Friday, July 13, 2012

Loleng Ramos

KAPATIRAN
by Loleng Ramos

NUCLEAR ENERGY

Hi Kapatid!  Ano ba ang mga balita ngayon?  Hot topic ang pansamantalang pagbubukas muli o malamang tuluyan ng paggamit muli ng isa sa 54 na nuclear power plant sa Japan.  Matapos ang sakuna ng Fukushima Daiichi Power Plant, isa-isang isinara ang mga plantang ito para lubusang mapag-aralan ang kalagayan ng bawat isa.  Ano ba ang Nuclear Power Plant?  Meron ba nito sa Pilipinas?  Matagal ng nakatayo ang Bataan Nuclear Power Plant subalit hindi ito magawang gamitin.  Bakit? maraming depekto daw sa pagkakagawa nito, ang lugar na kinatatayuan nito ay danadaanan ng lindol, malapit ito sa pumutok na bulkan ng Pinatubo at napakalaking halaga din ang gugulin ng pamahalaan para mapatakbo ito.  Nakakatot ng binabadyang sakuna ng isang Nuclear Power Plant kapag nagkaroon ng komplikasyon, napatunayan iyan noong nakaraang tsunami at kung may nabasa ka na tungkol sa Chernobyl Power Plant disaster sa Ukraine, manlulumo ka sa nangyari sa ating mga kapatid doon. Sana ay hindi na muling mangyari ang sakunang ito, subalit sa bawat bagong nuclear plant na tinatayo, sa bawat tumatandang nuclear plant, nadadagdagan din ang mga panganib na kakambal nito.

Bakit ba merong Nuclear Power Plant?  Natandaan mo ba ang nakaraang artikulo tungkol sa Global Warming?  Kung gaano kaimportante sa daigdig ang elektrisidad?  Ang tinatawag na Primary Source of Energy o bagay sa daigdig na mapagkukuhanan ng sanhi ng enerhiya ng elektrisidad ay pumapasok sa dalawang grupo.  Renewable (pwede pang mapalitan) at Non-renewable (hindi na pwede mapalitan kaya kapag naubos na, wala na).  Sa Non-renewable bumibilang ang fossil fuels na langis, uling, natural gas.  Ang Uranium ay isang uri ng elemento na hinuhukay din sa daigdig at dumadaan sa pagproproseso (Fission) ng nuclear reactor sa isang Nuclear Power plant, ang epekto nito ay tipong nasusunog kung saan ang init ay ginagamit para maging aso (steam) na siyang maghahatid ng elektrisidad.  Ang kaibahan sa ibang sanhi ng Non-renewable Energy, ang enerhiyang nakakamit sa mga Nuclear Power Plant ay hindi nagbibigay ng Carbon Dioxide at ng iba pang tinatawag na air pollutants (nagpapadumi ng hangin, nagpapadagdag sa global warming) subalit ang basura (radioactive waste) mula sa mga nuclear Power Plant ay ibinabaon muli sa daigdig upang hindi magambala o maka-paghatid ng anu pa mang sakit o radiation.  Radiation?  Nuclear?  Atomic Nuclear Bomb?  Oo, nakakatakot di ba?  Napag-aralan natin at muli-muling binabalikan sa alaala ang lagim na hinatid ng Atomic Nuclear Power Plant, sa pagkabulilyasong maaring mangyari sa isang Nuclear Power Plant, isang Nagasaki o Hiroshima ang muling mangyayari.  Malaki ang enerhiyang hatid ng Nuclear, kaya nga ang mga mayayamang bansa ay patuloy na gumagamit nito subalit malaking disgrasya ang binabanta.

Whew, buti pa sa prubinsya namin, di na kailangan ng kuryente, wala ding delikado. Hahah.  Pero meron din naman iba pang tunay na malinis at walang bantang panganib na mapagkukuhanan ng Enerhiya, ang Non-renewable Source.

Ano naman ang Non-renewable Energy? Dito ngayon nakatuon ang mga syentipiko sa Japan, Green Power ika nga, malinis, eco-friendly!  Patuloy nilang pinagbubuti ang pagsasaliksik kung papaano ang pinakamabuting pagsingkaw (harness) ng mga sanhi na ito.  Silipin natin.

Solar Energy, hatid ni haring araw, ang mga solar panels o iyong mga nakikita natin na kulay bughaw sa bubong ng maraming bahay ay nango-ngolekta ng enerhiya mula sa araw.  Ang sarap siguro ng pakiramdam kapag wala kang binabayarang kuryente ano at ang lahat ng gamit sa bahay ay dekur- yente.

Wind Energy.  Nakita mo na ba iyong parang mga bentilador na malalaki na nasa taas ng mga bundok?  Wind turbine ang mga ito at sa pag-ikot ng mga rotor mula sa hangin, napapagana nila ang mga generators na siya namang gumagawa ng elektrisidad.

Geothermal Energy.  Ito ang init na galing sa gitna ng daigdig (earth) na napagkukuhanan ng enerhiya. Ang mga lugar na malapit sa bulkan ay mayaman nito.  Onsen?  Laguna Hot Springs?

Hydro-electric Energy.  Ito ang water power, ang lakas ng agos ng tubig sa mga dam ay nagpapagana sa mga turbine na konektado sa mga generator na nagsasalin ng elektrisidad.

Ang pagsingkaw ng Biomass ay lubusang pinag-aaralan din ng maraming syentipiko sa buong mundo.  Ang mga ilang tanim tulad ng mais o mga dumi mula sa hayup, mga halamang dagat, kahoy at ilan pa.  Sa Brazil, ang ethanol ang nagpapa-andar ng marami sa mga sasakyan.  Ginagawa nila ito mula sa sugarcane o tubo.

Syempre, walang ibang pina-kamagandang solusyon para malinis, matipid, payapa at kanais-nais ang kapaligiran kundi ang bawat isa na nag-iisip at gumagawa ng tama, kasama na dito ang hinding-hindi pagwawaldas.

No comments:

Post a Comment