Jeepney Press July-August 2012 Cover
Design and Illustration by Dennis Sun
http://www.dennissun.net/
CELEBRATING THE SPIRIT OF FILIPINOS IN JAPAN: an online version of Jeepney Press www.jeepneypress.com
Friday, July 13, 2012
CENTERFOLD by DENNIS SUN
CENTERFOLD
by DENNIS SUN
NESTOR PUNO: Sa Pagpuno ng Yaman
Ipinanganak at lumaki sa Lungsod ng Makati sa isang maralitang pamilya, si Nestor Puno ang panganay sa limang magkakapatid. Ang mga magulang niya ay tubo ng Ilocos at Pampanga. Isang maglalako ng prutas ang kanyang ama sa Paco Market. Wika ni Nestor, “Upang makadagdag sa aming kabuhayan, mayroong kaming tindahan na malapit sa mababang paaralan na pinapasukan ko.” Sa murang edad, nakilala ni Nestor ang tunay na lasap ng buhay. Nagigising siya ng maaga upang magbukas at maglinis sa tindahan. Pagkatapos nito, doon pa lang siya mag-aayos para pumasok sa paaralan.
Sa matinding sikap at awa ng Diyos, nakapagtapos naman ng pag-aaral si Nestor. Batay sa utos ng kanyang mga magulang, civil engineering ang kursong kinuha niya sapagkat madaling maka-hanap ng trabaho at malaki ang kita nito kaya madali raw yumaman.
Subalit sa pagdaloy ng panahon, masasabi ko na yumaman nga si Nestor. Hindi ito yaman na batay sa materyal na bagay. Ito ang tunay na yaman sa buhay: yaman sa pagmamahal sa Diyos, yaman sa paglilingkod sa kapwa tao at yaman sa kagandahang loob at malasakit sa mga nasawing palad.
Alamin natin kung paano nag puno ng yaman si Nestor:
Kailan ka lumipad papuntang Japan at sa anong dahilan?
Dumating ako dito sa Japan noong 1998 ng ipadala ako ng Iglesia Filipina Independiente (Philippine Independent Church) bilang missionary sa Anglican Church of Japan-Chubu Diocese upang magturo sa maliit na paaralan (ELCC) para sa mga batang Filipino na hindi nakakapasok sa ordinaryong paaralan.
Ano po ba ang ELCC?
Ang ELCC ay paaralan para sa mga batang Pinoy, na itinayo ng Anglican Church of Japan noong 1998, dahil sa kadahilanang maraming mga bata dito sa Nagoya ang hindi nakakapasok ng school dahil sa kanilang status of stay.
Itinayo ito upang maibigay ang edukasyong panganga-ilangan ng mga bata dahil karamihan sa kanila ay nasa 7-12 taong gulang na subalit hindi pa nakakaranas na makapasok sa paaralan. Ang mga batang ito ay ipina-nganak at lumaki dito sa Japan at ang kanilang mga magulang ay parehong Pilipino, subalit hindi marunong magsalita ng Wikang Filipino. Dahil sa kanilang status, hindi natin alam kung kailan sila mapapauwi at kapag nagkaganoon mahihirapan ang
mga batang ito na mamuhay sa Pilipinas dahil sa hindi sila marunong mag-Tagalog. At higit sa lahat, malaki ang problema ng mga batang ito sa usapin ng identity dahil alam nila na sila ay Hapon dahil sila ay ipinanganak dito sa Japan.
Layunin din nito na mabigyan sila ng lugar na maaari nilang mapag-aralan, mapaglaruan at makasalimuha sa ibang bata na kanilang parehong edad. Karamihan sa kanila ay nananatili lamang sa kanilang bahay o karatig na parke dahil hindi sila maaaring ma-expose sa labas.
Layunin din ng ELCC na matulungan sila sa kanilang pamumuhay kahit sa maliit na bagay lamang, tulad ng mga programang pangkalusugan dahil halos lahat sa kanila ay walang health insurance. Tinutulungan din ang mga magulang na maisaayos ang kanilang legal na pamamalagi nila dito lalo na yung mga batang anak ng Hapon na hindi kinilala ng kanilang amang Hapon. Sa katunayan, halos lahat ng mga batang walang dugong Hapon ay natulungan na manatili ng legal sa kadahilanang dito ipinanganak at lumaki ang mga bata at mahihirapan na makapamuhay sa Pilipinas kung pababalikin sa kanilang edad.
Sa kasalukuyan, halos puro may visa na ang mga mag-aaral at karamihan ay galing sa Pilipinas na naglalayong manirahan ng matagal dito sa Japan at sa ELCC muna ipinapasok upang matuto ng wikang Hapon at mapanatili ang wikang Tagalog, gayundin ang wikang Ingles. Sa kasalukuyan ay may 15 mag-aaral, mula 4 -7 taong gulang.
Gaano kana katagal dito? May plano kabang magtagal pa?
Magla-labing-apat na taon na ako dito sa Nagoya at kasalukuyan pa ring nagtatrabaho sa ELCC. Subalit hindi natin masasabi kung hanggang kailan tayo maninirahan dito. Marahil, habang mayroon pang ELCC at nangangailang mag-aaral ng ating serbisyo, at sa Filipino community na aking ginagalawan.
Anong parte ng Japan ka tumira?
Sa loob ng labing-apat na taon, ako ay nakatira sa Nagoya.
Anong masasabi mo sa bansang Hapon pati na rin ang mga Hapones?
