Thursday, May 10, 2012

ADVICE NI TITA LITA by Isabelita Manalastas -Watanabe


ADVICE NI TITA LITA
by Isabelita Manalastas -Watanabe

Dear Tita Lita,

15 years na po ako rito sa Japan. At 15 years na rin hindi ako nakakabalik sa Pinas. Siguro alam na po ninyo ang ibig kong sabihin. Graduate po ako ng engineer sa isang magandang unibersidad sa Maynila. Pumunta po ako rito dahil sa mabilis ang daloy ng pera. Iba't-ibang klaseng trabaho na rin ang pinasukan ko. Construction, factory, waiter, janitor. Lahat na po yata ay pinasukan ko. Basta meron lang pagkakakitaan. Basta meron lang maipadala sa pamilya sa Pinas.

Hindi ko po alam kung anong gagawin ko sa buhay. Gusto ko man umuwi, wala rin po akong trabaho sa Pinas. Meron man akong trabaho rito kahit konti lang ang binibigay sa akin ng shacho ko.  Masaya na rin at naka-kabigay pa rin kahit konte sa pamilya. Nauubos lahat ng pera sa mga pang schooling ng mga bata, sa pagkain, mga bills at iba pa.

After 15 years, hindi ko na po alam kung hanggang kailan pa ako mag-gagambaru rito. Minsan, gusto ko na pong umuwi. Pero sa hirap ng buhay sa Pinas, parang ayaw ko muna. Pero hangang kailan naman kaya gaganda ang buhay sa Pinas? Sabi ko sa sarili ko, uuwi na lang ako hanggang mahuli. Pero nakakatakot po kasi bawat labas ko sa bahay, laging kinakabahan po ako at baka meron nanghuhuli sa labas.

Hindi ko na po tuloy alam kung ano ang aking gagawin. Ano po ang maipapayo ninyo sa tulad sa aking situwasyon?

Hector


Dear Hector:

Hindi ka nag-iisa!  Iyan siguro na lang ang consolation mo.

Mas OK siguro ang maibibigay kong advice kung alam ko kung ano ang edad mo ngayon.  Kung ikaw ay 40 years old, e-di umalis ka sa Pilipinas noong mga 25 years old ka lang, a few years after graduation, at baka bagong kasal ka lang, at may isa or dalawang small children pa lang.  Kung ito ang edad mo, ibig sabihin, hindi mo nakitang lumaki ang iyong mga anak, na nasa high school na ngayon.  At hindi mo rin nakapiling at nakatuwang sa pag-raise ng mga bata, ang iyong asawa. Kung ganito ang iyong edad ngayon, I would think you will have good chances pa to get a job in the Philippines.  Hindi ka pa matanda.  At engineer ka, which means ang iyong intellectual capability ang iyong asset.  Worth ba ang iyong extrang earnings dito sa Japan, kung palagi ka namang stressed out every day dahil nga sa kaba mo na mahuli?  At saka ang tagal ng 15 taon para mahiwalay sa mga anak at sa asawa ng kahit minsan ay hindi mo nakita, lalo na at batang-bata ka pa noong iniwan mo sila. 

Kung ikaw naman ay nasa edad na at least 50 years old na, relatively difficult na sa iyo to re-enter ang linya mong engineering, kung uuwi ka. Your prospective employer will find you not attractive to be hired in the engineering field, lalo na at hindi mo talaga nagamit ang propesyon mo dito sa Japan. Kung ganito na ang edad mo, siguro give a target number of years mo pang mag-stay dito.  Pero dapat mong i-discuss ito sa iyong asawa para alam din niya ang  plano mo.  Kung mag-decide kayong mag-stay ka mga two years na lang, for example, then doon sa two years na stay mo, mag-ipon ka as much as you can, and then surrender ka na at umuwi. Sa edad na 50, at mara-ming stress na na-e-experience daily, mas mabilis ma-apektuhan ang health mo.

Malaki ang maitutulong kung may church group/support ka dito, like good friends. Importante na may nakakausap ka at nakaka-share ng iyong burden. Siyempre, ang Panginoon, palaging pwede mong daingan, at hindi Siya magsasawang makinig sa iyong mga daing.  At talagang powerful ang prayers – pray lang to give you continued good health for the years that you will decide pa to stay.  Kahit iyong panganay mo lang ang mapatapos mo, and then kapag nagka-trabaho na siya, siya naman ang tutulong magbitbit sa iyong pangalawa, and so on.

