Hello, Hello?
ni Isabelita Manalastas-Watanabe
Ano ba naman kayo? Ang tagal naman ninyo bago sumagot!
Ang tatanga ninyo!
Ano ba yan, bakit hangga ngayon wala pa akong text?
Ang bastos mo! Sino ka ba? Parang ikaw ang may ari ng kumpanya, a.
Huwag kang ganyan magsalita sa akin, may ID ako sa Malacanang.
Huwag mo akong sisigawan, parang kung sino ka!
I admire call center staff. Sila siguro ang may pinaka-mahabang pisi sa pasensiya. Cool sila palagi sa pagsagot, kahit minumura na sila ng clients. Para silang shock absorber, dahil sila ang napagtutuunan ng lahat ng frustrations sa buhay ng kanilang mga kausap sa telepono.
Marami sa atin ang maraming frustrations – siguro hindi malambing ang ating napangasawang Hapon; siguro napakataray sa atin ng ating biyenang Haponesa; siguro we feel discriminated as Filipinos dito sa ating adopted country. Marami sa atin ang mga university graduates, pero kung minsan, hindi natin makuha ang klase ng trabahong gusto nating gawin dito sa Japan, dahil siguro we are disadvantaged by our lack of Japanese proficiency, etc. Siguro, ilan ito sa dahilan kung bakit, unconsciously siguro, na nagiging aggre-ssive ang ating behavior.
Of course, may right ding magalit ang kliyente kung hindi satisfactory ang ating serbisyo sa kanila, at kung bobo nga naman din tayong sumagot sa kanila, or bastos tayo.
Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit we vent our frustrations and anger sa ating mga kababayan lang. Bakit kung Hapon ang sumasagot sa telepono, ay mas magalang tayo? Bakit kung Hapon ang kausap, ay hindi tayo ganoon kataray? Hindi tayo masyadong ma-complain? Huwag sabihing dahil hindi tayo makapag-Hapon – kahit Ingles ang usapan with the Japanese who answers the phone, hindi tayo as rude.
Are we trying to then discriminate din sa ating mga kababayan? That kung “tiga-sagot lang ng telepono” ang kababayan natin, ay mababa na ang ating tingin sa kanya?
I hope not. I hope hindi natin ibinabato sa ating kababayan, ang mga ibinabato sa atin ng mga ibang lahi na tumitingin ng mababa sa atin. We should not stoop to the level of those whom we dislike/despise. Otherwise, katulad lang nila tayo.
Hindi ko siguro kayang maging call center staff, dahil ang dali kong mapikon, ang ikli na aking pasensiya, at mahirap kong maitago ang aking emosyon. Halatang-halata kapag nagagalit ako, hindi lang sa boses, kundi sa mukha din.
Ang daming call centers na nag-se-set up ng business sa ating bansa. Ibig sabihin, pwera pa sa magaling tayong sumagot sa wikang Ingles, ay mahinahon tayong sumagot, magalang, at matatalino tayo (dahil kaila-ngang marunong din tayong sumagot ng mga iba’t ibang inquiries ng mga kliyente).
To all call center staff – saludo ako!!!
No comments:
Post a Comment