DAISUKI!
(July - August 2014)
Mainit na ang panahon. Tumitirik na sa init ang araw. Grabe na. So they say...mas mainit sa Pinas. But now you know, it’s hotter here! Welcome to summer in Japan.
HOT-sui! HOT-sui!
Dito sa Tokyo, mas grabe! Imagine mo, ang isang kagubatan ng mga malalaking gusali at bahay. the Tokyo Metropolis jungle! Dahil sa alinsangan ng panahon, to the max sa lamig ang mga aircondition everywhere. Kaya kung ikaw ay nasa labas, kawawa ka. Na double punch sa init: init ng araw at init na lumalabas na hangin ng aircon sa labas.
Alam ko grabe rin sa Kyoto at Osaka sa panahon ng tag-init. Una kong dinalaw ang Kansai region ng may mahigit dalawang dekada na ang nakaraan. It was during summer. Hindi ako masyadong nag-enjoy sa mga tourist bus trips sa Kyoto dahil sa init. Ayaw na namin lumabas ng bus dahil presko ang pakiramdam sa loob. Paglabas mo, parang yakiniku ang pakiramdam. Buti na lang, this year, I was able to enjoy Kyoto last April during the most beautiful season of the year. Beautiful na, malamig pa ang simoy ng hangin! Salamat kay Emi sa pag-tour niya sa akin.
Noong una akong dumating sa Japan, nakatira ako sa isang maliit na apartment na walang aircon. My Japanese friends were so worried about me. Baka hindi ko raw kaya ang init ng summer sa Japan. Hay naku, don’t worry. Ako pa na galing sa Pinas. Kaya ko yan! Hindi ba nila alam that the Philippines is a tropical country and it’s summer all year round? Nabigla lalo sila nang sabihin ko, “Even during Christmas, it’s still summer in the Philippines!”
Pagdating ng summer sa Tokyo, hindi po ako makatulog sa init. Mas malamig pa yata sa labas. Hindi kaya ng powers ng bentelador na bigay lang sa akin ng isang Hapon dahil baka raw kailanganin ko. Kaya ang ginawa ko, nakabukas magdamag ang pintuan ng refrigerator. Wala pa rin effect! Pagdating ng six o’clock, nakatulog din ako sa puyat at pagod sa kakareklamo sa init. Pero isang oras na lang at dapat magising ako para sa arubaito. Buhay nga naman! Pero ha, nakatiis ako ng sampong taon na walang aircon tuwing summer. Kaya ko pa bang magtiis? Hindi! Please lang! Tama na yung sampong taon na pagdurusa. Pabayaan niyo naman akong mag-enjoy ngayon.
Yung isang kaibigan kong Hapon na pobre din katulad ko at hindi maka-afford bumili ng aircon, sa labas ng koen (park) siya natutulog kapag hindi na niya matiis ang init sa loob ng bahay. Problema lang daw ay ang mga pulis na nang-gigising sa kanya. Okey lang daw ang mga pulis. Naintindihan naman nila ang situwasyon. Ang malaking pagdurusa raw ay ang walang tigil na pag-kagat ng mga lamok. Jus ko po! Pagkatapos ng dalawang buwan na puro kagat ng mga lamok gabi-gabi, baka maubusan na siya ng dugo at maging vampire bigla. Kaya pala laging nanghihina siya pagdating ng autumn season. Anemic na ang dating. Kung alam ko lang, pinaderecho ko na siya sa pinakamalapit na Red Cross para humi-ngi ng dugo. Buti na lang, walang dengue dito.
Nabasa ko sa FB kaninang umaga, isa sa mga FB friends ko ay gustung-gusto maging singer ang kanyang anak sa Pilipinas. Maganda naman siya. Pero hindi ko alam kung ano ang talent. I’m sure hindi impressive ang pagkanta niya tulad ng mga pop singers dito sa Japan. Alam niyo naman, yung mga batang Hapon dito, ginagaya nila ang mga idolong singers nila tulad ni Seiko Matsuda. Sa atin, hindi ganyan ang mga boses ng mga singers. Hindi galing sa lalamunan at lalung-lalo na sa balunbalunan ang mga boses nila. Dito, kapag kaboses mo si Mickey at Minnie Mouse, pwede ka ng maging singing pop idol. Baka pwede pa siguro yung anak niya na maging voice talent na lang sa mga cartoons. Diba? Pang Disney yung boses. Yung speaking voice, ha. Hindi singing voice! Aray ko nanay!
