KWENTO Ni NANAY
May-June 2014
Ang buwan ng Mayo ay buwan para sa mga INA - ang pinakamahalagang nilalang sa ating buhay.
Meron akong kuwento tungkol sa isang anak na sa pagkabata pa lang ay laki na sa hirap. Madalas na wala silang makain. Pag kumakain sila, madalas ay ibinibigay niya ang ibang kanin sa kanyang anak. Habang inililipat niya ang kanyang kanin sa plato ng kanyang anak ay sinasabihan niya ito ng, “Kainin mo ito anak. Hindi ako nagugutom.” (”Eat this rice, son! I am not hungry.”) This was Mother’s First Lie.
Habang lumalaki ang anak, pumupunta sila ng Nanay niya sa may kawa na malapit sa kanila upang mangisda. Sa paniniwala na ang isdang mahuhuli ni Ina ay magbibigay nang masustansiyang pagkain sa kaniyang anak. Pag dalawa ang isda na mabingwit ni Ina, iluluto niya agad ng may sabaw na ulam ang isang isda at ipapakain sa kanyang anak. Kung ano ang matira ng kanyang anak sa tinik-tinik na isda ay siya niyang kakainin. Halos madurog ang dibdib ko sa nakita ko. Minsan binigay ng anak ang isang isda para sa kanyang nanay at agad siyang tumanggi. Sabi ng Ina, “Kainin mo lang itong isda dahil ayaw ko ng isda.” ( “Eat this fish, son! I don’t really like fish.”)This was Mother’s Second Lie.
At upang matustusan ang pag-aaral ng anak, ang Ina ay pumasok sa pagawaan ng posporo. Mag-uuwi si Inay ng mga bahay ng posporo at pupunuin niya ito ng mga palito sa bahay. Ang kinita ni Inay ay pantulong sa pag-aaral ng anak at sa bahay niya gagawin ang mga ito. Ang kanyang ilawan ay isa lamang kandila. At sasabihin ng anak, “Inay, matulog na po kayo at malalim na ang gabi.“ Ngingiti lang si Inay at sasabihing, “Tulog ka na anak. Hindi pa ako pagod.” (“Go to sleep, son! I’m not yet tired.”) This was Mother’s Third Lie.
Kapag ang anak ay mag exam sa huling pagsusu-lit, si Inay ay maghihintay sa kanyang anak nang mahabang oras sa ilalim ng mainit na araw. At pag-uwian na sasalubungin na ng ina ang anak at aakapin at bubuksan ang kanyang thermos upang painumin ang anak nang hinandang tsaa. Nakikita lang nang anak ang pawis nang Ina ay agad ibinigay ng anak ang kanyang iniinom na tsaa para painumin ang Ina. Subalit ang sabi ng Ina, “Inom na anak, hindi ako nauuhaw.” (“Drink, son! I’m not thirsty.”). This was Mother’s Fourth Lie.
Pagkamatay ng Tatay nila, lalong naghirap si Ina sa pagiging ama at ina. Kailangan doble ang kayod niya sa trabaho. Hindi naging madali ang buhay nila. Tinutulungan sila ng tiyuhin na kapatid ng tatay nila at nakikita ang matinding paghihirap at pinayuhan ang Ina na mag-asawa muli. Ngunit tumanggi ang kanyang Ina. (“I don’t need love. ”) This was Mother’s Fifth Lie.
At nakatapos din ng pag-aaral ang anak at nagkatrabaho. Ito na ang panahon na tumigil na si Ina sa pagha-hanapbuhay. Ngunit hindi tumigil si Ina ng pagtatrabaho. Tuwing umaga magdadala siya nang mga sariwang gulay sa palengke upang ilako. Pinada-dalhan ng anak ang kanyang Ina ngunit ibabalik pa niya ang pera sa anak at sasabihin na may sapat naman siyang pera. (“I have enough money.”) That was Mother’s Sixth Lie.
At patuloy ang anak sa kaniyang part-time na trabaho dahil sa nagpatuloy pa siya ng Master’s Degree. Tinulungan din siya bilang scholar ng kompaniyang kanyang pinagtatrabahuan. At dahil dito ay tumaas ang sahod ng anak at pilit na niyang gustong dalhin sa Amerika ang Ina upang ma-enjoy na niya ang maginhawang buhay. Ngunit ang sagot ni Ina ay ayaw niyang maging sagabal pa sa kanyang anak at di siya sanay sa marangyang buhay. (“I don’t want to bother you my son and I’m not used to high living.”)That was Mother’s Seventh Lie.
At dumating ang araw na nagkasakit na si Ina ng canser. At kailangan siyang operahan. Kaya kailangan bumalik ang anak upang bisitahin ang Ina na maysakit. At laking lungkot ng anak nang makita ang Ina na payat, mahina at wala ng sigla. Halos durugin ang puso ng anak sa nakitang kalagayan ng Ina at naiyak pa ito. Ngunit ang sabi ng Ina, “Huwag kang umiyak, anak. Wala naman akong masakit na nararamdaman.” (“Don’t cry, son! I am not in pain.”) That was Mother’s Eighth Lie.
Pagkasambit ni Ina nito, at siya ay binawian na ng buhay. Telling her eighth lie, she died. YES, MOTHER WAS AN ANGEL!
M O T H E R
“M” is for the Million things she gave.
“O” means she is Only growing old.
“T” is for the Tears she shed to save me.
“E” is for her Eyes with love-light shining in them.
“R” means Right, and right she’ll always be.
Put them all together, they spell “MOTHER”- a word that means the world to us. For those of you who are lucky to be still blessed with your Mom’s presence on Earth, this story is beautiful. For those who aren’t so blessed, this is even more beautiful.
I am a mother and grandmother myself but I still miss my Mom. Mama, I miss you so much!
No comments:
Post a Comment