Mayamang bansa ang Japan at ang lahat ay nasa ayos, ibig sabihin, may trabaho ang tao at may ibinibigay na serbisyo ang pamahalaan, kaya naman ang lahat ay kailangang nasa ayos. Dahil dito, ang mga tao ay organisado at mahalaga ang tingin sa oras kaya ang lahat ay nasa ayos. Relatibong mababait at mahiyain ang mga Hapon, subalit sa kabuuan, nakita ko na ang mga Hapon ay extremes. Kapag mabait, mabait talaga, at kapag hindi naman, talagang hindi.
Paano mo maikukumpara ang Japan at Pilipinas? Mga Hapon at Pilipino?
Sa kabuuan, maipagku-kumpara lamang ang Japan sa Pilipinas sa larangan ng ekonomiya. Kung may maganda o pangit na kata-ngian ang mga Hapon, gayundin ang mga Filipino, kasi mayroong ibang kultura tayong nakagisnan at nakalakihan.
Naging aktibo ka sa mga gawain at mga pangangailangan ng mga Pinoy sa iyong komunidad. Anong mga organisasyon ang mga sinalihan mo at anong mga layunin ng mga ito? Maaari bang ikwento mo sa amin ang mga ito?
1. Ako at si Virgie Ishihara ang nagbuo ng Filipino Migrants Center noong 2000, at kasalukuyang Deputy Director nito, at si Ishihara naman ang Director. Binuo namin ito upang makatulong sa dumarami at lumalalang suliranin ng ating mga kababayan, hindi lamang sa Nagoya kundi sa buong Japan. Tinatanggap namin dito ang anumang problema (huwag lang sa pera… joke…) ng ating mga kababayan na may kinalaman sa kanilang pamumuhay sa Japan. Naghahatid ng mga impormasyon lalo na sa usapin ng batas at tumutulong na mag-organisa ng mga grupo ng Pinoy sa kani-kanilang komunidad.
2. Ako rin ang kasalukuyang pangulo (ikatlong termino) ng Philippine Society in Japan-Nagoya. Ang PSJ ay isa sa pinakamatagal na organisasyon dito sa Nagoya at nabuo noong 1986 sa kasagsagan ng anti-diktadurang kilusan sa Pilipinas noong mga panahong iyon. Itinayo ito upang suportahan ang anti-diktadurang kilusan sa Pilipinas mula sa mga Pilipinong naninirahan ditto sa Japan. Sa kasalukuyan, nagiging sentro ng aktibidades ng PSJ ang pagpapakilala ng kulturang Filipino sa local na komunidad habang nagtataguyod ng kagalingan at programa para sa kasapian nito.
3. Task Force Respect – Coordinator. Ang TFR ay alyansa ng mga Filipino communities sa Tokai Region upang pangunahan ang kampanya para sa pagkakaroon ng konsulado ng Pilipinas ditto sa Nagoya upang magbigay serbisyo sa mahigit 50 libong Filipino na naninirahan sa Aichi, Mie at Gifu. Layunin din nitong matugunan ang problema ng ating mga kababayan sa ating konsulado at embahada. Sa mahigit sampung taon mula ng sinimulan ang kampanyang ito, unti-unti ng nagkakaroon na ng linaw ang usaping ito dahil naipasa na sa ating kongreso ang resolusyong ito at naghihintay na lamang na ipasa sa senado, hanggang sa maging batas at maipatupad.
4. Sagip Migrante Japan – Coordinator. Ito naman ang tugon ng mga Filipino dito sa Tokai Region upang tulungan ang mga kababayan nating nasalanta at naapektuhan ng 311 disasters sa Tohoku.
Ano sa tingin mo ang kalagayan ng mga Pinoy na nasa Japan ngayon?
Relatibong mas malaki ang kita at maganda ang kalagayan ng mga kababayan natin sa Japan kumpara sa ibang bansa sa Asia. Subalit hindi naiiba ang mga problemang kinakaharap ng ating mga kababayan, laluna sa mga kababaihan. Halos 80% ng mga Pilipino sa Japan ay mga kababaihan na asawa ng Hapon, na siyang panguna-hing paraan upang makapanatili ng legal. Dahil dito, ang kadalasang suliranin ng mga Pilipina ay may kaugnayan sa kanilang status bilang asawa ng Hapon. Marami ang nagtitiis kahit na sinasaktan ng kanilang asawa upang mabigyan lamang ng visa, kaya marami ang nagiging biktima ng domestic violence.
Kadalasan din ng trabaho ng mga kababaihan ay bilang entertainer, at sa mga kalalakihan ay sa mga pagawaan, konstruksyon, o ang mga tinatawag na “3K.” Sa mga omise, matindi ang pagsasamantala sa iba’t-ibang antas dahil sa katangian ng kanilang trabaho, at sa mga pagawaan naman ay bukod sa mababang pasahod ang kakula-ngan pa rin sa seguridad at usapin ng kaligtasan. Duma-daan pa rin ang karamihan sa pagawaan sa ilalim ng part-time at broker system.
Sa July ng taong ito, ipapatupad ang binagong immigration law at ang pagkawala ng alien registration na papalitan naman ng residence card system. May mga probisyon na paborable sa ating mga dayuhan pero mas marami ang paghihigpit magmula sa pagpataw ng penalty hanggang sa pagbawi ng visa at ipa-deport ka. Hindi pa natin alam kung paano ito magkakaroon ng epekto sa ating lahat pero ang sigurado marami ang apektado nitong bagong batas laluna iyong mga dokumento at maging mga bata.
Ano sa palagay mo ang magagawa ng mga Pinoy dito upang makatulong at malutas itong problema?
