Take It Or Leave It!
by Isabelita Manalastas -Watanabe
Dear Tita Lita,
Meron lang po kaming maliit na problema ng aking asawang Hapon. Kasi, gusto ko po sanang ipa-TULE (circumcise) ang aking anak. Pero hindi po sang ayon ang aking asawa. Alam ko po hindi uso dito sa Japan. Pero paano naman po kung uuwi ang anak ko sa Pilipinas, baka lalaitin ng mga ibang tao. Ano po ang advice ninyo?
Pilita
Dear Pilita:
Ang key words kong napansin sa sulat mo ay ang katagang “uso,” at “lalaitin.” Tama ka sa dalawang bagay na ito – hindi uso, or hindi practice dito sa bansang Hapon ang tule. Naiintindihan ko rin ang iyong concern na baka lalaitin ang anak mo kapag nasa Pilipinas, na hindi pala siya tule.
Noong ipinanganak ko ang anak kong lalaki, kaagad kong ipina-tule bago pa kami lumabas sa hospital. Katulad mo, parang natural lang at hindi na pinag-iisipan pa ang pagpapa-tule sa anak na lalaki. Pero hindi ko naisip iyong lalaitin siya. Pina-tule ko, dahil iyon ang alam kong ginawa ng nanay ko sa kanyang mga anak na lalaki, at ang lahat ng aking mga pamangking lalaki.
Dahil sa iyong tanong, nag-isip tuloy akong mag-research tungkol sa circumcision, at heto ang mga highlights ng aking nabasang information:
1. The World Health Organization (WHO) currently recommends circumcision be part of a comprehensive program for prevention of HIV transmission in areas with high endemic rates of HIV;
2. Estimates by WHO: 30% of males are circumcised, out of whom 68% are Muslims;
3. Sa mga Jew, obligatory for Jewish born males at saka doon sa mga non-circumcised Jewish male converts ang pagpapa-tule;
4. Circumcision is most prevalent in the Muslim world, parts of Southeast Asia, Africa, the United States, the Philippines, and South Korea. Relatively rare in Europe, Latin America, parts of Southern Africa, and most of Asia and Oceania. Prevalence is near universal in the Middle East and Central Asia;
5. WHO states that “there is little non-religious circumcision in Asia, with the exceptions of the Republic of Korea and the Philippines.
6. Summary of the views of professional associations of physicians state that none currently recommend routine (i.e., universal) circumcision, and that none recommend prohibiting the practice;
7. Circumcision is commonly practiced between birth and the early 20’s;
8. There is on-going controversy of the health benefits vs. risk of procedure, ethical and legal considerations and the application of human rights principle to the practice.
Tungkol naman dito sa point of “human rights,” may nakita akong poster na naka-picture ang isang smiling baby in diapers, at ang nakasulat doon sa poster ay:
“CIRCUMCISION
whose body,
whose rights?
Let HIM choose.”
Siyempre, ang baby hindi maka-choose. So ito ang concern naman ng mga human rights activists.
Nag-interview din ako ng isang medical doctor (isang surgeon) sa atin sa Pilipinas. Sabi niya, maraming mga overseas Filipinos ang umuuwi para ipa-tule ang kanilang mga anak. Ang mga reasons bakit umuuwi pa:
1. Hindi common procedure ang pag-tule sa bansa kung saan sila nag-migrate (katulad sa bansang Hapon);
2. Mas mura ng higit ang procedure sa atin – mga PHP 5,000 sabi ng surgeon kong ininterview;
3. Mas sanay gumawa ng procedure ang mga Pinoy na doctor, kasi nga, common na common practice sa atin ang pag-tule, so hindi nag-wo-worry ang magulang na magkaroon ng complications;
4. Local anesthesia lang ang gagamitin;
5. Hindi covered ng Philhealth o ng iba pang medical insurance ang procedure;
6. Mag 2-3 days lang ang healing period, depende sa condition ng bata.
To summarize:
1. Hindi makaka-desisyon ang iyong anak kung gusto niya or hinding magpa-tule;
2. Best na i-explain mo sa anak mo ang pros and cons. Ang pro lang naman, at least from your letter, ay iyong hindi siya lalaitin. Parang hindi naman major na issue ito – e di hindi na lang aminin ng bata na hindi siya tule. Sino naman ang makakaalam, di-ba?