Tita Lita

Dear Tita Lita,

I want to ask your advice about buying house and lot in Japan. I have a permanent residence in Japan and a friend of mine gave me an idea of owning a house instead of renting it. Anyway, I think I plan to stay here for good na. What do you think po?

Mila


Dear Mila:

Did you really mean a house and a lot?  I guess what you really wanted is to buy a mansion (condo)?

It makes a lot of sense to buy your own condo, if you intend to really stay long-term in Japan, and if you are sure to receive regular income.  If you currently rent your own apartment/condo for say, JPY 75,000 a month, plan to buy your own condo wherein the monthly mortgage/ amortization payments will be also around JPY 75,000.  In other words, instead of throwing rent money, you will now be spending same amount but which will now go towards payment of a property that will eventually be yours. 

Get a good real estate agent which can show you several properties for sale, within the monthly payments that you can afford.  Normally, there will be another real estate agent he/you have to deal with – iyon namang agent ng may ari ng property you would like to purchase. Both agents will coordinate with each other, for whatever paper work that needs to be done. If your agent is good, he can be the one to try to haggle for a discount of the quoted price of the property. But of course, his commission (normally not less than 3%) will still be based on the quoted price of the property, not the final negotiated price.  There will also be some more miscellaneous expenses/legal fees that will be incurred.

If you are paying in cash, then normally, the agent/s will prefer that you do the payment inside your banker’s office.  You can request your banker to reserve for you a small room where you can meet with your agent and the other agent/owner of the property to settle the payments, by furikomi and/or cash.

If you intend to take out a loan, a good real estate agent should be able to help you with the paper work, and refer you to their contact banks, for your loan documentation/ approval.

Tita Lita

Dear Tita Lita,

Kumusta po kayo? Gusto ko sanang mag tanong kung meron kayong alam sa panganganak sa Japan. 2 months pregnant na po ako. Saan po ba ang mas magandang manganak: sa Pilipinas o sa Japan? Sabi ng kaibigan ko rito, napakalungkot daw dito. Pero kung sa Pilipinas naman, baka mahirapan ako sa pagdadala ng anak ko sa Japan. Hapon po ang asawa ko. Ano po sa palagay ninyo?

Nina


Dear Nina:

Traditionally, ang mga Haponesa, kapag manganganak, gustong bumalik sa hometown nila kung saan nakatira ang kanilang magulang. Gusto nilang mag-stay sa kanilang nanay, para may tumulong at mag-antabay sa kanila. And then, after giving birth and after some rest, uwi na sila kasama ang baby sa kanilang asawa.

Iyon din siguro ang magiging reason kung mag-de-decide kang manganak sa atin – para may tumulong at mag-antabay sa iyo until the birth (and even after) of your little angel. Pero hindi mo kaagad mada-dala sa Japan pagka-panganak mo, ang bata. Dapat mong i-report ang birth niya sa Japanese Embassy at siyempre, may paper work din na dapat gawin.

Kung dito manganganak, natural, mas mahirap for you if only because wala ka ngang nanay or kamag-anak na tutulong sa iyo sa pagpunta sa hospital for your regular check-up. At kapag ma-confine ka na dahil malimit na ang iyong contractions at mag-break na ang water, siyempre ang asawa mo lang siguro ang tutulong sa iyo. At siyempre, hindi tulad sa atin, istrikto dito sa visiting hours.  Pero advanced country ang Japan, so medically speaking, wala kang masyadong worries sa safety of giving birth dito.  Isa pang advantage ay kaagad mong mai-se-share sa husband mo ang joys of having your child.  At less hassle sa paper work dahil nga dito ka na nanganak. At ang asawa mo naman ang mag-aayos ng pagre-registro ng birth ng anak ninyo.

I think good din to discuss the matter with your husband.

Tita Lita


Tita Lita shares with you her yen for living.
Send your questions to Tita Lita at 
jeepneymail@yahoo.com



No comments:

Post a Comment