Thursday, May 10, 2012

Ano Ne! ni Jasmin Vasquez

 
Ano Ne!
ni Jasmin Vasquez

Matagal-tagal na rin akong nani-nirahan sa lugar ng Iida, Nagano-shi. At sa ilang taon na pamamalagi ko dito, marami akong nakilala at nakasama sa iba't ibang lugar na nasasakupan ng Nagano. Kabilang na dito ang Matsumoto, Ijima, Ina, Komagane at iba pa.

Dahilan sa pagkakaroon ng mga event ng kanya-kanyang Parokya ng bawat lugar, dumami ng dumami ang aking mga naging kakila at kaibigan. Sa bawat isang lugar sa Nagano ay may mga taunang aktibidad. At isa sa mga pinaka-importanteng bagay ang mayroon ang mga taga-rito ay ang pagsuporta sa bawat grupong nanga-ngailangan ng tulong.

Talaga nga naman na kapag ang simbahan ang naging daan sa bawat bagay na iyong gagampanan na maayos ang takbo ng lahat at nagkakaroon ng pagkaka-isa.

Isa sa pinaka- naantig ang aking puso ay nang kami ay napabilang sa aktibidad ng mga taga-Okaya sa pamumuno ni Mervin Salazar. Hindi ako nag- atubiling tanggapin ang kanyang paanyaya na makisama sa pagbibigay ng kaun-ting programa upang mapasaya ang mga matatanda sa Home Care at mga bata sa Orphanage na inabandona ng kanilang sariling mga magulang. Lalo na ng makita ko ang isang bata na ubod ng cute. Hindi ko maiwasang hindi mapaluha. Kung maari lang na ampunin ko sya eh gagawin ko.

Sumunod naman na aming dinaluhan at nilahukan ay ang patimpalak para sa Parol Making Contest mula sa mga recycled things sa lugar naman ng Matsumoto. Nakakatuwa ito sapagkat ang bawat parol na ginawa ay may kanya-kanyang simbolo na nagpapahiwatig ng kahulugan ng Pasko. Alam kong magiging masaya ang bawat taong dadalo doon kung kaya naman kahit sobrang pagod na ako mula sa pagtugtog ng organ para sa Misa sa Ina-shi at Komagane ay pinilit kong makarating ng Matsumoto upang bahagian sila ng isang awitin bilang presentation at panauhin mula sa bayan ng Iida-shi.

Ganyan umiikot ang samahan ng bawat isa dito sa Nagano. May mga pagkakataon na nagkakaroon ng Misang Bayan kung saan lahat ng maaring magsimba ay nagsasama-sama. At ang nakakataba pa ng puso, habang tumatagal dumadami ng dumadami hindi lamang ang mga Pilipino kundi pati ang mga Hapones ay natututo na rin ma- kisama sa ating simbahan at mga programang ginagawa. Katulad nitong nakaraang kuwaresma. Marami ng Hapones ang nakikipag-anuyo at nakikisalamuha sa paggunita sa pagkamatay at muling pagkabuhay ni Kristo.

Sana ay patuloy pang magkaroon ng magandang pakikipag-ugnayan at samahan ang bawat Pilipino at Hapones na naninirahan hindi lang dito sa Nagano kundi sa buong bansa ng Japan.


No comments:

Post a Comment