Kailangan conscious tayong lahat sa kalagayan ng kapwa natin Filipino at magtulungan bilang isang minority community dito sa Japan. Alamin ang mga batas na may kaugnayan sa ating lahat upang mamaksimisa natin ang mga kapaki-pakinabang na batas at pag-aralan ang mga ito na nakakaapekto sa atin bilang banyaga.
Ano ang kalagayan ng mga Pinoy sa Nagoya naman?
Walang kaibahan ang kalagayan ng mga Filipino sa Nagoya sa ibang lugar ng Japan, maliban sa ang mga Filipino sa Nagoya ay magkakalapit at konsentrado sa iisang lugar kaya madali ang ugnayan sa isa’t-isa. Sabi nila, madali at convenient daw manirahan sa Nagoya dahil nandito na halos lahat ang bagay na maaaring hanapin ng Pinoy tulad ng mga tindahang Pinoy, restoran, simbahan, atbp. Mayroong mga area sa Nagoya, sa Sakae, na kapag baba mo sa inyong tinitirhan ay nandun na ang lugar na pinapasukan, pamilihang Pinoy, naglalakihang tindahan, at kung anu-ano pa.
Humigit kumulang sa 50 libong Filipino ang naninirahan sa tatlong pangunahing probinsya ng Tokai Region, tulad ng Aichi, Mie at Gifu. Maliban sa malalaking siyudad na mga ito, marami ring pabrika dito kaya patuloy ang lumalaki ng bilang ng mga Filipino sa Tokai Region, laluna sa mga “descendants, o tinatawag na nikeijin.”
Sa palagay mo ba matatanggap ang mga Pinoy sa syodad ng Japan katulad sa pagtrato ng mga Pinoy na naninirahan sa Amerika?
Sa lahat ng bansa, na kung saan may mga Filipino ay tinatanggap ng kani-kanilang lipunan dahil sa kanilang kontribusyon sa ekonomiya at komunidad. Sadyang masipag, matiyaga at marami ang matalino at talented, na mahalagang sangkap upang kilalanin sa isang lipunan. Tulad halimbawa ng mga kababayan natin sa Tohoku na apektado ng 311 disasters, dati sila ay isang hamak na may bahay ng isang Hapon at walang ugnayan sa kani-kanilang kapaligiran. Dahil sa pangyayari nagkaroon sila ng pagkakataong makipag-usap, magsama sa mga aktibidades hanggang sa nakilala bilang bahagi ng lipunan, hindi lamang bilang isang banyaga o asawa ng Hapon.
Ang patakaran ng gobyernong Hapon sa pagbubuo ng multi-cultural society ay pagkilala sa pag-iral hindi lamang ng mga Filipino kundi ng lahat ng banyaga dito sa Japan. Ito ay bunga ng pagsisikap ng mga dayuhan at Filipino organization sa iba’t-ibang lugar sa Japan na maipakilala ang Pilipinas, ang ating kultura, gayundin ang mga Pilipinong nakatira sa kani-kanilang komunidad. Usapin na lamang ito kung paano tayo aktibo at masiglang makakalahok sa prosesong ito.
Kailangan din nating burahin ang masamang imahe ng mga banyaga sa pananaw ng mga Hapon.
Ano ang sasabihin mo kung may pagkakataon kang kausapin ang isang kapwa Pinoy kung ano ang dapat at hindi dapat gawin sa Japan?
Ang pag-aaral ng wikang Hapon ay isang napakahalagang sangkap para makapamuhay tayo ng maayos dito sa Japan. Hindi sapat ang nakakapagsalita tayo ng kaunti at nakakapagtrabaho kahit pira-pirasong Japanese lamang ang alam. Malaking ginhawa kung mag-aaral tayo ng wikang Hapon. Maliban sa trabaho maaari tayong makipag-ugnayan sa local na mamamayan at madaling magkakaintindihan, na magdadagdag sa ating kaalaman, magbibigay pagkakataon para maipaabot ang nais sabihin, at marami pang iba.
Kung maayos ang ating wikang Hapon, tataas ang ating status sa lipunan, at lalong magiging madali ang ating pamumuhay.
Salamat po, Ginoong Nestor sa pag-unlak ng inyong tanging yaman sa amin.

Marty Manalastas-Timbol
SHITTE IRU?
by Marty Manalastas-Timbol
ALAM NYO BA…na tatlong issues ng Jeepney Press na di ako nakasulat? Buti na lang at may ghost writer ako. Hulaan kung sino ang ghost writer ko? Mara-ming salamat my ghost writer, sa uulitin po.
ALAM NYO BA…the Philippines celebrated 114 years of independence? The theme for this year’s celebration is “Kalayaan: Pananagutan sa Bayan para sa Tuwid na Daan.”
Also, I would like to share with all the OFWs in Japan, the message of Hon. Gregory L. Domingo, Secretary of the Department of Trade and Industry.
---------------------------------
M E S S A G E
My warmest greetings to all our fellow Filipinos!
Today, we commemorate the 114th Anniversary of our Independence. This significant event in our nation’s rich history is made even more momentous as we pay tribute to all our overseas Filipinos who have contributed and continue to contribute to the government’s efforts at nation building.
Your country takes pride in having citizens like you who share the talents, skills, and competence in the global workplace as you strive to make your own country progressive and your own families live comfortably. The dedication, honesty, and integrity that you put in your work, wherever destiny has brought you, reflect the true values that we Filipinos embody and are proud of.
You are our country’s modern day heroes not only because of the remittance that you send but also, and more importantly, because of the many investors that are encouraged to set up businesses in our country due to, directly or indirectly, the good news that you impart to them and the exemplary performance that you show in your jobs.
