CELEBRATING THE SPIRIT OF FILIPINOS IN JAPAN: an online version of Jeepney Press www.jeepneypress.com
Thursday, March 8, 2012
PEDESTRIAN LANE
PEDESTRIAN LANE
by Mylene Miyata
Teka! Teka!
Sa Japan, tayong mga Pilipino ay talaga nga namang nakakabilib. Sa maraming aspeto! Halimbawa, paano natin na-master/mina-master ang wikang hapon... Kahit naman kase ang mga Amerikano, hindi pwedeng pumalag na mag-Ingles kung nandito sila, diba? Naaalala mo pa ba kung paano nagsirko ang dila mo para lang makipag-usap gamit ang wikang Nihonggo? Kung paano ka natutong humawak ng chopsticks? Hindi kase uubra ang kamayan. Spoon and fork, di masyado. Ang sumakay ng densha para makarating sa mga lugar na gusto mong puntahan? Umorder sa restaurant lalo na kung walang picture ang menu? Isa pa, mangumpuni ng device na Japanese lang ang instruction halimbawa? Magpaliwanag ng tunay na saloobin sa kausap gamit ang wika dito...?
Few things to overcome as a newcomer dito. Siguradong marami pang karagdagan sa listahan. Dagdag nyo lang po. Mga ilang taon na ba ang lumipas mula noong una kang tumuntong dito?... Ano ba uso noon? Kumusta ba ang buhay sa Japan noon?
Bilang dayuhan, "Job well done!" po para sa ating lahat. Sa patuloy na pakikisalamuha sa buhay hapones, sulong mga kapatid! Karamihan sa atin, halos sanay na sanay na sa uri ng lifestyle meron ang bansang Hapon. Pero, hindi natatapos dito ang lahat. Hindi ibig sabihin na mahusay ka nang makipagtalastasan gamit ang wikang Nihonggo ay mauunawaan mo na lahat ng sinasabi nila. Lalo pa't hindi sila gaanong expressive gaya nating mga Pinoy, di ba? Minsan, matalinghaga at talaga nga namang kailangan mo ng puspusang pang-unawa. Bagay na nagsasabing... hindi sa lahat ng oras ay maging masyadong kumportable. Napakara-ming kaalaman ang naghihintay sa atin kada araw. Huwag din naman masyadong pwersahin ang super powers. Give way to "refresh" kada sandaling kailanganin. Malaking bagay ito.
Nowadays, marami-raming imbensyon na rin ang sobrang nakakatulong sa atin kumpara noon... Very convenient! "Benri!" sobra. Isang click mo lang dyan sa friendship mong smartphone, ayos na! Walang tayuan sa kinauupuan mo? Okay din! Lahat ng gusto nating malaman, basta may 3G, 4G, o Wifi/Wimax plus super gadget mo, go! Halos spoon-feeding na ang agos ng kasagutan sa mga katanungan natin, di ba? Wow! What a lovely thing nga naman! Salamat talaga sa mga imbentor na ito. Saludo kami sa inyo. Imagine? For instance, nakakausap na natin ng halos libre ang mga kamag-anak natin sa iba't ibang panig man ng mundo. Viber? Skype? Kakao? WhatsApp? Tango? Although, minabuti ko na ring limitahan ang social network activity ko lately. Facebook, i'll see you again some day. Sa ngayon, bakasyon muna ako sayo. Twitter is just right perhaps. Just the same, thank you, Mr. Mark Zuckerberg. People all over the world are really fascinated with your creation. You deserve to be worth that millions and billions! Sharing, socializing with the world is really healthy. Except for "some," minsan it boils down somewhere unpleasant, unconsciously. May mga ilan na nalilihis gawa ng pagkakamali sa paggamit o misuse of the social networking concept at some part. Again, hindi lahat kundi may ilan sa gumagamit nito. Sad to say but some people tend to brag. Some are becoming self-centered in some ways. Moreover, some seem to mislead their once peaceful life instead. But then again, thank you! Precisely, to the genius Mr. Steve Jobs! You will forever be remembered and thanked for. Thank you for making life a little fun, easier and interesting for us. We enjoy bringing thousands of songs and photographs along with us each day in our pockets. Grateful to learn vast of stuffs through certain educational applications in an instant.
Ooops! There is a "sweet reminder" po for each one of us. Lahat po ng meron tayo sa ngayon, lahat ng tinatamasa natin, ine-enjoy ng buong galak sa araw-araw ay pawang hiram at panandalian lamang. Huwag pa din po sana tayong makakalimot sa mga bagay na higit sa kung ano pa man ay magbibigay ng tunay na kahulugan at kaligayahan sa ating pagiging "traveler" dito sa mundo.
Tumbang-preso, habulan, piko, taguan, o luksong-tinik? Uso pa ba 'to?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment