Kusuri Sa Kusina: Corn on the Cob
July - August 2014
Mais! Maiz! Corn!トウモロコシ!コーン!Kahit sa anong lenguahe mo siya sabihin, 3M`s lang ang dapat isipin: Masarap, Mura at Masustansiya. Madalas natin kainin ito bilang nilaga o kaya inihaw. Sa mga chiki-ting naman paborito ito bilang corn chips or popcorn. Pero ano nga ba ang mga health benefits na makukuha natin sa mais?
• Inflammation and aging prevention
Ayon sa mga pananaliksik, ang mais ay may good source of phenolic flavonoid antioxidant at ferulic acid na tumutulong sa paglaban sa cancer, aging at inflammation.
• Lung and Oral Cavity Cancer Protection
Ang mais ay may phenolic flavonoid pigment antioxidants katulad ng B-Carotene and Lutein na nagbibigay proteksyon sa ating lungs at oral cavity cancer.
• Aid in Digestion
Mataas sa fiber content ang mais. Ang corn fiber ang nagbibigay tulong sa isang magandang digestion. Nagbibigay din ito ng energy sa ating intestinal cells at pinapababa ang risk na magkaroon ng colon cancer.
• Increase in Metabolism
Meron din mineral at manganese content ang mais. Nagbibigay ng tri-iodothyronine na nagpapabilis sa metabolism rate ng katawan.
• Strengthen Hair Follicle
Ang mais ay nagbibigay din ng potential antioxidants tulad ng Vitamin C and Lycopene at may compound din na pinapabilis ang production ng Collagen na nagbibigay ng magandang kutis at buhok.
• Enhance Mental Function
May mataas na level sa thiamine ang mais at Vitamin B na nag pro-produce ng Acetylcholine na naghahasa ng recall at concentration.
CORNtastic! Akalain mo kakain kalang ng mais at ito lahat makukuha mo na health benefits! At isang paalala lang na ang canned corn ay mababa lang sa nutrisyon kumpara sa fresh corn na niluluto. Lagyan lang ng konting asin at ipahid ng butter ang bagong nilagang mainit na mais ay masasabi kong pinaka-masarap na merienda na. Ano mang klaseng luto natin kakainin ang mais ay tiyak ikakabusog ng ating kalusugan.
No comments:
Post a Comment