You have always shown to the world that Filipinos excel wherever they are, be it in their own country or in an adoptive one. You have also exemplifies your love for your own country by sharing the aspirations of all Filipinos in continuing the fight against poverty, ensuring that no one is left behind in the road to prosperity.
The freedom that we possess is made even more meaningful by the unwavering support of our foreign partners who continue to invest in our country and the prospective investors who plan to set up their businesses in the Philippines due to its strong fundamentals as well as its high-caliber professionals, like you.
Let us continue working together to keep on making our beloved Philippines a choice investment destination so that we can create more jobs for our countrymen, thereby uplifting their standard of living. As you join your fellow Filipinos back home in celebra-ting our freedom, may you keep the fire in your hearts burning to make our nation triumphant against the war on poverty so that we can ultimately improve the well-being of every Filipino.
Mabuhay ang Pilipinas!
(SIGNED)
GREGORY L. DOMINGO
Secretary
--------------------------------
ALAM NYO BA…or kakilala nyo ba si Mr. John Lesaca? For others like me, who really do not know much about Mr. John Lesaca, he is the renowned Filipino violinist. His great grand uncle, Mr. Julian Felipe ay ang composer ng Philippine National Anthem natin. Ang galing-galing po niya and I was really impressed when he performed at the celebration of Independence Day held at the Imperial Hotel last June 11, 2012. Not only was I impressed sa galing niya, he and his wife are super humble and down to earth. Hope I get the chance to watch him again.

Abie Principe
Shoganai: Gaijin Life
By Abie Principe
Biking Life
By Abie Principe
Biking Life
Isa sa mga bagay na hindi maiiwasan sa pagtira sa Japan ay ang pagbi-bisikleta. Nalaman ko agad ito noong unang punta ko dito. Maraming mga estudyante na naka-bisikleta kung pumasok sa school. Apparently, this is the most convenient way to get around town. Kaya isa sa mga unang binili ko noong dumating ako sa bansang ito ay isang bisikleta. Dahil sa fresh from the Philippines pa ako noon, ang una kong binili ay mountain bike. Kasi yun naman ang image ko pag bike, mountain bike. Medyo natatawa pa ako noon sa mga basket-bikes ng mga Hapon. Pero once I started to ride the bike to school, I realized na ok naman pala pag merong basket yung bike, at saka, yung mountain bike ko, mura lang, so hindi ganoon kagaan. In the end, mas madali pala ang basket-bikes kaysa cheap mountain bikes. But my old mountain bike, cheap though it was, did serve me well. Ginamit ko rin yung ng more than four years. Tapos, ayun, talagang bumigay na. I bought a replacement, and this time, yung merong basket na ang binili ko. Dito pala, mama-chari ang tawag sa mga basket-bikes. Some say, they are called “chari” because of the sound the bell makes “charing-charing,” and others say, it’s called “mama-chari” because karamihan ng guma-gamit nito ay mga nanay, therefore “mama.” Whatever the reason for the name, itong mga bisikletang ito ay napaka-convenient. Madaling gamitin. Hindi problema ang mara-ming dalahin dahil sa merong nga itong basket. Hindi na kailangan buhatin sa likod ang backpack, o isukbit sa balikat ang shoulder bag. Ilagay lang sa basket, at go na!
Maraming iba't-ibang klase ang “mama chari.” Kadalasan ang pag-kakaiba ay base sa presyo ng bisikleta. Tulad halimbawa, kung ang presyo ay 10,000 yen pababa, malamang walang kambyo at hindi ganoon ka long-lasting ang bisikleta na ito. Kung between 15,000 to 30,000yen naman ito, malamang merong kambyo, maganda ang upuan, at matibay ang basket nito. Yung mga mas mahal, tulad ng 40,000 yen pataas, malamang yan ang mga motorized basket-bikes, yung madalas na nakikita gamit-gamit ng mga nanay na angkas ang mga anak nila, or gamit ng mga lola kapag nag-gro-grocery. Masarap gamitin ang motorized basket-bikes, nasubukan ko na minsan, at ang dali-dali mag pedal at ang bilis, kahit up-hill, walang kapagod-pagod. Pinag-iisipan ko tuloy na bumili ng motorized basket-bike. Kaya lang, mahal, at medyo mabigat, hindi tulad ng magaan na mountain bike.
Kaya, kung may balak kayong bumili ng bisikleta, isipin mabuti kung para saan ito. Kung pang-araw-araw na pamamalengke lamang, recommended ang basket-bike. Pero kung malayuan o para sa exercise, mountain bike ang magaling. Kung balak naman ninyo na araw-araw pang-pasok sa trabaho, pang-sundo sa mga anak sa eskuwelahan, at kung madalas mabigat ang dala ninyong bag, pag-isipan na ninyong bumili ng motorized basket-bike, in a way, investment ito para hindi sumakit ang balikat, likod at binti ninyo in the future.
Siyempre huwag kalilimutan na dapat mag-ingat sa daan, at iwasan ang mag bisikleta ng lasing! Bukod sa mapapalapit kayo sa aksidente, ay baka malasin pa kayo na masita ng mga pulis. Bawal po ang drinking and driving on a bicycle dito sa Japan!
And with that in mind, let's all have a happy bicycle life in Japan!
Charing! Charing!!!
