan ang ating balance sa buhay.
"Papaano"? Huwag nating maliitin ang ating sarili at ikumpara sa iba.
Ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang katangian at espesyal ang bawat isa sa atin. Huwag natin baliwalain ang ating mga adhikain na sirain ang ibang tao. Tayo lang ang nakakaalam kung ano ang makakabuti sa ating sarili. Huwag nating balewalain ang mga bagay na malapit sa ating puso. Hawakan natin sila na para itong ating buhay. Sapagka't kung ito'y nawala parang wala nang halaga ang buhay natin. Huwag natin pabayaan ang buhay natin na makawala sa ating mga palad. Mabuhay tayo nang araw araw at mabubuhay tayo ng buong buhay natin. Huwag tayong mabuhay sa nakaraan o sa hinaharap. Kundi sa araw- araw lamang at huwag tayong susuko hanggat mayroon tayong naibibigay. Hindi pa tapos ang lahat hanggang tayo ay sumusubok. Huwag tayong matakot sumubok.
Huwag matakot sapagkat hindi tayo perfect. Iba sa atin, medyo sensitibo. Yung iba, medyo mahina. Yung iba, medyo natatakot. Aminin mo sa sarili mo na tao lang tayong nagkakamali at pagkatapos, lakasin mo ang kalooban mo. Gawin na ang gusto mo gawin. Ganito lang ang simula. Kapag nagawa mo na, makikita mo na kaya mo pala. Ganoon lang kadali. Walang mangyayari kung wala kang gagawin.
Go! Go! Go!
No comments:
Post a Comment