Actually, ang mga pop idol dito sa Japan, hanggang face value lang. Dapat KAWAII (cute) ka. Kawaii yung face, kawaii yung dress, kawaii yung pana-nalita, tsaka mannerisms mo. Yan ang gusto ng mga Japanese. Sabi ng long time friend kong jazz diva na si Marlene dela Pena, noong una siyang dinala rito, ginawa siyang pop idol. Well, cute naman si Marlene. Pero, she has amazing pool of talents! Nagustuhan ng mga Japanese si Marlene as a pop idol. Nag-ningning ang bituin niya. But after she graduated as a pop idol, she transformed herself as a celebrated jazz singer. And she captured a wider and more matured audience with her albums topping hits for months and years. Hayan ang beauty, brains and talent!
Yung isang friend ko sa FB, nag-iisip kung anong gagamitin niyang pangalan sa anak niya na gusto rin maging artista sa Pinas. Aba, hindi mahirap iyan. Dapat merong tunog na Hapon yung name dahil half Japanese siya at para iba ang dating. Napag-isip tuloy ako bigla. Sabi ng isang talent manager friend ko, it’s better to have names that have the same letter initials. So, here we go. Pwedeng Osang Osaka (OO), Yoly Yokohama (YY), Nina Nagoya (NN), Freda Fukuoka (FF), Sabrina Shizuoka (SS). Kung lalake naman, ayan ang Teddy Tokyo (TT). Ayan ang favorite initials ni Inday! O, diba? Ken Kyoto (KK). Norman Nagano (NN). Herbert Hokkaido (HH). Naku, nag-complain si John. It’s not in the name, daw. Wala sa pangalan. Nasa talent. Meron bang ibubuga iyan? Kasi raw ang nangyayari, walang talent ang mga anak. Yung nanay naman kasi, overflowing of talent. Kung pwede lang umiyak at mag luka-lokang Sisa sa harap ng producer at director para makasali lang sa pelikula, gagawin nito. Patawarin tayo! Ibalik ang anak sa Japan. Hindi rin marunong mag Tagalog at baka maging komedyante lang iyan. Mag- arubaito na lang siya sa Yoshinoya o Matsuya sa Tokyo.
Going back to summer in Japan, saan ba magandang pumunta dito? Minus the init, summer can be a beautiful season. It’s the season of fireworks. Almost every night, all around Japan, we see lively displays of fireworks giving sparkles of colors to the hot and humid summer night skies. There are festivals with all kinds of ceremonies, rituals and dancing. You need to check the largescale firework festivals in every major city in Japan.
If you have the budget, why not travel to Hokkaido? I think it’s the only place where you will not complain of humidity. Air is so pure and clean. If you come from Tokyo or other major cities in Japan, you will definitely discover the difference. It’s a good place for asthmatics like me. And it’s the flower season here making Hokkaido a beautiful place to visit not to mention the added fireworks at night. It has the perfect “F” experience: family, friends, food, flowers, fireworks and festivals! Isali mo na rin ang “ficnic” kung Kafamfangan ka.
Kung habol mo naman ay beach, Okinawa is paradise! The island is filled with world class beach resorts. You can explore the seas, jungles, mountains, castles, shrines, caves, temples and food. And if you want to go back home to the Philippines without going out of Japan, Okinawa is the best place to be.
Pero if ever your friends ask you when is the best time to visit Japan, advice them to forget the summer season. Mainit! Hintay na lang ng konti at autumn season na. Mas mag-eenjoy sila kapag malamig. Marami na tayong init sa Pinas: init ng panahon at init ng pulitika! Dagdagan mo pa ng init ng Japan! Maloloka si Inday!
At kung makakahintay pa, pwedeng winter season para makita nila ang snow. And after winter, nandyan ang spring season para makita nila ang mga sakura! After that, balik summer season na naman tayo! Ano? Init na naman?
HOT-sui! HOT-sui!
No comments:
Post a Comment