Loleng Ramos
KAPATIRAN
by Loleng Ramos
NUCLEAR ENERGY
Hi Kapatid! Ano ba ang mga balita ngayon? Hot topic ang pansamantalang pagbubukas muli o malamang tuluyan ng paggamit muli ng isa sa 54 na nuclear power plant sa Japan. Matapos ang sakuna ng Fukushima Daiichi Power Plant, isa-isang isinara ang mga plantang ito para lubusang mapag-aralan ang kalagayan ng bawat isa. Ano ba ang Nuclear Power Plant? Meron ba nito sa Pilipinas? Matagal ng nakatayo ang Bataan Nuclear Power Plant subalit hindi ito magawang gamitin. Bakit? maraming depekto daw sa pagkakagawa nito, ang lugar na kinatatayuan nito ay danadaanan ng lindol, malapit ito sa pumutok na bulkan ng Pinatubo at napakalaking halaga din ang gugulin ng pamahalaan para mapatakbo ito. Nakakatot ng binabadyang sakuna ng isang Nuclear Power Plant kapag nagkaroon ng komplikasyon, napatunayan iyan noong nakaraang tsunami at kung may nabasa ka na tungkol sa Chernobyl Power Plant disaster sa Ukraine, manlulumo ka sa nangyari sa ating mga kapatid doon. Sana ay hindi na muling mangyari ang sakunang ito, subalit sa bawat bagong nuclear plant na tinatayo, sa bawat tumatandang nuclear plant, nadadagdagan din ang mga panganib na kakambal nito.
Bakit ba merong Nuclear Power Plant? Natandaan mo ba ang nakaraang artikulo tungkol sa Global Warming? Kung gaano kaimportante sa daigdig ang elektrisidad? Ang tinatawag na Primary Source of Energy o bagay sa daigdig na mapagkukuhanan ng sanhi ng enerhiya ng elektrisidad ay pumapasok sa dalawang grupo. Renewable (pwede pang mapalitan) at Non-renewable (hindi na pwede mapalitan kaya kapag naubos na, wala na). Sa Non-renewable bumibilang ang fossil fuels na langis, uling, natural gas. Ang Uranium ay isang uri ng elemento na hinuhukay din sa daigdig at dumadaan sa pagproproseso (Fission) ng nuclear reactor sa isang Nuclear Power plant, ang epekto nito ay tipong nasusunog kung saan ang init ay ginagamit para maging aso (steam) na siyang maghahatid ng elektrisidad. Ang kaibahan sa ibang sanhi ng Non-renewable Energy, ang enerhiyang nakakamit sa mga Nuclear Power Plant ay hindi nagbibigay ng Carbon Dioxide at ng iba pang tinatawag na air pollutants (nagpapadumi ng hangin, nagpapadagdag sa global warming) subalit ang basura (radioactive waste) mula sa mga nuclear Power Plant ay ibinabaon muli sa daigdig upang hindi magambala o maka-paghatid ng anu pa mang sakit o radiation. Radiation? Nuclear? Atomic Nuclear Bomb? Oo, nakakatakot di ba? Napag-aralan natin at muli-muling binabalikan sa alaala ang lagim na hinatid ng Atomic Nuclear Power Plant, sa pagkabulilyasong maaring mangyari sa isang Nuclear Power Plant, isang Nagasaki o Hiroshima ang muling mangyayari. Malaki ang enerhiyang hatid ng Nuclear, kaya nga ang mga mayayamang bansa ay patuloy na gumagamit nito subalit malaking disgrasya ang binabanta.
Whew, buti pa sa prubinsya namin, di na kailangan ng kuryente, wala ding delikado. Hahah. Pero meron din naman iba pang tunay na malinis at walang bantang panganib na mapagkukuhanan ng Enerhiya, ang Non-renewable Source.
Ano naman ang Non-renewable Energy? Dito ngayon nakatuon ang mga syentipiko sa Japan, Green Power ika nga, malinis, eco-friendly! Patuloy nilang pinagbubuti ang pagsasaliksik kung papaano ang pinakamabuting pagsingkaw (harness) ng mga sanhi na ito. Silipin natin.
Solar Energy, hatid ni haring araw, ang mga solar panels o iyong mga nakikita natin na kulay bughaw sa bubong ng maraming bahay ay nango-ngolekta ng enerhiya mula sa araw. Ang sarap siguro ng pakiramdam kapag wala kang binabayarang kuryente ano at ang lahat ng gamit sa bahay ay dekur- yente.
Wind Energy. Nakita mo na ba iyong parang mga bentilador na malalaki na nasa taas ng mga bundok? Wind turbine ang mga ito at sa pag-ikot ng mga rotor mula sa hangin, napapagana nila ang mga generators na siya namang gumagawa ng elektrisidad.
Geothermal Energy. Ito ang init na galing sa gitna ng daigdig (earth) na napagkukuhanan ng enerhiya. Ang mga lugar na malapit sa bulkan ay mayaman nito. Onsen? Laguna Hot Springs?
Hydro-electric Energy. Ito ang water power, ang lakas ng agos ng tubig sa mga dam ay nagpapagana sa mga turbine na konektado sa mga generator na nagsasalin ng elektrisidad.
Ang pagsingkaw ng Biomass ay lubusang pinag-aaralan din ng maraming syentipiko sa buong mundo. Ang mga ilang tanim tulad ng mais o mga dumi mula sa hayup, mga halamang dagat, kahoy at ilan pa. Sa Brazil, ang ethanol ang nagpapa-andar ng marami sa mga sasakyan. Ginagawa nila ito mula sa sugarcane o tubo.
Syempre, walang ibang pina-kamagandang solusyon para malinis, matipid, payapa at kanais-nais ang kapaligiran kundi ang bawat isa na nag-iisip at gumagawa ng tama, kasama na dito ang hinding-hindi pagwawaldas.

Jasmin Vasquez
Ano Ne!
ni Jasmin Vasquez
TAXI!!!
