Thursday, May 10, 2012

SIDE TRIPS by Jackie Murphy

SIDE TRIPS
by  Jackie Murphy

High School Reunions

Sa dami ng mga Filipinos around the globe sigurado akong kahit minsan ay nakauwi na sila sa kani-kanilang mga sariling bayan at probinsiya.

Itanong ko lang kung nakaranas na rin ba silang mag-high school reunion? O dili kaya'y minsan na bang sumagi sa kanilang isipan kung ano na kaya ang nangyari sa kanilang mga high school friends, bestfriends at mga crushes nila noong kanilang mga kapanahunan? O sige kahit hindi na yung mga super valedictorian at salutatorian noong araw kahit yung mga kilala na lang nila sa entire campus...yung mga tipong celebrity status ang dating. Nagkatuluyan ba ang mag-sweethearts na kilalang-kilala nila noon? Marami ang mga nakakatuwang true-to-life stories like...akalain mong nagkatuluyan si ganito at si ganyan. Meron din namang nakakagimbal as in super shocking na... maagang namaalam sa mundo si ganyan...tapos ikaw naman dahil sa sobrang wala kang kabali-balita, deadma lang...sabay sobrang laki ng mata mo sa gulat as in...Who killed Magellan? Sagot mo naman: Is he dead? O dili kaya...nalulong sa bisyo si ganito at si ganyan. Mapapabuntung-hininga ka at mapapalakas ang kabog ng dibdib mo talaga sa mga super taas ng antenna ng mga high-tech na balita these days.

Pero para sa akin ang Cinderella story pa rin ang pinaka-inspiring sa lahat...naging doktor o abogado o engineer na si ganito...super yaman na ang dati mong seatmate na si ganito. Sa super dami ng mga most current updates kulang talaga ang chikahan...to the max...as in...hihirit ka pa talaga dahil kulang na kulang ang oras madugtungan lang talaga ng super updates ang listahan mo sa lahat ng mga naging kaklase mo...dagdagan pa ng mga gusto mo rin updates sa mga sikat sa campus niyo noon...dagdagan ang hair para sa bakasyon kung puwede lang.
Hayyyzzz...Inaamin kong isa na ako doon sa mga hindi pa...as in HINDI PA TALAGA nakaranas makadalo ng high school reunion as in grand reunion. I missed a grand one 8 years ago and another one last year. Buti na lang at may Facebook at Twitter na ngayon to update us up with forthcoming events. Kahit pa long distance or overseas...lahat connected na in short messages, voice callings or conference calls...buti nga inabot pa namin ang technology na ito.

At nitong huli kong bakasyon (just last month), nakakatuwang isipin at siyempre nakakataba ng puso na marami din pala sa high school batchmates ko ang gusto akong makita. Kochira koso (ganun din ako sa kanila) gustong-gusto ko rin silang makita...as in super-excited!

Itinaon kong Sabado, March 24th nagpatawag ako ng munting salo-salo para sa lahat ng mga makakadalong batchmates ko from Cabugao Institute, my alma mater, Batch '81. Everyone was welcome! Siyempre a week earlier, coordinated na yan sa aming butihing president, Mr. Bobby Ubungen. Nung una kinabahan ako kasi yung venue baka malayuan ang mga attendees. Ganoon pa man still our energetic and kind president pa rin ang gumawa ng paraan para lalong mapalapit kami sa venue. Muntik ko nang di kayanin ang super special treatment na yun! Isa-isang nagbitbit ng kontribyusyong pagkain, maiinom, barbecue, salad, pulutan at kung anu-ano pa ang dabarkads hanggang sa ang inaakala kong simpleng salo-salong puto at kutsinta with softdrinks lang ay humantong na pala sa mini-reunion na rin! May sayawan, kantahan, kantiyawan, duet at take note: may kasama pang professional pianist at violinist...o saan ka pa! Noon ko lang din natuklasan na meron palang itinatagong talento sa pagkanta at pagsayaw ang iba ko pang mga batchmates na ni minsan ay hindi ko nakitang nagpakitang-gilas noon sa iskul... haha... Kuwentuhan... Inuman... Siyempre yung old style nating Pinoy pag pinapakanta ay ayaw. Bumubuwelo pa lang eh. At nung naka-Tanduay Ice na...ayun...di na mapakali ang mic...kanya-kanyang hila na...kanya-kanyang gawa...hahahaha...

