Thursday, March 8, 2012

DOUBLE VISION



DOUBLE VISION
by Warren and Wayne Sun

THE 20-PESO BUSINESS

These days sa pagtaas ng bilihin kada taon ngayon, feeling ng mga Pinoy medyo wala ng value ang 20 pesos. Dito sila nagkakamali. Take a pause and think of any food or items that is worth 20 pesos. O, ano ba talaga ang magagawa natin sa 20 pesos? How far would 20 pesos go? You would not believe kung gaano kalayo ang mararating nito not unless if you’re street smart. Read on:

P20 Movie!
A lot of SM malls like SM Manila, San Lazaro, Sta. Mesa, Fairview, Valenzuela and even Ever Gotesco are offering discounted movie screenings at P20! But wait…hindi nga lang the latest movies being shown for the week. Usually mga movies from the past years. Pero kung iisipin mo, for people on a budget at mahilig manood ng sine, makakatipid kayo ng marami talaga. Standard movie ticket would cost you P110 and 3D movie for P250. You can watch 5 20-peso movies at may sukli kapang P10!

Warren comments:
Who could ever think that you can watch in the cinema with just P20 pesos? Yun nga lang selected malls nga lang.
Wayne comments:
I think sulit ito if you’re within the area and you’re a movie enthusiast at the same time.

P20 FITNESS GYM!
Sa mga gym buffs, they would even spend thousands of pesos just to get into some high-end fitness gym. But wait…meron mga fitness gyms na nag-o-offer lang ng P20 entrance fee. Ang tawag nila dito mga bakal gyms. Mga gym na non-aircon, walang membership fee, in short, walang kaartehan! Maraming mga bakal gyms na nagke-cater sa mga gym people on a budget.

Warren comments:
Smart! On the budget talaga ito. Yun nga lang no expectations sa mga equipment nila na luma na at walang kagandahan.
Wayne comments:
As they say “You get the value of what you paid for.”

BENTELOG!
Tapa+ egg+ rice and a glass of water= BENTELOG all for P20! Bentelog foodcart na nakikita natin sa mga tabi ng mga schools all across Manila and outside Manila, too. Hindi lang tapsilog ang available but meron din silang maraming combo to choose from: hotsilog, cornsilog, meatsilog, burgsilog, chosilog, hamsilog and siomaisilog. For people on-the-go at nagtitipid sa daily meal nila para sa kanila ito! Patok na patok din sa mga estudyante ito. Marami parin mga tao lalo na mga estudyante na hindi parin makapag get over dahil P20 lang. Masarap na mura pa.

Warren comments: Hhmmm…busog nga ang tummy pero sabi ng iba baka yung bentesilog ay magiging sakitsilog naman sa tyan Hehe.
Wayne comments: It’s better kung maging sigurado tayo sa kinakain natin at alamin at maging aware kung meron man silang sanitary permit to be sure malinis naman. That’s something we need to know.

ANO TALAGA ANG MABIBILI MO SA P20???
Nag tanung-tanong ako from different people kung ano talaga mabibili nila o kung P20 lang pera nila sa bulsa ano ang ibibili nila? Here you go:
• Cornetto coffee caramel drumstick! Mapapatugstugstugs ka sa sarap!
• Cobra energy drink!
• 40 pcs of fishball. LOL
• Phone load
• 4 Zesto na big apple
• A bottle of mineral water- I can’t go without one.
• C2 apple or lemon small or medium sa tindahan
• Benteng Maxx candies
• 4 na crinkles sa Julie’s
• Load!! Pang Unli!!
• Cornetto. Anu pa ba?
• Shades mula sa Vente
• Pag gutom ako…1 rice worth P5-7 and the rest would be spent for P1 calamares/pc that’s sold near the school. Solve !

Warren comments:
If you were to ask me, nasa mood lang yan. If you’re hungry, would love to try the Bentelog. If not, ok na ako sa 40 pcs of fishball…yung malinis na fishball.
Wayne comments: Depende yan kung nasaan ka at ano ginagawa mo at the moment. If it’s really a hot weather and nag-jo- jogging ka, of course you would go for a bottled mineral water. Kung busog ka na and you’re just looking for some sweets, would go for Cornetto Java ice cream.

No comments:

Post a Comment