March 4, 2012 ng ako ay umuwi sa ating sariling bansa upang magbakas-yon. Sa aking tatlong buwang pamamalagi doon ay aking naobserbahan na masyado na ang paglaganap at pagdami ng mga taong manloloko sa Pilipinas. Masakit mang tanggapin na kapwa natin silang mga Filipino na syang sumisira sa magandang imahe ng ating bansa.
Alam ng nakararami na mahirap lamang ang bansang Pilipinas, subalit hindi ito batayan upang manloko tayo ng ating kapwa tao upang kumita tayo at magkaroon ng salapi. Hindi kailangang gumawa ng masama upang mabuhay tayo ng marangal.
Tulad na lamang ng mga abusadong Taxi Driver lalo na sa ka Maynilaan, na mahilig mangontrata ng sobra. O kung hindi man ay sobrang bilis ng patak ng metro upang lumaki ang iyong babayaran. Ikaw ay lilinlangin o dadaanin sa kwento upang hindi mo mapansin na bini-bilisan nya ang pagpatak sa metro ng taxi. Ito ay tinatawag nilang "Batingting,” maging ang mga yellow taxi mismo sa ating pambansang paliparan ng pilipinas ay nahulihan at naipalabas pa sa balita sa telebisyon.
Dapat ay maging alerto tayo upang hindi tayo malamangan ng mga abusadong taxi driver na ito. Ito po ang ilang mga tips.
Tips sa pagsakay ng taxi:
1. Kunin ang pangalan ng Taxi karaniwang makikita sa itaas o bubungan ng taxi.
2. Mag-ingat sa mga taxi mula 5 ng hapon hanggang sa hatinggabi. Karaniwang lumalabas ang mga" colorum'' o illegal na taxi sa ganitong oras.
3. Kapag ikaw ay nakasakay na suriin kung nakasulat sa loob ang information ng taxi, karaniwang burado ito kapag illegal.
4. Ang tamang metro ng taxi ay pumapatak tuwing ika 400 metro o kaya ay kada ika-8 hanggang 11 poste ng kuryente.
5. Dapat ay mas mabagal ang patak ng metro kung ito ay nakahinto o traffic.
Contacts for Complaints
LTFRB Hotlines (from their web site):
426-2515, 925-7191, 0921-4487777
Kapag ikaw ay nakasakay na sa taxi, maari mong tanungin o punahin ang taxi driver kung mabilis ang kanyang metro upang malaman nya na may alam ka kung dinadaya ka o hindi ng sa gayon ay maalarma sila na hindi kayo pwedeng lokohin ng basta basta...
Nawa ay nakatulong sa inyo ang ilang mga tips para kapag kayo po ay umuwi ng Pilipinas ay maiwasan ang mga abusadong taxi driver na ito.

Jeff Plantilla
Isang Araw sa Ating Buhay
ni Jeff Plantilla
Isang araw, nagtipon-tipon ang mga tao mula sa iba’t-ibang bayan at siyudad ng Nara prefecture para sa pormal na pamama-alam ng isang grupo ng mga paring misyonero. 63 na taon silang nagsilbi sa misyong ito. Sa haba ng panahong ito, may mga umuwi na, o di kaya ay namayapa na. Ang mga natira ay matatanda na, at hindi na maganda ang kalusugan. Ipinaliwanag ng puno ng grupo ng mga pari na hindi na nila kayang makapagpadala ng pari sa Nara dahil hindi na sila makakuha ng mga bagong recruit.
Sumabay na rin ang pamama-alam ng isang madre sa isa pang lugar. Hindi sa siya ay matanda na, kundi tapos na ang panahon ng kanyang paninilbihan sa Japan. Kailangan na siyang bumalik sa kanyang congregation sa Pilipinas at magsimula ng ibang gawain.
Masaya ang pamama-alam ng mga pari. Halata sa kanilang pananalita ang magandang relasyon sa mga Japanese. Nagtatawanan ang mga Japanese sa kanilang pagbibiro at sa pananariwa ng masayang nakaraan. Marami sa mga Japanese na pumunta ay matatanda na rin.
Sa mensahe naman ng madreng paalis, ipinaliwanag niya ang buhay-madre at ang hindi maiiwasang paglipat ng lugar na pagsisilbihan. Ang kanyang mensahe ay ipinahiwatig niya sa isang kanta: ang magmahal kaysa mahalin, ang magbigay kaysa mabigyan, ang umunawa kaysa unawain.
May mensahe din siya sa komunidad ng mga Pilipino tungkol sa pagiging lider. Sinabi niya na ang lider ay isang taong nasa harap ng lahat dahil ipinakikita niya kung ano ang dapat gawin. Gusto ng lider na tularan ang kanyang ginagawa. Nasa harap siya hindi para magdesisyon para sa lahat, kundi para ituro kung ano ang dapat.
Ganun na rin ang aking tingin sa ginawa ng mga pari. Alam nilang hindi sila habang panahong maninilbihan sa mga tao. Darating ang panahong sila ay magpapa-alam. Kaya’t masaya sila kung nakikita nila na kaya nang gawin ng mga tao ang dapat. Sila ay maaring sabihing leader-servants.
Uri Ng Lider
Maraming uri ang lider. May minamahal, may hindi tinatanggap, at may naging masama sa tingin ng mga kasama.
Puwede natin ihalintulad ang pagiging lider sa pagnenegosyo.
Sa Pilipinas, may mga may-ari ng tindahan na walang ginagawa kundi mag-utos sa mga tauhan. Nakabantay palagi. Kung ang negosyo ay restaurant, hindi sila maglilinis ng lamesa para sa customer. Tatawagin nila ang tauhan para magawa ang kailangan. Sa uri ng lider, ito ang “manager” type – utos nang utos lang.
