CELEBRATING THE SPIRIT OF FILIPINOS IN JAPAN: an online version of Jeepney Press www.jeepneypress.com
Thursday, March 8, 2012
SIDE TRIPS
SIDE TRIPS
by Jackie Murphy
Siya Na Ba?
Di lang mga kababaihan ang palaging nagkakamaling piliin at pakasalan ang maling lalaki para sa kanila. They can also make the 'biggest mistake of their lives' by marrying the wrong guy. At kahit ano pang romantic fairy tale ang pinaniniwalaan natin:
THERE IS NO MAGIC ANSWER TO FINDING THE PERFECT MATE. THERE IS NO CHECKLIST THAT EXISTS THAT WILL HELP YOU FIND THE RIGHT ONE.
Everyone has a different idea about what they want in a partner. Dahil kahit gaano pa karami ang money, time and effort na iginugol mong investments (sa madali't sabi 'lugi') sa inyong relasyon kung sa palagay mo ay kinakai-langan mong takbuhan ang paglalakad patungo sa altar dahil alam mong you are marrying Mr. Wrong then don't hesitate to do it. It's just as applicable men as it is to women na pag-usapan ang mga 'common mistakes' that we need to watch out for. Marami ng nagsabi sa akin who made the same mistake at ang masaklap sa mga kuwento nila: They knew they were marrying the wrong man or woman but walked down the aisle anyway inspite of their gut feelings....whew!
Like the ladies, men do also weigh the warning signs o yung tinatawag nating 'red flags'. Ang mga red flags na ito ay nagsisilbing clue sa ugali ng ating mga partners. Red flags are different for everyone dahil magkakaibang tao at iba-ibang situwasyon ang kinatatayuan natin. Ang mga 'red flags' na ito ay mga patotoo at mga nakakabahalang ugali o pakikitungo o aksiyon ng ating partner sa atin. What’s worst dito alam na nga natin na may mga dreaded 'red flags' still they are often and most of the time: ignored.
Don't believe that you can change or save another person. If you are dating a person who lies, cheats, addicted to drugs or alcohol, spends too much money, disrespectful to others (including you)… that's a big guarantee that you will end up being miserable.
Ang mas madalas na dahilan ng mga kababaihan for staying around a relationship are: ‘Pagod na akong mag-isa sa buhay' o di kaya'y ’wala ng darating pang much better person sa buhay ko’. At sa mga kalalakihan naman: responsibilidad, obligasyon at ayaw saktan ang feelings ng kanilang kabiyak. Of course, may mga risks in falling in love but there are also great rewards when passion falls into place within the right embrace. Kaya mainam na maglaan ng sapat na oras bago magbigay ng final decision tungkol sa bagay na ito.
Dahil walang set-in-stone policy for finding the right love, narito ang 10 sinyales na puwedeng pagbatayan na talagang: 'siya na nga.'
1. Pag-aralan at pakiramdaman mo ang sigaw at dikta ng gut feelings mo. Your intuition tells you. You'll just know it.
Gut feeling, ano yun? Ito yung munting tinig ng kalooban mo na maaaring mapapaisip ka o mapapangiti ka o puwedeng makabagabag sa iyo kasi parang may problema o may 'bagay' na kulang. Yung tipong nababahala ka sa isang bagay na di mo mawari kung ano o saan nanggagaling. Basta...something is bothering you...something is wrong. To others, ang tawag nila diyan ay intuition - being able to trust yourself enough to do what is right. Pakiramdaman mo ang ugaling ipinapakita niya sa 'yo at tanungin mo ang sarili mo if you really want to be committed to this person who causes you a lot of uneasiness and discomfort.
2. May respeto kayo sa isa't isa.
Kung minumuni-muni mo pa kung 'siya na nga', ang respeto ay isa dapat sa mga pinaka-importanteng aspeto ng pagmamahalan niyo. It should work both ways: he respects you and you respect him.
