Saturday, May 17, 2014

Marty Manalastas-Timbol

SHITTERU?


May - June 2014

ALAM NYO BA…na ang mga Haponesa ay di pa rin mahilig sa ear piercing? Very seldom you will see those with ears pierced. Di rin kasi uso or bawal kasi sa mga schools nila ang nakahikaw.

ALAM NYO BA…na ang daming mga Pilipino na nagbakasyon sa Japan during the Sakura season and Holy Week? Now, who can say that Pinoys are poor. Our country, the Philippines, is still considered as a third world to many, but look around, ang daming mga mayayaman na Pinoys, not only in the Philippines, kahit sa ibang bansa. The more Pinoys na dadalaw as tourist sa Japan, the better lalo na approved na yung visa free to Japan para sa mga Pinoys. Yun nga lang, ang kinatatakutan daw ng Japan ay baka dumami na naman ang mag TNT o magbilog (overstay/illegal).

ALAM NYO BA… yung mga tunay na rich o yung mga tunay na mayaman, sila ang mga humble at di nakaka-limot sa mga kakilala o sa mga taong tumulong sa kanila. Yung naman mga biglang yumaman, sila ang kadalasan nagbabago at feeling nila they can buy everything, even friends. You see, if you are rich or biglang yaman, dumadami bigla ang mga kamag-anak o ang mga kaibigan. Paalala lang sa mga biglang yaman. Always remember kung saan ka nanggaling at huwag masyadong magyabang. Kung di kayang maging sosyal dahil alam mo ay super rich ka na, then don’t pretend or try hard to be sosyal. BE YOURSELF.

ALAM NYO BA…na super init sa Pilipinas this summer? Ay grabe sa init at maalinsangan. Kahit na nasa loob ka lang ng bahay at nanonood ng TV, pagpapawisan ka sa sobrang init. 

ALAM NYO BA…na sa Pilipinas, ang ating mga doctors, dentists and lawyers, magaganda at magagara ang kanilang mga sasakyan at magaganda din ang kanilang mga bahay. Sa Japan, kadalasan ang mga doctors, dentists and even the lawyers or even company Chairman or President, they take the train at di mo mahahalata na sila ay mga doctor o isang Chairman. Pati na rin ang mga Pulis, sa atin, very obvious ang mga pulis, you know what I mean. Dito sa Japan, pag papunta pa lang sila sa trabaho or off duty sila, di mo mahahalata na sila ay mga pulis. Sila ay para rin mga ordinar-yong tao.

ALAM NYO BA…pag ikaw ay nasanay sa Japan na super bilis ng wifi or ang internet connection mo. Naku po, mahihirapan ka or maiinis ka pag ikaw ay nasa isang bansa gaya ng Pilipinas na super bagal ang internet connection at walang ready na wifi kung minsan. 

Enjoy the summer vacation sa mga nasa Pilipinas. Enjoy the remaining days of spring para naman sa mga nasa Japan. God bless you all mga kababayan!



No comments:

Post a Comment