Sa Japan, may mga may-ari ng tindahan na naglilinis ng sariling tindahan. Kung sakaling may bibili, agad silang magsisilbi. Maaaring marami sa kanila ay walang tauhan, sila lamang (o kaya man ay kasama ang asawa). Kung may tauhan man, kapag may customer at may kailangang gawin, agad silang kikilos. Mahalaga sa kanila ang “service” kaysa sa status na may-ari ng tindahan. Minsan, kung wala silang maibigay sa hinahanap ng customer, sila pa ang magtuturo kung saan makukuha ng customer ang kanyang kailangan. Sa uri ng lider, ito ang “service-oriented.” Hindi mahalaga ang kinatatayuan o status, ang mahalaga ay ang gawaing dapat tuparin.
Malimit na rin sa ating karanasan sa gobyerno na kapag tayo ay hihingi ng serbisyo, kaagad tayong sinasabihan na mag-fill-up ng form at magsubmit ng kailangang mga dokumento. Kadalasan tayong naghihintay at hindi sinasabihan kung kailan babalikan ng opisyal ng gobyerno. May mga pagkakataon na humahaba ang hintayan dahil inabot na ng tanghalian. At kung mamalasin, pagbalik ng opisyal ng gobyerno sasabihing kulang ang dokumentong kailangan. Kaya, pasensiya, babalik ka na lamang. Sa uri ng lider, ito ang taong ang pinahahalagahan ay pormalidad. May sulat ka na ba na humihingi ng aking tulong? Kinunsulta mo na ba ako? Kung walang sulat o konsulta, pasensiya ka. Alin sa mga ito ang lider na ating kailangan? Yung status conscious (“ako ang mahalaga dahil ako ang manager”)? Yung service-oriented (“mas mahalaga ang ibang tao o ang gawain”)? Yung bureaucratic-minded (“kung walang sulat na humihingi ng tulong, o walang konsultasyon walang aksyon”)?
Sino sa mga ito ang lider ninyo?
Pangangailangan Sa Lider
Mas mabilis magawa ang mga bagay-bagay kapag nagkakatulungan. Mas may pagkakataon na malulutas ang problema kung sama-sama. At sa pagsasama-samang ito, isang mabuting lider ang kailangan ng komunidad.
Hindi maiiwasan na tumulong ang komunidad sa pangangai-langan ng mga kasama. At ito ang dapat unang naiisip ng mabuting lider. Ito ay isa pang katangian ng lider, nauuna siyang mag-isip sa lahat. Nauuna siyang mag-isip ng mga bagay na ikabubuti ng lahat o ng mga nangangaila-ngan ng tulong. Ito ay lider na may vision kung ano ang dapat mangyari sa komunidad. Hindi siya self-centered (“ang kapakanan ko ang mahalaga”).
Kaya siguro ang lider na kailangan natin ay yung service-oriented, other-centered, at may lakas ng loob na gawin ang dapat kahit medyo mahirap.
Tulad nung sinabi ng madre, ang lider ay nasa unahan para tularan. Hindi siya nangunguna dahil sa status (“ako ang lider”), kundi dahil ipinakikita niya kung ano ang tama. Siya ay hindi basta-basta nag-uutos, siya mismo ay kumikilos kasama ng lahat.
Lubos-lubusin na rin natin. Ang mabuting lider ay minamahal ng iba, hindi kinamumuhian. Ngunit ang pagmamahal ng iba ay hindi niya hangad. Ang kanyang hangad ay ang umunawa kaysa unawain, magmahal kaysa mahalin, magbigay kaysa mabigyan. Hirap ano?
Hindi biro ang maging lider. Responsibilidad yan na pinapasan. Nguni’t kung pangsarili lamang ang iniisip, gulo sa komunidad ang dala. Pagkakahiwa-hiwalay sa imbes na pagkaka-isa.
Isang Karanasan
May isang project na ipinatupad kamakailan lang sa Japan. Ito ay para sa pag-aalok ng serbisyo ng gobyerno sa Pilipinas sa mga Pilipinong nasa labas ng bansa. Mas mabuti sa pagpapatupad ng project na ganito na may malaking bahagi ang mga komunidad. Mas may impact ang project kapag suportado ng komunidad.
Tinanggap na ng dalawang komunidad ng Pilipino ang project (na suportado ng isang church-based network ng mga komunidad) dahil sa isang bagay: makabubuti ito sa kapwa Pilipino.
Nguni’t hindi ito ang naging tingin ng ilang lider ng isang dapat ay network ng mga komunidad ng Pilipino. Sa imbes, binigyan ng halaga ang kawalan ng pormal na sulat ng paghingi ng tulong, at ng konsultasyon.
Para saan pa ang network na ito kundi para sa mga komunidad? Mas mahalaga ba ang pormal na sulat kaysa sa pagtugon sa pangangailangan ng kapwa Pilipino? Kung nariyan na ang pagkakataong makapagsilbi, bakit hindi gawan ng paraan na yang pagkakataong yan ay magamit?
Sa isang mabuting lider iisa lang ang sagot diyan: “Tayo na, at ating pagtulungan.”

Renaliza Rogers
SA TABI LANG PO
Ni Renaliza Rogers
Pasukan
Pasukan
Nag pasukan nanaman. Balik eskwela nanaman ang mga estudyanteng todo enjoy nung summer. Ang iba, nag summer classes, iba nag summer job para may konting pera, iba ay nag bakasyon kung saan-saan para mag enjoy, at ang iba...wala lang, nasa bahay lang nagpalipas ng dalawang buwan dahil walang baon.
