Ano Ne!
研修生 Kenshusei
May-June 2014
Marami ang nag haha-ngad na makarating dito sa Japan. Natatandaan ko nga kahit noong bata pa lamang ako, nais kong makarating dito. Dahil gusto kong makapunta sa Tokyo Disneyland, makakita ng puno ng mga mansanas at lalung- lalo na makakita ng snow.
Noon, pwede kang makarating dito sa Japan bilang isang entertainer. Pwede kang mag-audition bilang isang singer or dancer. Pero ngayon, mahirap ng makakuha ng visa sa ganitong paraan. Ibang klaseng paraan na ang pwede. Sinimulan ng makapasok ang mga TRAINEES dito sa Japan na kung tawagin nila ay “KENSHUSEI.”
Marami ang natuwa sa pagkakataon ibinigay ng bansang Hapon para sa mga Pilipino dahil sa paraan na ito. Marami na ngayong mga Pilipino ang nakarating dito ilang mga trainees sa iba’t-ibang kumpanya sa Japan. Ngayon, nagkaroon ng katuparan ang kani-kanilang mga pangarap.
Dito sa lugar namin sa IIda, Nagano-ken, mayroon akong nakilalang 6 na trainees na lalake at 9 na trainees na babae. Naging malapit na kaibigan ko sila at ngayon ay naging ka-tropa ko na sila. Madalas kaming magkita at naisipan kong interbiyuhin sila tungkol sa kanilang buhay dito sa Japan.
Tanong ko sa kanila: Bakit maraming mga Pilipino ang gustong makapag-trabaho sa Japan? Gusto pa ba ninyong mag-renew ng kontrata kung sakali? Bakit?
Brigido dela Cruz Jr.
Work: Intern (Industrial Packaging)
My own perception is to earn money not just to support their needs but to help also the needs of their family. We all know that yen currency is much stronger than ours. They want to experience the Japanese culture and perhaps this could improve their lives. However, I'd rather choose not to come back and try something new. But I'm so thankful for the opportunity working here with the good, Japanese people.
Analyn Pascua
Work: PCB Inspector
Company: Yamagishi AIC
Marating ang the “Land of the Rising Sun” ang pinakamimithi ng lahat. For me , that dream has become a reality. I can say na napakaganda at napakalinis ng Japan. Kahit pagod after work, nakakatanggal ng stress ang magandang tanawin at kapaligiran. If I’m given another chance para bumalik, syempre, babalik pa rin para lalo kong matugunan ang pangangailangan ng aking pamilya; para lalo kong ma-experience ang Japanese living style. Gusto ko pang matutunan kung papaano magtrabaho ang mga Hapon na pwede kong i-adapt pagdating ng araw na babalik na ako sa Pilipinas. Ngayon palang lubos na akong nagpapasalamat sa opportunity na ibinigay sa akin na makarating dito at ma-experience ang buhay dito sa Japan.
Mayfornal Fetalvero
Work: Intern PCB Inspector
Alam po ng lahat that Japan is a developed and progressive country, very beautiful, very clean and a peaceful place to live. Mataas ang sahod dito kumpara sa atin. Sapat na para makaipon, huwag lang mag-bisyo.
Syempre, if there is a chance, babalik pa rin po ako dito. Bihira lang po ang chance na ganito.
JC Mohica
Work: Intern (Industrial Packaging)
Filipinos want to work in Japan because it is a very progressive and developed country. Trainees like us may be able to fullfil our dreams just by working hard and doing our best in everything we do. I am willing to come back and work again here to be able to continue to earn more and save more for my family and my future. God bless all!
Evelyn Montolo
Work: PCB Inspector
Japanese people are generous, kind and well- disciplined. If they will ask and give me again an opportunity to come back, I will say yes because this happens only once in a blue moon. Grab agad ang opportunity, diba?
Jenny Ardina
Work: Quality Control
To earn more money is mostly the main reason for people coming here. Pero ako, gusto ko din magkaroon ng mga Japanese friends. Syempre gusto ko po bumalik! Ganda kaya dito sa Japan. Nice pa po ang mga nakilala kong mga Japanese dito.
May P. Junturao
Work: Technical Intern PCB Inspector
Pumunta ako dito sa Japan upang madagdagan ang aking kaalaman at higit sa lahat, makatulong sa pamilya upang mabigyan ko ng magandang kinabukasan ang aking anak. Titiisin ko ang malayo sa kanila kahit mahirap dahil ang lahat ng ginagawa ko ay para sa kanila. Kung may pagkakataon o mabigyan muli ng renewal, hindi ko pa masabi subalit isa muli itong magandang biyaya ni Lord. Ang gusto ko sana maka- sama ko ang anak ko muna after 3 yrs but Japan is a wonderful place for me.
Richard Llacer
Work: Intern (Industrial Packaging)
In my own opinion, most Filipinos are very dedicated and industrious that is why the Japanese like us. We sacrifice our own happiness for the sake of our family. One reason why we are here is for the money. So, for as as long as they need us, we are here to stay. I am very happy that I’m here for the opportunity they've given. Really appreciate from the bottom of my heart.
Nadine Angeles Pineda
Work: Inspector
The reason why Filipinos want to work in Japan is to earn money to support our family. Gaya ko, isang big opportunity angmakarating dito sa Japan. Ang hirap mag-apply. Matagal ko ng plan makarating dito. Buti nalang I‘m one of those na select ng company namin sa Pinas para mapadala nila dito sa Japan to work. Syempre para na din sa future kaya grab the oppurtunity. Kung papalarin na makabalik dito ulit, why not? Masarap mag work dito sa Japan. Lahat maganda :)
Charvin Torremonia Pascual
Work: Industrial Packaging
Nandito ako para kumita ng malaki at para maranasan ang klase ng pamumuhay dito sa bansang Hapon. Malaking pagkakaiba hindi lang sa trabaho pati na rin sa pamumuhay. Kaya kung ako ang tatanungin, hindi ako magsasawang pabalik- balik dito sa bansang Hapon.
Lhoi Galsim Tatad
Work: Intern PCB Inspector
One reason why eager akong makapunta ng Japan is to earn money for myself and my family; to meet other people with different values and culture. First, I've been to Taiwan and I met Taiwanese and Chinese Natuto ako ng language nila and now dito sa Japan- ang pangarap kong bansa. Beautiful place, nice people, interesting culture and values. Hoping na makabalik ako after this contract.
Demcen Patrick Aro Enriquez
Work: Industrial Packaging
There are many filipinos in Japan who are very successful. So fFlipinos think that if we work in Japan, it would be a stepping stone for us to be successful as well. Kung sahod ang pag-uusapan, di hamak na mas angat ang Japan, lalo na sa may mga pamilya. Oo, para makapag-ipon pa!
Jo-an V. Rangel
Work: Technical Intern Trainee
Most Filipinos want to work here in Japan just because they earn a big salary. I’m here not only for myself but also for my family. I want to help them especially in their financial needs. I want to have my own house and business in the Phils. I am also hoping to meet my future husband here.
Yes, I want to come again to save more money.
No comments:
Post a Comment