Paano mo malalaman kung may respeto siya sa 'yo? Yan ay kung:
• willing siyang makipag-kompromiso
• nakikinig siya sa mga concerns at feelings mo
• napapansin niyang may problema ka at tanungin ka niya sa bagay na yun
• pinapahalagahan niya ang opinyon mo
• naa-appreciate ka niya
• totoong masaya siya sa iyong tagumpay
3. You share the same values.
Ano ba ang mga values sa buhay na mahalaga sa iyo? Importanteng malaman mo ito para malaman mo kung siya nga ay para sa 'yo. Kung di kayo magkasundo sa mga values in life pwedeng bumagsak ito bilang nakakayanig na 'red flag'. Mainam na napag-uusapan niyo ang tungkol sa bagay na ito. Huwag kang manghula: tanungin mo siya! Kung di niya matukoy kung alin ang mga values na mahalaga sa kanya o dili kaya'y wala man lang siyang masabi tungkol dito, aba eh, dagdag nakakasilaw na 'red flag' ito. Ang totoong ma-prinsipyong tao ay yung marunong manimbang at may matatag na pangangatuwiran.
4. Nasa kanya ang qualities na hinahanap mo sa isang partner.
Makakatulong kung alam mo rin sa sarili mo kung ano talaga ang hanap mo sa iyong sinisinta, di ba? Huwag mo namang lahatin! Yung mga most important na lang. Timbangin mo kung alin sa mga yan ang pinakamahalaga sa iyo then down to the less important ones. At yung top five na yan: dapat non-negotiable ha (baka kasi lalong wala nang matira...winks)! If you are looking for Mr. Perfect then stop looking: because 'perfection' simply doesn't exist! Just don't settle for 'good enough' dapat siya pa rin ang the 'right one' period! Kung kulang siya ng isa sa top five answers mo may good chance na hindi siya ang the 'right one' in the first place! Baka lalo ka lang madapa kung papalitan mo ang mga standards mo just to fit someone else.
5. Natural ang ikinikilos mo kung kasama mo siya. In other words: komportable ka sa kanya.
Kung kaya niyang tanggapin at mahalin ang mga good traits mo siyempre dapat pati mga not-so-good traits mo rin like... weaknesses, clumsiness, etc. at...take note: package deal yan.
6. Nakikinig siya sa iyo.
Maaring siya ang 'right one ' for you kung likas na bukas ang kanyang puso't isipan para makinig sa mga hinanaing mo, mga kuwento mo, mga ka-kenkoy-an mo. Yun bang mapi-feel mong totoo ang kanyang care at concern sa iyo. Kaya niya bang nasa tabi ka niya ng matagal? Dahil kung naaalibadbaran na siya sa mga sinasabi mo and gets bored of you for sometime na, naku eh...huwag ka nang umasa ng guidance o comforting words from him.
7. He pampers you...Kailangan ma-feel mo na espesyal ka sa pag-aalaga niya sa iyo.
Yung feeling 'reyna' ka sa buhay niya. Yung tipong mamasahiin o hihilutin ka niya kung masakit ang ulo mo to make you feel better esp. pag stressed ka. Huwag ka lang mawili at huwag mo namang araw-arawin baka naman mabuwisit sa iyo.
8. You become a part of his world.
Gusto niyang kasama ka sa loob ng kanyang mundong ginagalawan. Makikita mo ang tunay niyang ugali at pagkatao hindi lang sa panahon na kasama mo siya kundi sa panahong makikilala mo ang mga taong nasa paligid niya: magulang, katrabaho, kaibigan at mga anak (kung meron man). Hahanap siya ng paraan para mabuksan at makilala mo ang kanyang mundong kinagagalawan.
9. Kaya niyang magsakripisyo para sa iyo.
Ang pagmamagandang-loob o pagkukusang-loob na gawin ang isang bagay, more often than not, ay hindi maituturing na sakripisyo. Maaaring siya ang 'right one' for you kung kaya niyang ibigay sa iyo ang bagay na pag-aari niya na mahalaga sa kanya bago mo pa ito kailanganin. Isa itong mahalagang bagay na dapat na maramdaman mo kung ikaw ay totoong mahalaga sa kanya.
10. He makes you laugh. Kaya ka niyang patawanin.
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya tayo. May malungkot, may nakakainis at may nakakagigil na moments. At times like these, kailangang may masandalan kang puwedeng makapagbigay sa iyo ng good mood. At kung di ka niya kayang patawanin, patawarin mo na lang siya at oras na para humanap ng iba.
So, pag na-feel mo na he's doing everything to make you feel special, huwag nang marami pang esep-esep diyan, 'siya na nga' yan...'
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment