CELEBRATING THE SPIRIT OF FILIPINOS IN JAPAN: an online version of Jeepney Press www.jeepneypress.com
Thursday, March 8, 2012
DAISUKI!
DAISUKI!
by Dennis Sun
Kilig sa Lamig, Ngamba sa Yanig!
Lamig! Lamig! Ano ba to? I have spent more than half my life in Japan and still, I cannot bear these cold spells of winter. Last year, hindi naman ganito kalamig, diba? Sa Tokyo, hindi pa natatapos ang January, dalawang beses ng nag-snow! Now, early February na at kalahati ng Japan ay natatakpan ng snow!
Feeling ko ngayon, nakatira ako sa Hokkaido. (Hi, Tita Susan!) Malamig nga sa Hokkaido pero very warm and comfortable naman sila sa loob ng bahay kasi meron pa nga silang built-in hot springs! Eh tayo sa Tokyo, hindi made to endure the cold winter ang mga bahay natin dito. Walang centralized heating. Meron ka ngang heater, ang mainit lang ay yung parteng kaharap ng heater. Yung likod mo, freezing! If you turn on the aircon naman, sige ka sa skyrocketing electric bill mo next month! Si Jeff, satisfied siya sa kanyang electric carpet. For awhile, OK siya. But after an hour, para kang pinipirito na. Si Laura, gamit niya ang electric blanket pag matulog. Feeling lumpia lang daw siya but it works. However, mag-ingat sa overheating. And using electric carpet and blanket could cause potential harm in the long run to our body organs because of its electromagnetic fields.
I was observing my friend, John. Ang lakas ng hangin at naka bisikleta pa siya with all-smiles this winter season! Hindi yata siya tinatablan ng lamig. Tinanong ko siya kung anong sikretong tinatago. Nasa loob daw ang sikreto. He is wearing heat-tech clothing underwear. Hindi na niya kailangan pang magsuot ng layers and layers of clothing. Baka makuba ka pa sa bigat ng suot.
Si Katy, meron din siyang tinatagong mahiwagang anting-anting laban sa lamig. Sa loob ng kanyang sapatos, linalagyan niya ng KAIRO na nabibili sa mga conbini at kusuri yasan. Meron din nakasaksak na kairo sa kaliwa’t kanan ng kanyang bulsa sa coat. Basta’t mainitan lang ang kanyang paa’t kamay, solve na siya!
Si Lola Jena, ang albularyo kong kaibigan, advice lang niya ay uminom ng salabat. Malakas daw ang heating power ng ginger sa loob ng katawan. Makakaiwas din magkaroon ng sakit sa pag inom ng salabat. Hay naku! Lola Jena, naglalaway akong kumain ulit ng linuto mong goto with lots of luya and bawang!!! Mmmm!
Kauumpisa pa lang ng taong 2012, malakas at medyo matagal na lindol agad ang salubong sa bagong taon. Sa loob lang ng buwan ng Enero, ilang beses na rin tayong nalindol. Sabi nga sa news sa TV, may scientific forecast na magkakaroon ng magnitude 7 or above earthquake within 4 years. Nakita natin ang nangyari last year sa Tohoku earthquake. Kailangan tayong maging handa lagi.
Hindi ko pa nga natatapos isulat itong article at biglang meron nag-flash message sa facebook. Magnitude 6.9 sa Negros and Cebu areas in the Philippines. As of this writing, more than 90 people na ang pumanaw sa yanig. In Japan, buildings are earthquake-proof. Kaya last year during the 3-11 after tremors, nasa loob lang ako ng condo above the 10th floor. Sway lang ng sway ang building namin na parang nasa loob ako ng barko. I didn’t even think of going out. Mas safe pa raw sa loob kaysa sa labas. I just trust in the construction of the buildings here. Pero if I were in the Philippines, mas bubutihin ko pang lumabas at baka malibing pa ako bigla sa pagbagsak ng building. Sa Pinas, anytime of the year, laging mainit naman. Eh dito sa Japan, kawawa ka kung sa winter pa dumating ang malakas na lindol. Kung walang electricity, paano papainit ang loob ng bahay? Hindi na kasi uso ang kerosene oil heater ngayon sa mga condo at apartment. Diba sa Great Kobe earthquake, it happened early morning early January? Malamig din doon! Dami rin after shocks daw. My friends in Osaka were sleeping wearing their helmets and shoes on! Yan ang mga girl scout friends ko. Always ready!
Ano ba itong buhay dito? Super lamig na, may yanig pa! Pero nandito pa rin tayo!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment