CELEBRATING THE SPIRIT OF FILIPINOS IN JAPAN: an online version of Jeepney Press www.jeepneypress.com
Thursday, March 8, 2012
Shoganai: Gaijin Life
Shoganai: Gaijin Life
By Abie Principe
Halos isang taon na ang nakalipas mula noong Marso 11, 2011. Ito ay isang araw na hindi makakalimutan ng kahit sinong nakatira sa Japan o kahit mga taong taga ibang bansa.
Wala ako sa Japan noong nangyari ang lindol at tsunami pero noong nakita ko sa TV ang nangyari, hindi ako makapaniwala. Dali dali akong tumawag sa asawa ko at bagama’t natuwa ako na hindi gaano apektado ang Nagoya, nalungkot pa rin ako sa nangyari sa Tohoku. Dahil rin sa medyo matagal na akong nakatira sa Japan, marami rin akong mga kakilala at kaibigang nakatira sa mga apektadong lugar at hindi ko maalis na nag-aalala ako para sa kanila. Matapos ang ilang araw, unti-unti na akong nakakatanggap ng balita na maayos naman ang mga kakilala at kaibigan ko.
Nguni’t talagang mara-ming napinsala at hanggang ngayon, isang taon na, marami pa rin ang apektado ng kalamidad na iyon. Bilang pag-gunita sa Marso 11, at bilang pagpapa-alala na dapat tayong laging maging handa, nais kong ibahagi ang mga impormasyon ukol sa mga dapat gawin kung sakaling magkaroon ng malaking lindol.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment