Thursday, May 10, 2012

PAGMUMUNI-MUNI SA DYIPNI ni Fr. Bob Zarate

 PAGMUMUNI-MUNI SA DYIPNI
 ni Fr. Bob Zarate

PILIPINO, KAYA MO YAN!


Kagagaling ko lang ng Portugal and Spain last April 3.  Isinama ako as chaplain or accompanying priest ng Gloria Boys’ Choir, the only boys’ choir in Japan na ang main list of songs ay mga classical religious latin songs.  Itinatag ito more than 50 years ago dito sa simbahan ng Kamakura (Perpetual Help Church) bilang isang choir para sa misa (Latin lang ang misa noon), parang patterned after the Vienna Boys’ Choir o yung choir sa Vatican.  Puro lalaki ang members (kaya nga boys’ choir!) at ang mga present leaders, organizers at teachers -- some of them, professional musicians! -- ay mga former members din.  May mga babae na rin silang teachers who serve as pianists at voice instructors lalo na sa mga soprano at alto na bata.  Ang pinakabata sa main choir ay mga Grade 2 pa lamang at ga-graduate ka from the group after high school.  Pero may mga nagsisimula pa mula kindergarten.  May mga concerts din sila during the year pero ang pinaka-aabangan ay yung ginaganap sa Yukinoshita Catholic Church sa Kamakura every December 23, na kung saan ay kinakanta nila ang buong MESSIAH by Handel, kabilang dito ang sikat na naririnig nating Handel’s Hallelujah. 

Kasama namin sa Portugal-Spain Tour na ito ang chamber orchestra, na kinabibilangan din ng mga professional musicians sa larangan ng classical music dito sa Japan.  All in all, mga 90 people kami transported by 3 buses to Santarem, Portugal at sa Carmona at Toledo sa Spain.  Very much honored ako to be part of this choir... yes, part din ako ng basses (kasama ang mga high school at mga former members na nag-reinforce ng tenors at basses)!  This is the first time that a Filipino has entered this choir (since I have joined 3 concerts in the past, too).  This is also the first time na makaranas akong makapag-tour with a choir sa ibang bansa.  Nakakapagod ang pressure.  Pero sulit din naman with all the pasyal and the companionship that you feel with the members who are all very respectful at seryoso sa kanilang ginagawa. 

Allow me to share things that I have learned during this tour, lalung-lalo na yung mga bagay na maa-aring makatulong sa atin bilang mga Pilipino:

1. HUWAG MAKUNTENTO SA “PUWEDE NA”
Perfection is an attitude that we Filipinos should have.  Kung si Lea Salonga nga kailangan pang mag-practice kahit na kinanta na nya ang song na iyon for like 1,000 times.  “Practice makes perfect,” ika nga.  At nakita ko iyan sa mga batang kasama ko.  Isang batang Grade 2, kumakanta ng pagkahaba-habang kanta sa Latin?  Practice is the key!  Kaya huwag lang makuntento sa sheer talent.  Kahit may talent ka na, mag-practice ka pa rin.  Ibanat ang mga muscle na iyan.  Always give the best!  Go to the next level lagi.  Kung magaling ka na sa isang bagay, huwag makuntento.  Kailangang maging MAS MAGALING ka pa... kasi Pilipino ka!

2. IMPORTANCE OF PRAYER 
Ang nakakatuwa sa boys’ choir na ito, 5 lang ang Katoliko sa mga bata at 2 sa mga teachers nila.  Pero ugali nilang magdasal before and after practice.  May kinakanta din silang prayer before and after meals.  Bago sila umalis for abroad, at pagdating nila sa simbahan, kahit pagod na pagod na sila, request pa rin nilang may prayer and blessing sila mula sa pari.  Lagi rin nilang hinihiling sa pari na magkaroon sila ng misa sa kanilang summer intensive camp.  Para sa kanila, importante ang prayer.  Buti na lang dala ko ang holy water at prayer book ko noon!  Nakailang beses din akong nag-lead ng Morning Prayer, Evening Prayer at Prayer before the concert.  Naka
ilang beses din akong nag-bless with holy water sa kanilang lahat.  Sana ganyan din tayo.  Before and after any meeting, any practice or any activity, sana nagdadasal tayo.  Isama mo ang dasal sa iyong gawain... kasi Pilipino ka!

