CELEBRATING THE SPIRIT OF FILIPINOS IN JAPAN: an online version of Jeepney Press www.jeepneypress.com
Thursday, March 8, 2012
PAGMUMUNI-MUNI SA DYIPNI
PAGMUMUNI-MUNI SA DYIPNI
ni Fr. Bob Zarate
CONFESSIONS of a Priest...Mga Angal ng Isang Pari Part 3
Tuloy pa rin ang angal ng isang pari! Akala kasi ng ordinaryong tao ang pari ay dapat mapagpasensya, maintindihin, at laging nakatawa. Hmmm... as far as I know, ang taong ganoon ay may sira ang ulo. Tao rin ang pari. Naiirita din siya. Kapag may mga bagay na hindi talaga tugma sa patakaran ng Diyos na siyang nakikita sa bibliya, sa nature at sa katalinuhan, pag-iisip at asal ng tao, aba’y dapat lang umangal ang isang pari.
Kaya tuloy ang angal... para sa Mga Feeling Intellectual!
Ano ba ang patakaran sa mundo ngayon? Kung magaling ka sa debate o sagutan, panalo ka na? Kahit mali ang iyong pinaglalaban pero magaling ka lang sa pananalita at palusot-lusot, ok na ba iyon? Ang dating kasi sa mga nagpapatama at umaaway sa mga pari at obispo ng simbahan ngayon ay kaya nilang talunin ang mga pinaglalaban ng mga taong simbahan na ito. Na-realize yata nila hindi naman pala sila kikidlatan ng Diyos kahit insultuhin ang pari. Na-realize yata nila na kahit anong insulto ang isagot nila sa pari, hindi naman pala sila masasampal o mababalatan ng buhay at buhusan ng asin.
Kapag nagsalita ang Simbahan laban sa isang patakaran ng gobyerno, ang banat kaagad ng mga feeling intellectual ay “separation of Church and State” daw. Kung baga, ang Simbahan, dapat magsasalita lamang kung espiritwal ang usapan. Pero hindi ganoon si Hesus. Nagsalita Siya laban sa mga palakad ng mga Pariseo. Nagsalita Siya laban sa mga nandadaya sa templo. Nagsalita Siya laban din kay Haring Herodes. Bakit? Kasi nakikita Niya na hindi ito tama at hindi ito angkop sa Diyos -- ang Diyos na nagpahiwatig ng Kanyang kalooban sa mga nakikita natin sa kalikasan (nature) at sa pagkatao natin. Kapag hindi nagsalita ang Simbahan sa mga issues na:
- laban sa buhay (for example, against abortion),
- laban sa katawan (for example, against prostitution),
- laban sa karangalan ng tao (for example, against labor problems),
- laban sa tunay na pag-ibig (for example, against divorce or adultery),
- laban sa tunay na value ng sex (for example, against casual sex, condoms at pills),
- laban sa natural na pamilya (for example, against same-sex marriage)...
yes, kung hindi nagsalita ang Simbahan sa mga bagay na ito, kitang-kita na may nag-iiba sa tao. Nagiging madamot siya. Sarili lang ang iniisip niya. Nawawala siya sa karaniwang daloy ng kalikasan, sa kanyang pagkatao at sa tunay na pakikisama sa iba.
Kaya nagsasalita ang Simbahan. Hindi naman Niya gustong palitan ang mga lider ng bayan. At hindi rin tama na ihambing sila sa mga prayle noong panahon ng Kastila. Hindi rin tama na ibanat sa kanila ang mga problema ng mga nang-abusong pari. Hindi rin tama na sabihing sagabal sila sa ekonomiya ng bansa. Kung baga gumagamit ang ibang topic para sagutin ang totoong issue na pinaglalabanan ng Simbahan. Wala sa topic! Maganda lang pakinggan, kahit hindi tama, hindi sapul at bastos.
Ginagawa lang ng mga pari at obispo ang trabaho nila: ituloy ang turo ni Kristo at ilapit ang tao sa Diyos. Pinapakita lang nilang may mas mahalaga pa sa pagiging mayaman, may halaga ang pag-ibig na hindi nilalaro at tinatakwil, may halaga ang buhay kahit na ito ay kinukutya ng present society. Kaya kung ayaw mong makinig, eh di huwag! Kung sa bagay, yung mga gustong lumaban sa Simbahan naman ay gusto lang makuha ang sariling nilang interes at hindi ang kahalagahan ng nakararami.
Tama na yung mga banat na “21st Century na tayo!” o kaya, “Huling-huli na tayo!” at pati na rin yung, “Hirap pa rin ang Pinas! Ang daming iskwater!” Meron ngang iba na nagsasabing, “Salita ng salita ang mga obispo eh hindi naman nila kayang kontrolin ang mga playboy at baklang pari nila!”... na para bang sinasabi na rin nila sa isang teacher na huwag na siyang magturo ng Math kasi hindi naman magaling sa Math ang sarili niyang anak!
Ang laban lang naman ng Simbahan dito ay i-defend ang mga bagay na mahalagang-mahalaga, mga basic values in life, na kahit noong 1st Century o kahit sa 50th Century pa ay mahalaga pa rin katulad ng nature, buhay, kabataan, kalusugan, katawan, kababaihan, mga matatanda, mga nilalamangan, at pati na rin ang katapatan sa iyong “only love.”
Kung sa bagay, you don’t need to be intellectual para maintindihang mahahalaga nga ito!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment