Saturday, May 17, 2014

Warren Sun

Kusuri Sa Kusina
CRAVING CRANBERRIES



May - June 2014

Ang mga cranberries ay maliliit na red berries na karaniwang nanggagaling sa malalamig na bansa tulad ng Amerika, Canada at sa ibang bahagi ng Europa. Maasim man ang lasa pero itong asim ang nagbibigay ng madaming antioxidants. Hindi man ito pangkaraniwang prutas na makikita sa Pilipinas at may kamahalan man sa presyo pero pwedi natin isama sa pang araw-araw na diet, pweding inumin at gawing juice o kaya isang supplement din. Pero anu-ano nga ba ang mga health benefits na makukuha natin sa prutas na ito?
Treats Urinary Tract Infections (UTI).  Ito ang tumatak sa isip ko na kapag may UTI, cranberry juice ang pangtapat.  Ang cranberry juice ay may Proanthocyanidins na inaalis and E. coli bacteria. Isang baso lang ng cranberry juice kada araw para labanin ang UTI.
Fights Heart Disease  
Ayon sa mga pananaliksik, cranberries daw ay tumutulong sa ating puso dahil inaalis nito and masamang cholesterol level na nababara sa arterial walls. Epektibo din ang cranberry dahil binabawas nito ang risk ng stroke.
Prevents Dental Problems.   Sa mga taong maingat sa oral hygiene naman, ugaliin na kumain ng cranberries para iwasan ang  iba’t-ibang dental problems tulad ng gingivitis, gum disease, cavities at plaque build-up.
Promotes Weight Loss  Magandang balita naman sa mga taong health and weight- conscious, masagana ito sa antioxidants kaya pinapabilis ang takbo ng ating metabolism at digestive system kaya bibilis ang pagbawas ng timbang.
Anti-Aging Properties  
Dahil ang prutas na ito ay mataas sa antioxidants, tinutulungan ang ating katawan para labanin ang mga free radicals na nagpapablis ng aging process. Itong antioxidants din nya ang nagbibigay ng makinis na kutis at binibigyan din ng lakas ang ating mga internal organs upang mapanatiling malusog.

Improves Mental Health  Kung ikaw ay nagiging ulyanin na, nakakatulong ang cranberry sa paghasa sa ating memorya.  Ito rin daw ay nagpapakalma ng mood at nagtatanggal ng stress. 
Strengthens the Immune System.  Dahil sagana ito sa antioxidants, tinatanggal niya ang mga harmful toxins sa ating immune system.  At pag malakas na ang ating immune system, malakas din ang dipensa nito sa anumang sakit.
Relieves Skin Conditions  
Sa mga skin-conscious, ang pag-inom ng 100% pure unsweetened cranberry juice ay nasabi ding nakakapagpagaling ng iba’t-ibang skin conditions tulad ng acne, dermatitis, psoriasis at eczema.

Akala ng marami na ang cranberry ay nakakain lamang tuwing Christmas at Thanksgiving. Sa dinami-dami ng health benefits, mas marami pa ngayon ang rason para maging suki na ito sa ating kusina. 

No comments:

Post a Comment