PEDESTRIAN LANE
by Mylene Miyata
"Spell Magic: S-P-E-L-L"
Kapag sinabing "Mind Control," what's the first thing na ma-iimagine mo?
Maaaring...
1.) Balbas saradong lalake na may pendulum...?
2.) Naka-bandanang babae na may baraha o bolang kristal...?
Pwedeng ganyan ang maiisip ng karamihan. Pero sa makabagong panahon, hindi na masyado dahil sa every day life mismo natin ay merong "mind control" technique na nangyayari. It is the modern way of persuasion to get what you want na walang kinakaila-ngang "sumpa" o "spell."
In fact, whether alam mo o hindi ay may nagaganap na mind control sa simpleng daily conversations mo. At kahit sino ay may kakayanang gumamit nito.
"Mind Control" o mas kilala sa ating mga pinoy sa tawag na "brainwash." Ang mga popular na katagang “Naku, na-brainwash na kase yan!", "Huwag kang magpa-pa-brainwash dyan!" ay ilan lamang na patunay kung gaano katindi ang impact sa tao ng bagay na ito. However, kung gagamitin natin ito sa positibong aspeto ay talaga nga namang kapaki-pakinabang sya. Again, ito ay paraan upang mapabuti ang sarili kung magpapa-kontrol din lang naman.
Malawak at malalim ang kahulugang pumapaloob sa iba't ibang uri, istilo at klase ng mind control o brainwash. This tip of the iceberg aims to help a little po. According to some studies, the following techniques are:
a. Hypnosis - Ito ang pinaka-kilala sa lahat ng mind control technique. Ito ay isang mahiwagang pamamaraan na pagkontrol sa pag-iisip.
b. Self-hypnosis - o mas kilala sa tawag na "autosuggestion." Ito raw ang most effective technique which reduces stress, increase self- motivation and helps to get rid of bad habits or addiction. 'Eto, sounds yummy para sa lahat. Why not, di ba?
c. Re-education - Ito raw ang technique kung saan ituturo sa isang tao ang ilang uri ng pag-uugali at paniniwala ayon sa ikabubuti nito. Maliban na lang sa mga gumagawa nito para sa kasamaan.
d. Memory Inhibition - Paraan kung saan ang ilang pangyayari ay inaalis sa kaisipan ng isang tao sakaling ito ay halimbawa ng impormasyong hindi gustong maalala ng isang indibidwal.
e. Silent Treatment - Remaining aloof. Kesa mag- aksaya ng lakas na baguhin ang bagay na hindi mo gusto, mas maigi na i-ignore na lamang. At some point, it's better to stay away or be distant din daw mula sa mga bagay o tao na gumagambala sa iyo. Maliban sa ”peace of mind" ay may respeto din na dulot ito ayon sa pag-aaral. In this way, magiging maingat sa pakikitungo ang bawat isa sa iyo.
Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa malawak na palaisipan ng mind control issue. However, the best pa rin ang "self-realization" technique pagdating sa usaping ito. Eventually, the key is to understand one's strength and weakness. In that way, magagamit mo ito sa sarili mong kapakanan at kabutihan ayon sa mga dalubhasa.
Gaano ka nga ba naaapektuhan ng mga simpleng mensaheng napapaloob sa ilang napapanood mong TV dramas, advertisements, propaganda o ng paborito mong celebrity halimbawa? Napapansin mo ba gaano kahalaga ang bawat influence nito sa daily living mo?
Now, spell the word, magic!
No comments:
Post a Comment