Thursday, November 15, 2012

Anita Sasaki

KWENTO Ni NANAY
by Anita Sasaki

Meron sa mga kababa-yan natin na talagang likas na matiisin. Talaga ang mga Pinoy ay may kasabihang sinusunod na utos ng Diyos ... "Na ang pinagbuklod ng Diyos sa kasal ay hindi puwedeng  paghiwalayin ng tao."

May kaso akong tinulungan  noong taong 1999 . Wala pang isang taon ang kanyang anak , nguni't dahil sa labis na pananakit sa kanya na pisikal, di na siya makatiis at gusto na niyang lumayo sa asawang Hapon.  Dahil sa pakiusap ng kababayan natin ay tinulungan kong makapunta sa isang NGO sa may Chiba dahil doon mayroon silang center para sa  mga Pilipinang sinasaktan ng asawa. Ngunit sa aking gulat kinabukasan ay nakita ko ang Pilipina na nakabalik sa aming lugar. Kaya sabi ko walang may kagustuhan na ang mag-asawa ay maghiwalay. Kaya palagi ko sinasabi sa ating mga kababayan na tayong mga Pilipino, dahil sa tayo ay mga Kristiyano ay di dapat maghangad ng hiwalayan. Dahil ang sabi kapag tayo ay kinakasal .... "For better or for worst, in sickness or in health, for richer or for poorer, till death do as part." Ito ang mga salitang ating pinangako sa ating asawa. Kaya tayo ay dapat maging matatag sa ating pangako.

Kaya itong kababayan nating ito ay humanga ako sa kanyang pagtitiis. Nguni't pagkalipas ng labing tatlong taon, ang kababayan nating ito ay muling lumapit sa akin at gusto niyang iwanan ang naturing asawa. Ngayon binatilyo na ang kanyang mga anak dahil nabiyayaan pa sila nang isa pang anak. Pero yon pa rin ang kanyang reklamo sa asawa. At ngayon nakikita nang kanilang mga anak. Nakalakihan na ng mga anak nila. Pero ngayon hinamon na naman niya ng hiwalay. Katwiran niya noon maliit pa ang aking mga anak kaya ganoon na lang ang kanyang pagtitiis. Iniiwan niya ang kanyang mga anak sa bahay nila dahil di niya sila masusuportahan. Ngunit ang mga anak niya ay pinili nilang sumama sa kanilang ina kahit na wala silang sariling matutuluyan. At nagtitiis sila basta kasama nila ang kanilang ina. Dito ko nakita kung gaano kabuti ang inang Pilipina. Mas  magtitiis ang mga anak kahit na wala silang marangyang buhay makasama lang nila ang kanilang INA. Mas iiwan nila ang lahat maghirap man sila basta kapiling nila ang kanilang ina.

Dito ko nakita kung paano kabuti ang ating Pilipinang Ina.

Ngunit meron naman kabaliktaran nang isang inang Pilipina na iniwan ang kanyang mga anak na maliliit  na eded 4 taon at 3 taong gulang sa asawang Hapon at sumama sa ibang lalake. At ang amang Hapon ang nag-aalaga sa mga anak.

Ay naku! Kaya iba-iba ang ating mga nakikita. Sana naman huwag tularan nang iba ang alam nilang walang magandang idudulot sa kanila at lalo na sa mga anak natin. Dahil kung  ang asawa ay ibang tao...  ang mga anak natin ay sarili nating dugo at laman ang mga ito. Kaya huwag sana tayong makakalimot tumawag sa ITAAS para gabayan tayong maging isang mabuting maybahay at INA .


No comments:

Post a Comment