Saturday, May 17, 2014

Renaliza Rogers

SA  TABI   LANG   PO
David and Goliath



May - June 2014

Ang tagal tagal nang pinag-aagawan ng China at Pilipinas ang ilang mga maliliit na isla sa Spratlys. At ang latest na pinag-aagawan ay ang Ayungin Shoal. Bilang isang Pilipino, natural biased ako at papanig ako sa Pinas. Isa pa, nakikita ko namang legitimate ang claim ng Pilipinas sa mga maliliit na mga islang ito malapit sa Palawan. Hindi naman ako expert sa ganitong mga bagay kaya hindi ko ma-explain in detail kung bakit kiniclaim ng China halos lahat ng mga isla sa Spratlys. Siguro dahil nga ang pangalan ng karagatan kung nasaan ang mga isla ay "South China Sea." Kung ganoon ay para na rin nilang sinabing si Donald Duck ang may-ari ng McDonald's at kamag-anak ni Winnie the Pooh si Fernando Poe dahil magkatunog ang mga pangalan nila.  

Nagpapakitang gilas na ang China, nag fe-flex ng muscles ika nga upang tabuyin papalayo ang Pinas, nagbibingi-bingihan sa mga protesta ng ibang bansa at batas pandagat. Ang pinaiiral na pilosopiya ay "matira ang matibay." In other words, kung bibigay ka nga at iiwan mo ang lugar, eh di amin na. Hindi naman pwedeng mag flex ng muscles ang Pilipinas dahil wala naman itong "muscles" kumbaga.   

Ang ating "Symbol of Philippine Sovereignty" sa Ayungin Shoal ay ang BRP Sierra Madre - isang kalawanging barkong pandigma na sadyang sinadsad noon sa shoal upang hindi na maalis ng mga may balak sumakop sa isla. Nagsisilbi ngayon itong barracks at may iilang Marines ang naka destino dito, umaasa sa regular na delivery ng supplies at pagkain lulan ng maliliit na bangka. Pero a few weeks ago ay nalipasan ng gutom ang ating mga dakilang sundalo dahil hinarangan ng mga dambuhalang barko ng China ang mga mumunting bangkang nagdadala ng pagkain (mostly de latas and sardinas, akala mo'y relief goods) sa Sierra Madre.   

Never back down at determinado naman ang Philippine Navy, kapos man sa armas at resources. Sakay ng isang Philippine Navy vessel na nag mistulang speedboat sa tabi ng dambuhalang coastguard ship ng China, dinalhan nito ng supplies at pagkain ang mga marines. Habang tinitingnan ko ang picture ng dalawang naghahabulang barko sa internet, para akong natawa at na depress ng bahagya sa kakyutan ng barko ng ating "Hukbong Sandatahang Pandagat." 

Nag-warning ang China ship ng, "stop or face the consequences of your actions!" Kung ako nandoon, napaihi na ako sa kaba. Pero bilib ako sa diskarte at lakas ng loob ng sundalong Pinoy. Sumagot ang mga Pinoy ng, "This is the Republic of the Philippines!" Sabay maneobra papuntang mababaw na tubig kung saan hindi pwedeng sumunod ang dambuhalang barko dahil sasadsad ito. Hindi man madala sa laki at bilis, dalhin na lang sa magaling na diskarte. Wa-is!  

Naiwan ang malaking barko at dumiretso patungong Sierra Madre ang munting bapor, nagdala ng pagkain at supplies at nagdala pauwi sa mga sundalong ilang buwan nang nadestino rito. Hindi ko lubos maisip kung ano na lang ang panglalait ng mga Chinese na sa kabila ng laki at technology nila ay nalusutan pa sila ng isang napaka-cute at outdated na barko. Nagpapatunay lang ito na maliit man tayo ngunit nakakapuwing din!   

Sa totoo lang, malalakas ang loob ng ating mga sundalo at ibinibigay nila ang serbisyong tunay kapalit ang kakarampot na sweldo at mga armas na para bang ma tetetanus ka pa sa sobrang kabulokan. Kaya't please naman, huwag naman sana silang isabak sa gyera na balisong lang ang dala at sa kalaban nama'y .50 caliber machine gun. Kung suntukan siguro na kamao lang ang gamit ay malamang mananalo tayo. Pero ito'y hindi boxing, National Defense ito. Kulang na kulang at uhaw na uhaw ang ating Hukbong Sandatahan sa makabagong kagamitan na makakatulong sa pag protekta ng ating bansa. Lagi na lang ba tayong aasa sa tulong ng U.S. dahil hindi natin kaya? Para tayong batang laging binu-bully ng mga tambay sa kanto, iiyak at sisigaw ng, "isusumbong kita sa kuya ko!" Magpakita naman tayo ng konting kakayanang maipagtanggol ang ating bansa, kahit man lang sana magdalawang-isip muna ang mga karatig-bansa bago tayo kalabanin.  

Panahon na para siguro pagtuonan ng pansin ang Armed Forces natin. Masaya akong nakakabasa ng mga balitang nagwawagi minsan ang Pinas in the face of an overwhelming enemy force. Pero hindi lagi tayong magwawagi sa diskarte lang kapag tayo'y kapos na kapos. Sa una'y pwedeng chumamba pero pangalawa baka sumablay na. Ika nga ng adik kong kapitbahay na laging may dalang icepick, dapat laging handa!    

No comments:

Post a Comment