ADVICE NI TITA LITS
Take it or Leave it!
May - June 2014
Dear Tita Lits,
Noong nakaraang buwan, bigla na lang na atake ng puso ang aking kaibigang Haponesa habang kumakain siya ng shabu-shabu at yakiniku. Buti na lang at meron pa siyang asawa para mag-asikaso sa kanyang libing at iba pa.
Ngayon, tanong ko lang kung paano ang mangyayari kung mamatay ako bigla. Mag-isa lang po ako sa Japan. Divorced na po kaya single, childless and available but golden at 50 years old! Part-timer lang po ako sa isang factory dito sa Nagano. Hindi ko po ma-imagine ang scenario kapag ako ay natigok. Sino ang tutulong sa akin? Wala akong mga kaibigang Pilipino dito. Puro mga Hapon lang na mukhang malapit na rin matigok. Meron po akong life insurance. Pero sino ang mag-ke-claim nito? Isang kapatid ko na lang ang buhay at nasa lublob pa ng kagubatan ng Min- danao. Patay na rin ang mga magulang ko. Meron din akong konting savings sa banko. Ano ang mangyayari sa ito? Magiging ari na lang ng bangko? Wala na rin magnanais na kumuha ng aking katawan at iuwi ito sa Pilipinas. Susunugin na lang kaya ako dito sa Japan?
Josephine, Nagano
Dear Josephine:
Mukhang na-stress ka lang noong biglang ma-atake ang iyong kaibigang Haponesa, kaya bigla kang nag-worry ng sobra-sobra. Unang-una, marami kang kaibigan dito, ke puro Hapon lang sila, ay walang kaso. Ang isang kaibigan ay pala-ging handang tumulong sa isang kaibigan, di-ba? Kaya no worries.
1. Kontakin mo ang iyong kapatid. Siguro naman, kaya alam mong siya ay nasa kagubatan ng Mindanao, ay dahil mayroon kang previous contact sa kanya. Kontakin din and ibang kamag-anak, para kontakin ang kapatid mo kung sakaling hindi mo siya ma-kontak. Kapag nakausap mo na ang kapatid mo, sabihin mong siya ang gagawin mong beneficiary sa iyong life insurance. At i-rehistro mo talaga siya sa iyong insurance company na siya ang beneficiary mo, with his complete name, complete address, at saka contact telephone number. Hindi ko alam kung saan mo kinuha ang life insurance mo, pero obligasyon ng insurance company to contact your next of kin;
2. Hindi ko alam kung ano ang nationality mo. Kung Pilipino ka pa, mayroon kang residence card sa Japan at nakasulat doon ang nationality mo. Required tayong mga foreigners in Japan na palaging hawak/dala ang ating residence card. Kung maaksidente ka, or worse, mamatay, konkontak ang Japanese authorities sa Embahada natin. In fact, lahat tayong mga Pilipino na nag-o-overseas, ay dapat mag-rehistro sa Embahada ng bansa na kung saan tayo titira/magta-trabaho;
3. Kung Hapon ka na, medyo problematic, kasi dapat Hapon din ang kokontakin ng Japanese authorities in case something happens to you. Sigurado namang mayroon kang best friend dito sa Japan. Siya ang bilinan mo kung ano man mangyari sa iyo;
4. Ako, asawa ko Hapon. Nag-usap na kami ano ang gagawin kapag namatay ako/siya. Sa kanya, gusto niyang i-cremate siya at hatiin ang ashes niya – isa, para sa puntod niya sa Japan; isa para sa Pilipinas. Ako, gusto ko sa Pilipinas iburol, kaya nga kalahati ng ashes niya ay doon sa Pilipinas, para magkasama pa rin kami even after death. Hindi ko pa nade-desisyon kung magpapa-cremate din ako.
5. Tungkol sa savings mo sa banko, hindi ko rin alam kung ano ang plano mo after retirement, kung sakaling sa awa ng Diyos ay hindi ka pa niya kukunin. Kung sa Japan ka mag-re-retiro, kaila-ngan mong may savings ka, kasi ang liit lang ng pension mong makukuha kung hindi ka full time employee or hindi full ang contributions mo sa pension plan sa Japan. Kung sa Pilipinas ka naman mag-re-retiro, i-remit mo na lang lahat ang pera mo, sa iyong sariling pangalan din, bago ka umuwi ng Pilipinas. Pwede mong ipang-bukas ng account mo iyong pera sa iyong pangalan, at sa Pilipinas ka na lang pipirma sa loob ng banko, ng account opening forms, at papasok doon lahat ng ipinadala mo from Japan.
6. Mag-enjoy, enjoy ka na rin sa buhay habang hindi natitigok, at gamitin mo partly ang iyong savings. Magbakasyon sa Japan; mag-tour abroad; mag-bisita sa iyong kapatid sa Mindanao; magpa-beauty-beauty, para makahanap pa ng possible partner, kahit for companionship man lang.
