Thursday, March 8, 2012

KAPATIRAN



KAPATIRAN
by Loleng Ramos

PASLIT ANG PAG-ASA

Hi, Kapatid! Kumusta? Ang lamig-lamig ngayon dito sa Japan, no? Naalala ko tuloy noong bata pa ako sa Pilipinas. Pangarap ko lang palagi makapunta ng Baguio kung saan malamig kahit sa airconditioned room lang kaya pala palagi nasa mall ang mga tao sa atin. Ngayon naman, kung pwede lang magtago sa loob ng bahay para lang maka-iwas sa brrrrrrrr. Sabi nga ni lola noong pumasyal dito, “Ano ba to pati tumbong ko nanginginig.” Ha ha.

Parang ang sarap tuloy umuwi ng Pilipinas. Masarap magpa-init sa sikat ng araw iyong tipo bang aasim ang amoy mo dahil sa pawis at sa kapal ng libag mula sa alikabok. Medyo hindi na maganda ang imahinasyon kapag simoy na ng hangin sa Maynila ang pag-uusapan. Kung dito, virus ang ayaw ng sinuman ng masinghot sa atin tambutso ng mga sasakyan na polluted air.

Kapag pala matagal ka na sa ibang bansa hindi pwedeng hindi ka mauuwi sa paghihintulad. Napakalaki ng agwat ng bansang Hapon sa ating bansa: teknolohiya, agham sa kasaganahan. Naapektuhan ka ba nito? Nalulungkot ka ba para sa ating bayan? Naitatanong mo ba sa sarili mo? Bakit kaya?

Meron ka bang naiisip na dahilan? Pera at pwersa ang ugat ng kahirapan sa Pilipinas. Alam natin kung sino sila. May magagawa ba tayo? Tayo na hindi man lang nakatira sa ating sariling bayan? Syempre naman kapatid kahit maliit meron pa din. Siguro nga hindi lang kapalaran ang nagdala sa atin dito sa Japan pero may mas malalim pa na dahilan. Kung marami sa kanilang big time (politician, government people, business tycoons) walang moral responsibi-lity (walang kunsyensya, walang takot sa Diyos, walang pakialam sa bayan, pinapaghirap ang kani-lang mga kababayan) tayong mga small time o ordinaryong mamayan ay meron!

Kahit na nga malayo tayo sa ating bansa, isasalba natin ang ating Pilipinas, sa kung anumang kahit na maliit na bagay na magagawa natin. Meron bang bata sa paligid mo? Anak, pamangkin, kamag-anak, kapit-bahay kahit sinong bata. Sila ang pag-asa ng Bayan. Kung wala ng solusyon ang mga taong nasa pwesto ngayon, bukas merong pag-asa, sa mga bata ngayon! Pero hindi mangyayari ito kung hindi natin sila palalakihin na hindi lang may moral responsibility at maging patriotic din (may tunay na pagmamahal sa bayan). Gabayan natin sila sa tama at mali pero ikaw din kapatid dapat alam mo kung alin ang tama di ba? Turuan natin silang magmahal sa bayan (kung banyaga ang isa sa kanyang magulang ng parehong bansa ng kanyang mga magulang). O di ba, may magagawa ba tayo? Meron tayong responsibilidad sa mga batang ito at gawin natin. Ang mga bata ginagaya nila ang mga matatanda. Tayong nasa tabi nila unang una ang titingalain nila kaya dapat mismong tayo ayos ang buhay, tama ang asal sa pamumuhay, nagbigay-galang sa Diyos at sa kapwa. Magagawa ba natin ito? Magagawa mo kasi gusto nating lahat na mabago na ang kapalaran ng ating bansa na hindi lang ang konting taong nasa taas ang nagtatamasa ng yaman ng Pilipinas kundi ng buong sambayanan na minamahal ng bawat Pilipino ang Pilipinas, ginagamit ang sariling wika, may pagkalinga sa isa’t isa at lahat ay nagtutulong tulong para sa kaunlaran kung hindi man ngayon ay sa lalong madaling panahon.

No comments:

Post a Comment