Ano Ne!
ni Jasmin Vasquez
TAXI!!!
March 4, 2012 ng ako ay umuwi sa ating sariling bansa upang magbakas-yon. Sa aking tatlong buwang pamamalagi doon ay aking naobserbahan na masyado na ang paglaganap at pagdami ng mga taong manloloko sa Pilipinas. Masakit mang tanggapin na kapwa natin silang mga Filipino na syang sumisira sa magandang imahe ng ating bansa.
Alam ng nakararami na mahirap lamang ang bansang Pilipinas, subalit hindi ito batayan upang manloko tayo ng ating kapwa tao upang kumita tayo at magkaroon ng salapi. Hindi kailangang gumawa ng masama upang mabuhay tayo ng marangal.
Tulad na lamang ng mga abusadong Taxi Driver lalo na sa ka Maynilaan, na mahilig mangontrata ng sobra. O kung hindi man ay sobrang bilis ng patak ng metro upang lumaki ang iyong babayaran. Ikaw ay lilinlangin o dadaanin sa kwento upang hindi mo mapansin na bini-bilisan nya ang pagpatak sa metro ng taxi. Ito ay tinatawag nilang "Batingting,” maging ang mga yellow taxi mismo sa ating pambansang paliparan ng pilipinas ay nahulihan at naipalabas pa sa balita sa telebisyon.
Dapat ay maging alerto tayo upang hindi tayo malamangan ng mga abusadong taxi driver na ito. Ito po ang ilang mga tips.
Tips sa pagsakay ng taxi:
1. Kunin ang pangalan ng Taxi karaniwang makikita sa itaas o bubungan ng taxi.
2. Mag-ingat sa mga taxi mula 5 ng hapon hanggang sa hatinggabi. Karaniwang lumalabas ang mga" colorum'' o illegal na taxi sa ganitong oras.
3. Kapag ikaw ay nakasakay na suriin kung nakasulat sa loob ang information ng taxi, karaniwang burado ito kapag illegal.
4. Ang tamang metro ng taxi ay pumapatak tuwing ika 400 metro o kaya ay kada ika-8 hanggang 11 poste ng kuryente.
5. Dapat ay mas mabagal ang patak ng metro kung ito ay nakahinto o traffic.
Contacts for Complaints
LTFRB Hotlines (from their web site):
426-2515, 925-7191, 0921-4487777
Kapag ikaw ay nakasakay na sa taxi, maari mong tanungin o punahin ang taxi driver kung mabilis ang kanyang metro upang malaman nya na may alam ka kung dinadaya ka o hindi ng sa gayon ay maalarma sila na hindi kayo pwedeng lokohin ng basta basta...
Nawa ay nakatulong sa inyo ang ilang mga tips para kapag kayo po ay umuwi ng Pilipinas ay maiwasan ang mga abusadong taxi driver na ito.
No comments:
Post a Comment