CELEBRATING THE SPIRIT OF FILIPINOS IN JAPAN: an online version of Jeepney Press www.jeepneypress.com
Thursday, March 8, 2012
KWENTO NI NANAY
KWENTO NI NANAY
by Anita Sasaki
Winner Ka Ba?
Failures don't plan to fail, they just fail to plan.
Meron ba kayong kilala na pagkagising pa lamang sa umaga ay nagsasabi nang “Gusto ko mabigo sa buhay” o “Gusto ko nang miserableng buhay” o “Gusto ko hiwalay o divorce” o “Ayaw ko sa pamilya ko” o “Gusto ko nang broke walang pera forever at mabuhay nang mahirap.” Wala pa akong nakilala na nangarap na maging sawi sa buhay. Di po ba ang gusto natin ay panalo tayo sa buhay? Kaya kailangan natin planuhin upang manalo tayo sa buhay. The truth is winners are planners. In Tagalog: Ang mga wagi ay ang mga nagpaplano!
May isang relihiyosang tao na nagsasabi, "Hindi ako nag paplano. Nagtitiwala lang ako sa Diyos.” Tinatangap niya na ang lahat nang nangyayari sa kanya ay kagustuhan nang Diyos. Pero sa palagay ko ay gusto nang ating Diyos na tayo ay magplano. Dahil tayo ay nilikha nang Diyos na magkaroon ng "phenomenal brain" o may utak na may kakayanan na mag isip o mag imagine.
Ayon sa Biblia: "Good planning and hard work lead to prosperity but hasty shortcuts lead to poverty." (Proverb 21:5).
Kung gusto natin ang maunlad na buhay, kailangan mag-plano.
May dalawang pagkakaiba ang matagumpay at di-matagumpay na tao. Ito ay ang kanilang "TIME FRAME OF THEIR THINKING".
--- UNSUCCESSFUL PEOPLE o DI MATAGUMPAY NA TAO ---- always think short term o ang kani-lang isip ay para sa ngayon, para sa Linggo na ito o para sa buwang ito lamang. Madalas natin marinig sa karamihang mahirap na tao: "Makakain lang ako nang tatlong beses sa isang araw, okay na." Pero ang mga SUCCESSFUL PEOPLE o
MATAGUMPAY NA TAO, ang isip o plano nila ay para sa limang taon, (5 years) sampong taon (10 years), dalawampung taon (20 years).
Spiritual people are the most successful because we think really long term. We think of Heaven!
YOUR LIFE WILL EITHER COME FROM YOUR MEMORY OR YOUR IMAGINATION
Sinasabi nila and ating kaisipan ay parang computer. Ang ating buhay naman ay parang printout. Kaya importante talaga ang magplano. May dalawang klaseng kaisipan: ang ating memory at ang ating imagination. Kung hindi tayo magplano, mababase lang natin and ating buhay sa ating memorya. At hindi maganda ito dahil and ating hinaharap ay magiging nakaraan natin. Kaya ang unsuccessful person mananatiling unsu-ccessful person. Pero kung magplano tayo, mababase natin and buhay natin sa imagination. That’s why Albert Einstein said, “Imagination is more important than knowledge.”
Manufacture the plan from your imagination. Planning is creating a non-existent, future reality in your mind.
TWO INGREDIENTS OF PLANNING
1. Be positive.
2. Be proficient.
BE POSITIVE- Kung hindi ka man isang positibong tao, hindi mo maiisip na mag-plano. Positive ka ba na makakamit mo and mga pangarap mo? Positive ka ba na mako-control mo ang emotions mo? O positive ka bang matitigil mo ang pagsisigarilyo? Marami sa atin ay hindi positive dahil may problema tayo at nasasakop tayo ng pag-iisip na hindi maganda o negative thinking.
BE PROFICIENT- Ang pagtayo ng negosyo ay kailangan ng sinasabi nila na Proficient Thinking. Kailangan lumago and ating isipan with proficient thinking. May skills ka ba na makakamit mo mga pangarap mo? Marunong ka bang magsulat? Magbenta? Magsalita? Magnegosyo? Imagine mo kung magbabasa ka sa isang araw? Ibig sabihin makakabasa ka ng isang libro sa isang linggo. 52 libro sa isang taon. Imagine mo kung papaano ka magiging proficient.
LEADERS ARE LEARNERS. CREATE YOUR FUTURE.
Meron tayong sari sariling pangarap sa buhay. Kailangan nating magsulat ng ating plano. Lumikha ng future reality sa ating imahinasyon. At magkonsulta sa mga eksperto o mga dalubhasa. Imagine natin ang success ngayon na!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
very informative! 1 of my fave na.. gling ng pinoy. share ko lang din po to..
ReplyDeletehttp://maizapak.wordpress.com/2012/02/28/sa-pag-sapit-ng-dilim-may-umaga-pa-bang-aasamin/