CELEBRATING THE SPIRIT OF FILIPINOS IN JAPAN: an online version of Jeepney Press www.jeepneypress.com
Thursday, May 10, 2012
Shoganai: Gaijin Life by Abie Principe
Shoganai: Gaijin Life
by Abie Principe
Telepono at iba pa (Gadget Addict ka ba?)
Nung nakaraang Marso, umuwi ako sa Pilipinas, una dahil bakasyon sa eskuwelahan ko dito sa Nagoya, at pangalawa, dahil graduation ng aking pamangkin. Hindi naman ako madalas umuwi ng Pilipinas, kaya everytime umuuwi ako, nabubulaga ako sa mga iba't ibang mga na-uuso na bagay-bagay. Isa na nga dito ang mga telepono. Kunsabagay, kahit noon-noon pa man, talagang mahilig sa telepono ang mga Pilipino. Naalala ko pa noong una akong nag-ka cellphone, wow, iba talaga ang feeling! Ang sosy-sosy ng pakiramdam, samantalang hindi naman sobrang hi-tech ng una kong cellphone, Nokia 3310, o di ba? Nalalaman tuloy na hindi ako kasing bata ng mga karamihan ng aming dear readers ng Jeepney Press.
Ngayon, hindi pa rin nawawala ang pagkahilig ng mga Pinoys sa gadgets. Andyan ang iPhone, ang Blackberry, ang Galaxy at kung anu-ano pa. At ito ay mga telepono pa lang. Ang gadgets ay hindi limitado sa telepono, andyan ang tablets, netbooks, music players, and so on and so forth. Walang katapusan ang maaring ilista na mga gadgets. Noong nasa Pilipinas ako, maraming mga graduates ang humihi-ling ng bagong telepono bilang regalo (ang pamangkin ko ay hindi isa sa mga ito, medyo kakaiba siya dahil walang hilig sa telepono), at dalawa ang pinaka-popular na telepono, ang iPhone at ang Blackberry. Medyo nagulat ako, kasi dito sa Japan, hindi ganun ka-popular ang Blackberry. Halos lahat yata ng Pilipino na kilala ko dito naka-iPhone. Medyo na-misteryoso-han ako kung bakit popular ang Blackberry sa Pinas, kaya nagtanong ako sa mga kabataan (meaning, tinanong ko ang mga teenagers and early 20s kong relatives), at nalaman ko na mas-mura daw ang mag-online pag Blackberry ang phone, meron silang tinatawag na BBM, na sa totoo lang, hindi ko masyadong naintindihan, dahil hindi naman ako gumagamit ng Blackberry. But anyway, napansin ko na ang mga kabataan, alam na alam gamitin ang mga gadgets nila, nakakatuwa naman, dahil parang napaka-smart nila kapag nag-e-explain kung paano gamitin ang mga telepono nila. Mabuti naman knowledgable sila, dahil maximized nila ang mga gadgets nila.
Pero marami ring mga tao ang gusto magka-gadget just for the sake of having one. Kung baga, gusto lang masabi na meron sila. Hindi naman nila alam gamitin. Meron pa nga na merong latest phone, meron ring latest tablet at latest netbook, pero hindi naman ginagamit ng lubusan. Mga gadget addicts na ang mga ito, at ito ang darkside ng pag-hahangad ng gadgets. Sayang lang kung bibili ng latest phone tapos hindi naman i-maximize ang capabilities. Dito sa Japan, medyo ok lang to get the latest phone models, kasi kadalasan, zero-yen plan yan. Pero sa Pilipinas, kalokohan ito dahil ang mahal-mahal ng telepono dun, tapos hindi naman gagamitin ng tama. Talagang pang-porma lang. Kunsabagay, pera naman nila yun, and they can spend it anyway they want. Pero ang sa akin lang, mas marami pang mabibili na mas mabuti ang pera nila. Mga bagay na talagang magagamit nila, tulad ng washing machine, o di kaya bagong TV sa bahay, na talagang useful para sa lahat, at hindi isang telepono na pang-porma lang. Meron mga tao, ipagyayabang sa iyo na meron silang latest na telepono, tapos pag tinanong mo kung ano ang bagong app nila, sasagutin ka ng, “ano ba ang app?” Yan, gadget addict na talaga yan, dapat nang i-rehab.
O, wala pong magagalit, ito naman ay isang obserbasyon lamang. Dapat when we buy anything, we know what it is for and how to use it, hindi lang pang-porma. O di kaya naman, willing tayong pag-aralan kung paano gamitin ito. Kung hindi, sayang naman ang hard-earned money natin. Responsible spending, ito ang dapat nating matutunan, hindi lang for ourselves, but also for our families.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment