SHITTERU?
by Marty Manalastas-Timbol
ALAM NYO BA…if you want to learn or study again for free lalo na sa math, biology, chemistry, etc., there is this site introduced by my friend Ely and this site is a free world-class education for anyone? Khan Academy, a not-for-profit organization, free lessons online para ma-practice ulit ang inyong math starting from the basic of 1 + 1. Check the Khan Academy URL for free at www.khanacademy.org/about.
ALAM NYO BA…if mahilig kayong magluto or gusto nyo pang matuto or learn the basics sa pagluto o baking, may isang cooking studio sa may Tokyo Midtown Roppongi. This school is the ABC Cooking Studio, where you can learn and enjoy cooking or bake cakes and can even learn how to make a bread and pwede even Japanese food…wow, di ba? So check this site and enroll na kayo sa gusto ninyong araw at oras at kung ano ang gusto ninyong matutunan.
http://www.abc-cooking.co.jp/srv/english.php
ALAM NYO BA…pag lumalamig na ang simoy ng hangin sa karamihan nararamdaman na nila na malapit na ang pasko. Pasko, pasko, pasko na naman….
ALAM NYO BA…na nag-issue ng babala ang ating Philippine Labor Secretary na si Madam Rosalinda D. Baldoz? Ito ay ukol sa mga Filipino doctors, nurses and other professional medical workers sa pag apply ng trabaho sa Commonwealth of the Northern Marianas Islands (CNMI) dahil sa economic situation ngayon sa Saipan, ang capital ng CNMI. Hindi na daw ito maganda for our medical workers or other skilled professionals sa dahilan na baka di rin sila mabayaran dahil sa may financial problem ang kanilang Commonwealth Health Center (CHC).
ALAM NYO BA…na mas masarap o may kasabihan na there is no place like home. Tayong mga nasa ibang bansa, yes, we have a good life and sweldo is ok, pero iba talaga pag nasa sariling bansa natin. Karamihan sa inyo na nandito sa bansa ng Japan, you work to earn for your family…yun lang, pero at the end of the day, you always look forward to go home and be with your family. Mahirap ang inyong buhay pero ginagawa ninyo ito para sa mga mahal ninyo sa buhay. I hope that your family back home knows na malaki ang inyong sakripisyo para sa kani-lang kabutihan at para umunlad ang kanilang buhay. After you retire sa trabaho ninyo sa ibang bansa, di ba karamihan will say, mas masarap sa atin…there is no place like home…because, it is more fun in the Philippines. Mabuhay kayo mga OFWs and God bless you all.
ALAM NYO BA…na di kayo kailangan magbayad ng airport tax sa Pilipinas kung kayo ay may working visa dito pag kayo ay babalik ng Japan? Mag-apply lang po kayo ng Overseas Employment Certificate (OEC) sa Labor Office ng Philippine Embassy. Para sa karagdagang inpormasyon, tumawag lang po sa Labor Office: 03-5562-1574.
Maligayang Pasko po sa inyong lahat at Manigong Bagong Taon!
No comments:
Post a Comment