3. I-respect mo din hindi lang ang point of view ng bata, kundi ng iyong esposo din. Baka pag-awayin pa ninyo.
4. Looks like wala namang strong medical indication na dapat na i-circumcise ang isang lalaki.
Dear Tita Lita,
Sabi po ng kakilala ko, meron na siyang Japanese passport. Totoo po ba iyon? Pwede po bang makakuha ng Japanese passport kahit isa kang dayuhan? Kung sakali, paano po bang makakakuha ng Japanese passport? Eh, paano naman kung umuwi na ako sa Pilipinas? Dayuhan na po ako sa ating bansang tinubuan?
Janice
Dear Janice:
Nag-interview ako ng isang Pilipina na naging Hapon na ang citizenship, at siyempre, Japanese passport na rin ang hawak niya. Heto ang sabi niya sa akin:
1. Nag-apply siya for Japanese citizenship sa Ministry of Justice of Japan (MOA);
2. Nag-conduct ng initial interview sa kanya sa MOJ, in Japanese. Pinag-kwento siya about herself/her life, at bakit gustong maging Japanese;
3. Binigyan siya ng list of requirements, at mga forms na dapat i-fill up;
4. After all requirements have been fulfilled/all forms filled-up, they were submitted to MOJ.
5. Sinabihan siya ng MOJ na re-rebyuhin nila ang mga dokumento at sasagot sila within not more than 2 months (Note: Inabot ng 9 na buwan ang aking ininterview bago siya nakatanggap ng notice sa MOF).
6. If approved, you will then be required to do a pledge of allegiance to the government of Japan;
7. You will apply for your Japanese passport at the nearest Japanese passport office.
Itong ininterview ko, nag-change din siya ng pangalan (Japanese name). Sabi din niya sa akin, as far as the Japanese government is concerned, isang nationality lang dapat siya – Japanese.
Sa atin, ang pagkakaalam ko ay pwede pa ring mag-apply for dual citizenship ang isang former Filipino. Kung walang dual citizenship sa atin, siyempre, as a Japanese ang pag-treat sa iyo ng ating immigration office kapag ikaw ay umuwi na hawak mo ay Japanese passport. Lahat ng rules na applied sa isang Japanese, ay mag-a-apply din sa kanya, tulad ng requirement for a return ticket (hindi pwedeng one-way lang to the Philippines ang hawak mong airline ticket), at limited ang number of days mong stay sa Philippines ng walang visa (not more than 21 days). Hindi ka rin pwedeng bumili ng lupa sa atin. Bahay, pwede, at saka condo or townhouse.
Dear Tita Lita,
Aalisin na po ba ang Alien Registration Card?
Alex
Dear Alex:
Ako ay may visa na Eijusha (permanent resident). Nakatanggap ng notice ang asawa kong Hapon (as head of household) dated May 2012 galing sa aming local ward office kamakailan lang.
Sinabihan ang asawa ko na i-check lahat ng detalye na nakasulat sa Resident Record kung tama. Kung tama, wala ng dapat gagawin pa. Kung may mali, dapat tawagan ang local ward office doon sa number na isinulat nila.
Ang bagong foreign Registration System ay mag-te-take effect sa July 9, 2012. Ang sabi sa asawa ko, ako daw at ang anak ko (American passport siya; ako Philippine passport) ay magiging “registered as a citizen of one’s registered city/ward, same as Japanese citizens.” Ibig sabihin, ang ano mang dokumentong i-i-issue ay katulad na rin ng kung ano ang ini-issue sa Hapon. Mawawala na eventually ang alien card namin.
July 6 ang deadline ng pagno-notify ng requests for “Certificate of Registered Items in the Foreign Resident Registry” or “a copy of the Foreign Resident Registry.”
Ito lang ang aking kaalaman sa bagong foreign Registration System.
Mas mabuting dumalaw/magtanong sa foreign residents section ng inyong local ward office kung may mga katanungan.
Tita Lita shares with you her yen for living.
Send your questions to Tita Lita at jeepneymail@yahoo.com
No comments:
Post a Comment