Tita Lits
Dear Tita Lits,
Derechahan na po: meron pong babae ang aking mister na Hapon. Halos kalahating taon na silang may relasyon. Ang mas masaklap po ay Pinay yung babae at bata pa. Unang nagkita yata sila sa loob ng isang Philippine pub kung saan nagta-trabaho yung babae. Meron po kaming isang anak na lalake at 20 years old na. Gusto na rin po niyang bumukod at pumunta ng Tokyo. Halos hindi na rin umuuwi ang asawa ko sa bahay. Isa, dalawang beses kada buwan. Sa akin, OK lang iyon. Feeling ko, kapag umalis na ang anak namin, baka idi-divorce ako ng asawa ko. Hindi naman po siya mayaman. Salaryman lang siya sa isang maliit na kumpaya. Nag-a-arubaito naman po ako ng 3 beses sa isang linggo sa isang supermarket dito. Kung i-divorce po niya ako, hindi ko na po alam kung paano mag-survive. Permanent visa na po ako kaya hindi po ako uuwi sa Pinas. Hindi ko alam kung anong mukhang ihaharap ko sa aking pamilya at mga kaibigan doon. Tanggap ko na po kung gustong makipaghiwalay sa akin ng asawa kasi hindi na rin kami nagtatalik at maligaya sa isa’t isa. Ngayon ang masasabi ko, malakas pa rin ako dahil nandirito pa sa akin ang anak ko. Pero hindi ko na alam ang mangyayari kapag lumipat na siya sa Tokyo para mag-trabaho. Paano po ba ang magpakalakas? Lalaban po ba ako? Hindi ko alam kung kaya ko pang mag-isa.
Belinda, Hiroshima
Dear Belinda:
Unang-una, dapat may sarili kang buhay, apart from your husband, and apart from your son. Dapat may social life ka. Dapat may kaibigang nakakausap. Kasi may sariling buhay ang mister mo – trabaho niya, pamilya niya (kayo ng anak mo), at saka ang kanyang babae. Ang anak mo naman, may mga kaibigan iyan, siyempre, at baka may girlfriend na rin. At kung estudyante pa siya, may pag-aaral na inaasikaso. Iyon ang kanyang buhay. Ikaw, hindi dapat ang anak mo lang at ang asawa mo lang ang buhay mo. Madami kang free time – go out with friends and enjoy. Or learn something new to improve yourself, and regain your self-esteem.
Hindi ko alam kung ang tinitirhan ninyong bahay ay inyo na, or nag-re-renta kayo. Kung inyo na, e di wala kang dapat ipag-alalang babayaran na renta. Sigurado namang hindi rin papabayaan ng asawa mo ang anak mo, at susuportahan niya iyon. Kung ganito, sapat na siguro ang sweldo mo sa iyong tatlong araw na arubaito, para sa pagkain mo, assuming hindi ka binibigyan ng monthly allowance ng asawa mo for groceries, food, etc. Kung nag-re-rent lang kayo, hindi naman pwedeng itapon ka ng asawa mo sa inyong bahay.
Remember din na hindi ka naman niya madi-divorce kung ayaw mong pumayag. Dadaan iyong proseso sa family court dito sa Japan, para pag-usapang maigi ano ang best sa inyong situwasyon. Isa pa, may bagong batas na sa Japan na kung sakaling divorce ang final desisyon ninyo, mayroon ka dapat makuhang financial support sa iyong asawa.
Magdasal ka din for guidance, and for strength, para makaraos ka dito sa iyong dinadaanang problema ngayon.
Tita Lits
Dear Tita Lits,
Isa po akong dabyana. Problema ko ang aking waistline simula ng nag-asawa ako. Kapag ako ay yumuko, hindi ko kita ang aking mga paa. Tatlo ang aking anak. Lahat po kami -- pati na rin ang asawa kong Hapon ay puro malulusog. Para kaming isang pamilya ng sumo wrestlers. Mahilig po kaming kumain bawat oras. Parang ayaw kong magtimbang kasi baka masira ang timbangan. Napakaraming diet na ang ginawa ko at walang nangyari. At ayaw ko rin pong mag diet. Napakalungkot! Sa aming pamilya, tsibugan lang ang kaligayahan namin. Pero gusto ko rin pong sumeksi. Ano po kaya ang magandang gawin?
Diana, Okinawa
Dear Diana:
Buti na lang hindi lang ikaw ang dabyana, kundi lahat kayo sa pamilya. Kung hindi, naku ang laki ng magiging insecurity mo. Gusto mong sumeksi, at ayaw mong mag-diet. Hmmmm… . looks almost impossible. Baka pwedeng bawasan ang sweets at carbohydrate sa pagkain ninyo, while not reducing muna the amount of the other foods you are eating. In this way, busog pa rin kayo, pero hindi masyadong nakakataba ang kinakain.
Kung hindi magda-diet, parang walang ibang magagawa pa kundi mag-exercise ka na lang. Kahit para lang for your health, kahit hindi dahil gusto mong sumeksi, mag-exercise. Siguro, best kung maglakad ka lang muna – brisk walking ang gawin mo, para may exercise value. Kasi kung parang ang bagal-bagal lang ng paglalakad, wala daw masyadong exercise value iyon (hindi masyadong mag-ba-burn ng calories). At para hindi naman lonely blues ka habang naglalakad, yayain mo kaya si husband mo, para mas masaya. Start with 5 minutes brisk walking muna. Five minutes lang, yes, kaya mo iyan. And then, after comfortable ka na sa 5 minutes, increase to 10, and so on.
Isipin mo na lang ang risk for heart attack kapag masyado kayong nag-o-overeating, at overweight kayo masyado. Nakakatakot, di-ba.
Sige, sulat ka ulit kapag naging enjoyable na para sa iyo or para sa inyo ang paglalakad. At kung naging successful ang pagiging seksi ng hindi nagda-diet!
Tita Lits
No comments:
Post a Comment