Advice ni Tita Lits: Take it or Leave it!
July - August 2014
Dear Tita Lits,
Problema ko po ang aking step son. Anak po siya ng aking asawang Hapon sa unang asawa niya. Hindi po niya matanggap na ako, isang Pilipina, gaijin at mas bata sa kanya, ang kanyang step mother at asawa ng kanyang tatay. Totoo po na matanda na ang aking asawa ngunit mahal ko po siya. Na brainwash po yata ng kanyang tunay na ina at ibang kamag-anak na ako ay isang masamang tao at nililinlang ang kanyang tatay dahil sa kanyang pera. Kapag kami ay nagkikita, hindi po niya ako rinerespeto kahit sa harap ng kanyang tatay. Pinagsisigawan niya po ako kapag wala ang kanyang tatay. Hindi naman po ako ganoon kagaling mag Hapon kaya tahimik lang po ako. Sabi ko noong una, napaka-swerte ko sa asawa ko. Ngayon, parang kamalasan na lamang ang nadarama ko. Ano po kaya ang magandang gawin?
Mila, Okinawa
Dear Mila:
Mabuti iyong hindi mo papatulan ang iyong step son. Kapag palagi ka lang tahimik, magsasawa iyon sa pagkuha ng attention mo. Kasi kapag sumagot ka, never ending na sagutan ang mangyayari. At siyempre, underdog ka, kasi nga hindi ka very fluent mag-Hapon. Kapag sobrang galit mo na, murahin mo na lang sa Tagalog or kung ano man ang iyong local dialect, pero hindi malakas. Iyon bang parang nagsasalita ka lang to yourself mailabas mo lang ang inis mo at makaganti ka sa batang iyan indirectly.
Ikaw ang legal wife, at may karapatan ka talaga sa kahit anong pera or ari-ariang mayroon maiiwan ang iyong asawa. Pabayaan mong manigas sa inis iyong former wife, wala siyang karapatang makihati.
Darating din ang panahon na mag-aasawa iyang step son mo, at hihiwalay na iyan ng tirahan. So, kaunting tiis pa.
Please continue to be a loving wife to your husband. At kapag kayong dalawa lang ng husband mo, at kapag nasa isang environment na maaari kayong mag-usap ng relax kayong dalawa (kapag mag-lunch out or mag-dinner kayo sa labas, kunwari), subukan mong mahinahon na kausapin siya. Sabihin mong sana dumating ang araw na maging happy ang pagsasama ninyong lahat sa pamilya – ikaw, ang iyong asawa at ang iyong step son.
And always pray for strength and guidance from the Lord.
Tita Lits
Dear Tita Lits,
Malaking dilema ang dumating sa pamilya namin. Lumayas ang aking anak na babae na 15 taong gulang. Hindi siya umuwi ng bahay mahigit ng isang taon. Pagbalik niya sa amin, umiiyak siya at humingi ng patawad. Madali naman magpatawad lalu na't anak ko siya. Ang masaklap po ay buntis siya ng 3 buwan. Gustong ipalaglag ng asawa kong Hapon ang dinadala niyang bata. Sang ayon naman ang anak kong babae na 16 taong gulang na. Dahil isa akong Katoliko, hindi ako sang-ayon sa abortion. Sabi ko, kahit ako na lang ang mag-aalaga sa bata. Pero sabi ng asawa ko, hindi raw tama at maganda iyon. At kawawa raw ang aking anak kung itutuloy niya ang pagbubuntis niya. Malaking kahihiyan sa ibang tao. Tulirung-tuliro na po ako. Ano po ang maipapayo ninyo?
Luz, Gifu
Dear Luz:
Hindi ko alam kung ang anak mo ay anak din ng asawa mong Hapon. Sorry, ha. Dapat ko kasing itanong ito, dahil ang magiging payo ko ay magiging ibang-iba kung ang anak mo ay iyong anak from a previous relationship, or anak ninyong dalawa ng iyong asawang Hapon.