Ito ang unang taon kong hindi pumasok sa eskwela dahil nga ako'y nagtapos na nung Marso. Medyo kainggit makita ang ibang kabataan balik eskwela. Biruin mo, noon abalang-abala ako sa pagpapa-enrol ng sarili ko. Ngayon, ang role ko na lang ay tagapag-enrol ng aking kapatid.
Nung mga elementary years, tuwing first day of school, kapansin-pansin na halos lahat ng gamit ng mga bata ay bagung-bago, maliban na lang sa mga bunso na pinag-lumaan na ni kuya at ate ang gamit. Ang mga uniforms bagong tahi, kung hindi man ay bagong laba at plantsa na lang, okay na. Ang mga sapatos halos masilaw ka sa kintab dahil kung hindi man bagong bili ay bagong kiwi! Ang mga notebooks, kaka wrap pa lang sa plastic cover at wala pang gusot.
Sa unang araw ng eskwela, nandoon din ang pagandahan ng bagong pencil case at bag at kung anu-ano pang wala din naman gaanong kabuluhan sa pag-aaral. Nung elementary, talbog lahat ng kaklase kong babae sa akin at inggit na inggit. Kasi naman lahat halos ng gamit ko ay Hello Kitty. Mula pencil case hanggang lapis, hanggang sa suot kong panty, Hello Kitty lahat. Hindi naman sa patay na patay ako kay Hello Kitty pero ito lahat ang padala sa akin ng aking ina. Ewan ko ba kung bakit niya naisip na dapat Hello Kitty lahat ng gamit ko. Kung hindi man Hello Kitty ay dapat residente din ng Sanrioland ang mga ito.
Kahit nung nag high school na ako, nakaka-excite pa rin pag nalalapit na ang pasukan, halos kasing exciting din ng bakasyon. Nakakaaliw ang mag shopping ng mga school supplies. Sa pagpili pa lang ng mga notebook, inaabot ako ng isang oras. Pili ako ng pili ng pinaka-magandang cover design. Ayoko na si Jolina Magdangal o Marvin Agustin ang disenyo sa cover kahit na alam kong pareho din naman yun. Sa pagpili ng ballpen, kailangan ding i-test muna kung may tinta o wala.
After nun, bibili pa ng school shoes. Noong mga elementary years, wala akong pakialam kung saan kami mamili ng sapatos, kahit Divisoria or downtown basta okay yung yari. Nung mag high-school, natuto nang maging maarte. Sa mall ko na gustong mamili at Rusty Lopez pa ang uso noon, kahit alam ko namang matibay din at maganda ang yaring mura. Laging dahilan ko, masakit sa paa yung mura. Walang kwentang dahilan ng isang maarteng bata.
Nakakasabik din ang unang araw ng eskwela dahil merong thrill factor. Hindi mo alam kung sinu-sino ang magiging kaklase mo or magka-section pa ba kayo ng crush mo. Hindi mo alam kung magka-section pa ba kayo ng mga barkada mo or ikaw lang ang nag-iisang na isolate sa kabilang section sa buong barkada niyo. Sa ganoong sitwasyon, medyo disappointing at nakakalungkot. Tuwing recess at uwian na lang kayo magkikita-kita at naa-out of place ka na sa mga kwentuhan nilang tungkol sa mga pangyayari sa loob ng "kani-
lang" classroom.
Haay, ang pasukan nga naman, nakakamiss. Kung estudyante ka, akala mo'y hirap na hirap ka na sa mga pagdadaanan mo. Lahat ng attention ay iyo. Ang hindi mo alam ay mas hirap na hirap ang mga magulang mo sa kakaisip kung saan lalagap ng perang pang-enrol sa iyo at pambili ng mga mamahaling school supplies na gusto mo.
Aaminin ko, napaka-swerte ko noong nag-aaral ako dahil kumpleto ako sa mga bagong gamit at ni minsan ay hindi ako tumigil dahil walang panggastos. Dalawa pa kami ng kapatid ko nag-aaral sa pampribadong paaralan, salamat sa magiting kong ina na nagkakanda-kubang kumakayod sa Japan pero may time pang mag shopping ng Sanrio at Ultraman-themed school supplies upang ipa-package sa amin.
May mga bata diyan na sa hirap ng buhay ay tumitigil na lang muna sa pag-aaral. Minsan dahil walang pera, minsan dahil si ate o kuya muna ang mag-aaral, at minsan ay dahil hirap sa pagpasok dahil ilang kilometro pa ang lalakarin gamit ang sirang tsinelas o naka paa lang at hindi mamahaling school shoes.
May mga estudyante na hindi makapasok dahil uunahin pang maghanap ng pera pantulong sa magulang kaysa sa mag-aral at may iba din diyan na sadyang hindi makapasok dahil ayaw mismo ng kanilang magulang na sila'y pag-aralin. Maswerte ako at ang marami sa mga kakilala ko. Maswerte ang mga anak mo na may magulang silang katulad mo na nagpapaaral sa kanila. Maswerte kang nagbabasa nito ngayon at nakapag-aral ka pa kasi marunong kang magbasa.
Kaya ako ngayon, hanggang tingin na lang sa mga pumapasok, pipila-pila sa enrolment ng kapatid. Titingnan ko na lang ang mga gamit ng mga batang babaeng nadadaanan ko kung taga Sanrioland din ba ang mga ito o hindi. Malamang hindi. Disney Princess at Dora na ngayon ang uso eh.

Subscribe to:
Posts (Atom)