Saturday, May 17, 2014

Loleng Ramos

KAPATIRAN
ANG TAWA



May-June 2014

JUAN: Oys, ano yan? Pinya? Pahingi naman dyan.
PEDRO: Pahingi? Nasaan ka noong nagbubungkal ako ng lupa sa ilalim ng init ng araw? Nasaan ka noong nagtatanim ako habang kumukulog, kumikidlat at bumubuhos ang malakas na ulan? Nasaan ka noong oras na nag-aani ako na nagkalat ang mara-ming ahas sa dadaanan ko, noong naghihirap ako sa pagpasan ng pinya? Nasaan ka?
JUAN: Nakakulong kasi ako noon! Nakapatay ako ng madamot!
PEDRO: Ganun ba?  Kuha ka na, kahit ilan!  May langka pa doon!

Nalulungkot ka ba kapatid?  May problema ka? Karamdaman? Stressed ka ba?  Itawa mo lang!
  
Ganito pala kasi ang silbi ng tawa, laughter o halakhak: nakakalunas ng sakit, stress, tension, pati gusot sa buhay ng isang tao.  Nakakapag-pagaan ng mga pasanin sa buhay,  nakakapagpahusay ng ating pakikipag-ugnayan sa iba at nakakahasa din ng pag-iisip dahil ito ay nakakapagpagising, nakakapag-pa-alisto ng utak!

Sa masarap nga daw na halakhakan, ang mga muscles ay nare-relax ng hanggang halos isang oras matapos ang tawanan. Kapag parang di mo na kayang matagalan ang trabaho mo, asawa mo, sitwasyon mo sa buhay, hanap ka lang muna ng makakapagpatawa sa iyo.  Napansin mo na ba na sa pagkatapos ng tawanan, ng saya, parang may na-iba kahit na nandyan pa rin ang problema. Mas handa kang makipag-boxing sa mga hassles ng buhay at sigurado Pacquiao ka, panalo!

Sa ating pagtawa kase lumalabas ang endorphins sa ating katawan. Ito ay brain chemicals na nagbibigay ng magandang pakiramdam.  Kapag tayo ay nag-eehersisyo, kumakain ng maanghang at tsokolate, kapag tayo ay in-love, gumagawa ng love, kapag excited tayo, nag-me-meditate o nagpapamasahe, mas madami ang endorphins natin.  Kapag meron tayong nararamdamang masakit, ang endorphins din ang siyang nagsisilbing panandaliang painkiller.   Kaya nga kapag masayahin tayo o  hindi masyadong nagpapa-apekto sa mga problema ng buhay, nasa high ang level ng endorphins natin at mas matibay ang immune system natin o natural ng panangga ng ating katawan sa mga sakit.  Tawa ka pa kapatid, huwag lang sobra-sobra na kanda-kabag ka na at sobra-sobra ang labas ng pollution sa hangin!

Di ba nga may kasabihan na “Laughter is the best medicine”?  Meron na nga ding mga ospital na gumagamit ng humor therapy sa paniwalang nakakatulong ang humor o laughter sa mga pasyente.  Sa malalala nang sakit katulad ng cancer, merong tinatawag na complementary therapy at kasama na dito ang pagtawa.  Marami ang nagpapa-totoo na sa regular na pagtawa o pag-aliw sa sarili kung saan makakatawa ng mabuti ang isang tao, ang sakit ay nababawasan kung hindi man tuluyang gumagaling. Kasama sa Laughter o Humor Therapy ang panonood ng mga comedy shows o palabas ng isang comedian o clown, pagbabasa ng comics at jokes, tawanan exercise kahit ang nakakatawa lang ay ang sabay-sabay na pagtawa ng mga nagtatawanan, pakikipaglaro sa mga bata, pets at anumang laruan o games na makakapagpatawa.   Ang pagtawa nga ay nakakapag-painam ng daloy ng dugo sa ating katawan na isang mabuting paraan sa pag-aalaga ng ating puso at baga.  
  
Noon pa mang unang panahon na wala pa ang anesthesia, kapag ino-operahan ang isang tao,  ginagamit ang pagpatawa para maibsan ang sakit ng isang operasyon.  Bakit nga ba naging superstar sina Charlie Chaplin at Dolphy?  Nakapag-pasaya sila ng maraming tao, natanggalan nila ng problema, napaganda nila ang damdamin sa pamamagitan ng kanilang pagpapatawa.

Ang laughter din ay gamot sa mga problemang emosyonal.  Ito ay isang mabisang paraan para makapatag ng kaguluhan, ng awayan, ng di pagkaka-unawaan.  Di ba nga minsan na may kagalit tayo na kaibigan o kapamilya, konting tawanan lang, ayos na ulit!  Salo-salong saya at tawanan ang kailangan para mas maganda ang relasyon ng mag-asawa, buo ang pamilya, ng mag-kaibigan pati ng isang kumpanya upang lalo itong maitaguyod.  

Sa pagtawa din, mas nagiging totoo ang isang tao, makikilala mo nga ang isang tao sa tunog ng kanyang halakhak di ba?  Tawa lang kailangan para mawala ang pagka-kyeme ng isang tao sa isang sitwasyon.  
Hindi pala mabilang ang galing ng laughter, sino kaya nag-imbento nito?  Syempre pa, the best things in life are free, bigay lang ni Lord, walang bayad kaya dapat palaging ginagamit.  Tawa naman dyan.

TATAY: Anak, ibili mo nga ako ng softdrink.
ANAK: Coke or Pepsi?
TATAY: Coke.
ANAK: Diet or Regular?
TATAY: Regular.
ANAK: Bote or in can?
TATAY: Bote.
ANAK: 8 oz or litro?
TATAY:(nagalit)Tubig na lang nga!
ANAK: Mineral or distilled?
TATAY: Mineral.
ANAK: Malamig o hindi?
TATAY: Hahampasin na kita ng walis, eh.
ANAK: Tambo o tingting?
TATAY: Hayop ka!
ANAK: Baka o kambing?


No comments:

Post a Comment