Hindi maubos-ubos ang mga true-to-life story-telling, kasiyahan, kakenkoyan, alaskahan, kuwentuhan at siyempre kantiyawan. Paano ba naman kasi may mga di pa nagsisi-asawa...sa madali't sabi: mga binata at dalaga pa rin hanggang ngayon (isa na ako doon...whatever...) Halos lahat may mga tsikiting na at taken na taken na. May iba naman nabiyuda nang maaga. Tuksuhan to the max pero huwag ka ng dahil sa mga tuksuhan na yun eh may mga nagkatuluyan kaya! Kaya on-going pa rin ang walang-kamatayang match-making. Sa tagal na rin siguro ng panahon at obviously sa edad, may puti na ang mga buhok namin. Yung iba itim pa rin kahit pilit nang kinulayan. Ang mga boys matipuno at super-guwapings pa rin ang mga tindig at ang mga girls nandoon pa rin ang mga high school charm na di pa masyadong kailangang daanin sa gayuma ng kuwintas ni Nardong Putik o sa feng shui...dahil until now, all natural pa rin ang beauty.

Kulang na kulang ang oras na yun para punuan ang tatlongpu't isang taon na di kami nagkita-kita. Deep in our hearts we do still feel the longing for each other and very much aware how much time we've missed. Ang saya-saya. Ayoko na sanang banggitin pero siyempre: may iyakan din...Hindi dahil sa alaalang di pinakopya ang seatmate noon kundi dahil sa kung ano na ang buhay na narating na namin ngayon pagkatapos ng maraming unos na pinagdaanan, pagpupursigi at pagsisikap sa mga nagdaang dekada. Masarap pakinggan ang mga rags-to-riches na kuwento ng iba kong mga batchmates. Some of them now have either wealth or fame or both. Some of them are holding good positions in topnotch hospitals, judiciary, military, government offices and private practices. Some of my classmates are already in Hawaii and other parts of the U.S., enjoying luxurious and happy lives with their families. Others are in Australia, Europe and other parts of the globe. And would you believe one of them even was a board topnotcher...as in No. 1...Wow! Everyone is in awe...!!! Nakaka-inspire talaga sila.

Siyempre kung may super success meron namang tama lang. Meron namang super-sikap pa rin to the max until now as in never give up na galing ng Pinoy. Yung iba naman sa sobrang pagmamahal sa pamilya may nawala sa laot. Yung iba naman mahahabag ka talaga dahil nawala hindi sa bundok kundi... sa sarili and with this we symphatize. Ang hindi lang masyadong nakakatuwa, super-kainis at nakakakulo ng dugo, we also have not forgotten a very few who have given shame and became a disgrace to the batch...kinarir lang naman ang pagbebenta ng gamot... bawal nga lang... hayyyzzz... Life is a choice at choice niya yan...kaya doon tayo sa usapang mas masaya at matino... hmmmp...

Basta ang alam ko masaya ang mga reunions...family or high school or college lalo na kung makakadalo lahat. Kaya kung magre-reunion ngayon pa lang mag-isip na ng motif: dress code kung 70s or 80s or 90s ba? Sabayan mo ng rhythm of music ng napiling dekada... parlor games, bingo games, prizes, donors, etc. It takes time to organize a once-in-a-lifetime event. Sumali ka at maki-balita. IKAW ANG BIDA DIYAN... kaya don't miss it!

To this date, I'm looking forward to the next golden jubilee reunion ng batch namin in 2014 and by then sana lahat kami ay nandoon. Subukan mo at para di ka mahuli sa balita mag-open ka na ng Facebook o Twitter account mo at siyempre: BE UPDATED! Huwag nang matigas ang ulo... Ikaw din once-in-a-lifetime lang ito...

Happy reunion...
Happy reading!!!

(To all my friends and batchmates of Cabugao Institute Batch ‘81 who joined me during my last vacation in Cabugao and Manila, maraming, maraming salamat po sa inyong pagdalo. Everywhere I go, I always take a piece of all of you with me. )








No comments:

Post a Comment