Kung anak mo siya from a previous relationship, I would assume that the father is a Filipino. So kung ayaw mong ipa-abort ang bata dahil nga mortal sin ito sa ating mga Katoliko, pwede mong ipauwi muna siya sa atin sa Pilipinas, at ibilin sa kanyang lola or auntie or sino mang kamag-anak mo, na alagaan siya, hanggang makapa-nganak. Walang makakaalam dito sa Japan ng nabuntis ang anak mo. So, ang concern ng iyong husband na malaking kahihiyan ito (sa Japan), ay hindi na relevant. Kapag nakapanganak na siya, inyong desisyonan din kung ano ang gagawin sa bata – ipapa-adopt? aalagaan ng kamag-anak sa Pilipinas?
Kung anak ninyo ng asawa mong Hapon, kailangang mag-usap kayo ng masinsinan – ikaw, ang asawa mo, at ang anak ninyo. Kung kampi silang dalawa na ipa-abort, dehado ka sa laban. Ang pwede mong maging counter-argument sa asawa mo, regarding iyong argument niya na nakakahiya, ay bakit noong more than one year nawala ang bata, ay parang wala namang kahihiyan yatang nangyari sa pamilya ninyo? In other words, pwede ulit “mawala” ang anak mo ng another year or so, and come back after she has given birth. Talk to your daughter again. If it becomes very difficult for her to agree to your plan to have her keep the baby, try and get your priest to spare some time to meet you and your daughter. I do not know if you know Fr. Bob Zarate. He is a young priest, at kung siya ang makaka-meet at makakausap ng daughter mo, baka makinig (as compared sa isang napakatandang pari, na hindi maka-identify ang anak mo). Kung hindi marunong ng English ang anak mo at Hapon lang ang salita, OK na OK pa rin si Fr. Bob dahil magaling mag-Hapon.
Tita Lits
Dear Tita Lits,
Permanent resident na po ako ng Japan. I have been here for 15 years and I work for an IT company in Osaka. I am 36 years old and single. I had a Japanese girlfriend for 5 years but she married another man because of family pressure. But that is not my problem. Early this year, my parents asked me to marry the daughter of their business partner in the Philippines. I think my dad owes her family a lot of money. I haven't seen the girl and have no idea what she looks like. My parents said that it doesn't have to be real and we could just live together as friends in one roof. And once she gets her permanent residency, we could separate. My dad told me many Filipinos are doing this kind of thing in America and it's not really a big deal. Parang tulong na lang daw. Ano po ang opinyon ninyo?
Romnick, Osaka
Dear Romnick:
I would assume that you are on permanent residence visa already in Japan, and whoever you marry, siyempre, you can easily work out for the grant of a permanent visa, as well. Pero hindi ko pa rin ma-gets masyado itong sulat mo.
If your father owes that business partner a lot of money, it would seem that the business partner of your father is probably well off. Bakit kailangang “bilhin” nila ang permanent residency in Japan of their daughter? There are many ways to be able to stay longer in Japan – go on student visa, for example. Talagang mag-enroll sa Japanese school – language school, or normal university (undergraduate/ graduate). Basta’t may pera sila at medyo may utak naman din iyong anak nila, they can have their daughter stay in Japan.
So talagang hindi ko pa rin maintindihan ang logic ng tatay mo, for proposing to you the scheme you outlined in your letter. But assu-ming your father is really serious about helping his business partner’s daughter to stay in Japan, by having you marry the daughter, then lay down some conditions to your father.
You can tell your father you are willing to consider meeting the daughter of her business partner. That you and the daughter will try to get to know each other better, and see if both of you will hit it off. Baka naman magka-igi kayo, e di well and good! Kung hindi, sorry na lang. Tell your father you will help in other ways – like you can contact language schools in Japan where the daughter can be enrolled for one year full time, intensive Japanese lesson, and then after successfully completing the one year course, to then try to enter a Japanese university.
I don’t envy you. Good luck!
Tita Lits
No comments:
Post a Comment