3. SENSE OF ORDER AND DECENCY 
Sa 11 days na wala kami, siguro nakapag-casual clothes ang mga bata ng tatlong beses lang.  Almost the whole time, naka-uniform sila ng boys’ choir attire -- white shirt, gray sweatshirt at maroon necktie... pati sa eroplano!  Sa pasyal lang sila puwedeng mag-rubber shoes.  During the concert, of course, naka-white sila, with a big cross... at leather shoes!  Yung mga sumamang former members hindi rin nagpatalo sa mga bata... lagi silang naka-suit with necktie ha!  Tapos very organized sila in their movements.  Natutuwa nga ang mga tao when they were moving around in lines.  Kaya walang batang nawawala.  At ang mga middle and high school boys were very responsible.  Alam nila naandoon sila for concerts at hindi for fun.  Sana ganyan din tayong mga Pilipino.  Pinagyayabang nating masayahin tayo at spontaneous, pero ganoon din naman ang mga batang ito.  Nung binigyan sila ng time for soccer and dodgeball, balik-bata talaga lahat!  ALAM NILA NA DAPAT NASA LUGAR  ANG UGALI NILA.  Kaya din natin ito... kasi Pilipino tayo!  Huwag sana tayong mahulog sa mga usual na palusot na, “Eh gusto kong maging masaya eh!” or “Eh boring naman talaga ang mga Hapon na yan!” at kung anu-anong kayaba-ngan na kung tutuusin ay wala naman talaga tayong maipagyayabang.

4. THE MAGIC OF LANGUAGE
First time kong pumunta sa abroad na halos ang salita ko ay Nihonggo.  Dati kasi lagi kong kasama, kung hindi mga relatives ko, mga pari na galing Pilipinas. This time, bilang na bilang ang mga beses kung kailangan hindi ako nagsalita ng Nihonggo.  Pero ang maganda dito ay nagsilbi din akong interpreter from time to time, lalo na kung marunong magsalita ng English ang kausap o kung ang sinasabi nilang Spanish o Portuguese ay madali namang maintindihan.  Importante nga talaga na mahasa tayo sa language kung nasaan tayo ngayon.  Sa case natin, sa Nihonggo.  Take time to master Japanese.  Hindi sa komo nakapagsasalita ka na, puwede na yan.  Go to the next level.  Master the respectful words.  Master reading or writing na rin.  Huwag magpatalo sa “Wala na akong time eh” na reason.  If there’s a will, there’s a way.  Ako nga, doon ko rin na-realize (at pinagsisihan din!) na sana mas naging seryoso ako sa aking Spanish!  Sayang.  Pero dahil Pilipino tayo, kaya nating mag-master ng ibang language nang mabilis!


5. OUR SPANISH HERITAGE 
Naaalala ko noong maliit pa ako, ang dating sa akin ng mga Espanyol ay mga mananakop at mang-aagaw ng lupa.  Para sa akin, kontrabida sila.  Para sa akin, wala na silang ginawa kundi lupigin ang ating kalayaan.  Pero noong nasa Spain kami, nakita ko na marami talaga sa kaugalian ng mga Espanyol ang nasa atin ngayon.  Of course, nandyan na ang ating Catholic faith, ang pagkakagawa ng ating mga simbahan, ang ating mga Catholic traditions, din.  Of course, nandyan din ang mga pagkain nilang akala ko minsan ay kumakain ako ng pochero o adobo!  Pero bukod pa diyan, nakita ko na maraming mga posters sa mga pader at mga kalat sa kalye... akala ko eh nasa Pilipinas ako noon, kung hindi lang sa Espanyol na nakasulat dito.  Tapos, kung tumawag sila ng tao, sumisitsit!  On the positive side, mahilig din sila sa physical affection... hawak sa braso, sa balikat, may kaunting akbay, o kaya embrace.  Gulat nga yung isang teacher naming babae kasi pinaghahalikan siya sa pisngi ng isang matabang, matandang lalaki dahil medyo malapit ang mukha niya sa isang Espanyola.   Kaya kahit na ituon pa natin ang galit sa mga Espanyol dahil sa ating pagka-Pilipino ngayon, wala na tayong magagawa doon.  Ang importante lamang ay ituloy ang mga magagandang namana natin mula sa kanila... at dapat nga mas magaling na tayo kaysa sa kanila!  Our Spanish Heritage has given us our uniqueness as Filipinos in the world!  We should actually be proud of it.  Kaya natin ito, kasi Pilipino tayo!

No comments:

Post a Comment