by Mylene Miyata
"One, Two, Three!"
1.) Sabi ni Mark Twain, "Twenty years from now, you will be more disappointed by the things that you did not do than by the ones you did do. So, throw off the bowlines. Sail away from the safe harbor. Catch the trade winds in your sails. Explore. Dream. Discover."
Naku?! Paano ba 'yan?... Explore! Dream! Discover daw! Kung hindi, magsisisi ka sa huli. Saan? Sa mga bagay na hindi natin nagawa. Teka lang. Twenty years daw... Uhmmm... Ilang taon na tayo noon?! Sakto pa yan! Basta!
2.) Ayon naman kay Audrey Hepburn, "The most important thing is to enjoy your life - to be happy. It's all that matters."
Oo nga naman! Higit sa lahat, mahalagang i-enjoy natin ang buhay, maging maligaya at masaya. Yun lang! Yun na 'yon! Mismo. Ano ba ang makapagppasaya sa 'yo? Sino? Saan? Paano? Kailan? Ngayon? Bukas? O sige, okay! Ikaw na bahala. Para sa 'yo 'yan. :)
3.) Mula naman sa Dutch Proverb, "Wisdom is a good purchase, though we pay dearly for it."
Purchase daw! Hindi ito libre. May bayad! Pa'no ba yan? Pabili nga po, isang tumpok! Wow. Sya nga naman, it is not enough nga kase that we are knowledgeable of something lang. Kailangan natin kitain ang tinatawag na wisdom ng buhay. At sa kung papaanong paraan o magkano man? We simply could try to look back a couple of years ago. Then, we may realize how we dramatically progress each time sa journey ng mahiwagang buhay na kaloob ni God sa atin.
Tatlong nakakaaliw na palaisipan. Tatlong bagay na masarap itanim sa isip habang patuloy na lumalakbay. Patuloy na binibiyayaan sa araw araw. Patuloy na nagpapasalamat. For everyone of us continuously enjoying the ride of life, patag man o lubak. Cheers!
Si number one, pwedeng i-envision ang future natin. Si number 2 naman, pwedeng ikumpara sa kasalukuyang kaganapan sa buhay natin. At si number 3, pwedeng ihalintulad sa kaalaman na bigay sa atin ng mga nakaraang experiences natin.
One, Two, Three... Pikit mata... Lundag... Tumbling... Ayos!
I'm happy to share few things na makakapag- enlighten ng isip at puso ninyong mga mambabasa namin dito sa Jeepney Press. Sana po, kahit sa maliit na paraan ay magsilbing inspirasyon sa inyo sa kabila ng kaliwa't kanang 'di kanais-nais na pangyayari sa araw- araw. Maraming salamat po.
P.S. po
Yung remote control ng TV: Use wisely po. Smartphones: Keep it smart! Internet: Enjoy it but avoid being misled.
My... =( reach mo naman ako
ReplyDelete