Thursday, November 15, 2012

Doc Gino

Pisngi Ng Langit
ni Doc Gino


Sa kolum na ito, ating tatalakayin ang mga pang-araw-araw na karamdaman na maaaring dumapo kanino man. Nasa inyong pagpapasiya kung nais ninyong sundin ang payo ng inyong abang lingkod. Bisitahin ang kanyang blogsite:   http://doctorsronline.blogspot.com/

Nais Nang Mabuntis

Tanong (T): Dear Doc Gino, nabasa ko po ung column nyo, so kaya po nainganyo naman ako mag tanong sa inyo. gusto ko po kc malaman kung ano ang dapat gawin para mabuntis agad. kc po nag li-live-in na po kami ng bf ko. pareho na po namin gusto mgkababy. 1 yr na po kaming nagsasama pero hindi pa rin po kami makabuo. nagtanong naman po ako sa mga kaanak ko na kung may lahi po ba kaming baog. sabi naman nila wala daw po. at tinanong ko rin po ang asawa ko kung ganon din ba sya. hindi rin po ang sagot nya. hindi po kaya ako ang baog? Sport minded po ako. madami akong nilalaro. sanhi rin po ba kaya un ng hindi ko pagbuntis? may konting bisyo rin po ako. nagsmoke at sometimes i drink? lahat po ba un sanhi ng di ko pag buntis? ano po ba ang dapat kong gawin? ano po ba ang mga sanhi ng hindi pagbubuntis ng isang babae. sana po matulungan nyo ako sa katanungan kong ito. maraming salamat po! good luck sa inyo. and more power po!

Doc Gino (DG): Isang taon pa lamang kayo nagsasama, ano kaya ang dahilan kung bakit kayo nagmamadaling magka-baby? Ilang taon ka na ba? Buwan-buwan ba ang dating ng iyong regla?

Maraming dahilan kung bakit hindi nagbubuntis kaagad. Hindi lamang ang babae ang dapat suriin, ang mga lalaki ay gayun din. Isa sa masasabi kong dahilan sa iyong kaso ay ang iyong pagiging aktibo. Ang pagiging aktibo ng katawan gaya ng mga atleta ay nagsasanhi ng anovulation kung saan hindi nangigitlog bawa't buwan ang babae kung kaya't ang regla ay hindi rin buwanan kung dumating. Kapag hininto ang sobrang pagkaaktibo, manunumbalik ang pagiging regular na pangingitlog at nagbubuntis na agad.

Ang stress na magbuntis agad ay maaaring maging sanhi rin ng hindi pagbubuntis. Kung kaya't mas makabubuting mag-enjoy muna kayo sa inyong pagsasama. Sa ganitong sistema, mas mababawasan ang stress at malamang ay magbuntis agad. Kahit walang direktang ebidensiya, ang mga nabanggit mong bisyo ay maaaring maging sanhi ng hindi pagbubuntis.

(T): salamat po sa pag-sagot ng aking mga katanungan. 24 na po ako at ang asawa ko naman ay 29. gusto na po kc ng magulang ng asawa ko ng apo beside parang nasasabik ako sa baby. auko po kcng magbuntis ng mejo may edad na. kc feeling ko parang ang hirap ng ganon. regular po ang regla ko. minsan pa nga po 2 beses sa isang buwan. di ko nga maintindihan eh kung bakit ganon! nadadaan po ba sa hilot ang pagbubuntis agad? marami po kcng nagsasabi na ipataas ko daw po ang matres ko dahil baka mababa lang. effective po kaya un? salamat po!

DG: Ang bahay bata ay natural lamang na maging mababa kapag hindi buntis. Hindi nakatutulong ang hilot upang itaas ito. Gaya ng mga nabanggit, ang pagbabago ng lifestyle at pagbabawas ng stress ay isa sa mga makatutulong upang magdalang-tao. Mas makabubuti kung makipagkonsulta ng harapan sa isang bihasa sa Infertility upang masuring mabuti kayong dalawa.


No comments:

Post a Comment