By Abie Principe
Biking Life
Isa sa mga bagay na hindi maiiwasan sa pagtira sa Japan ay ang pagbi-bisikleta. Nalaman ko agad ito noong unang punta ko dito. Maraming mga estudyante na naka-bisikleta kung pumasok sa school. Apparently, this is the most convenient way to get around town. Kaya isa sa mga unang binili ko noong dumating ako sa bansang ito ay isang bisikleta. Dahil sa fresh from the Philippines pa ako noon, ang una kong binili ay mountain bike. Kasi yun naman ang image ko pag bike, mountain bike. Medyo natatawa pa ako noon sa mga basket-bikes ng mga Hapon. Pero once I started to ride the bike to school, I realized na ok naman pala pag merong basket yung bike, at saka, yung mountain bike ko, mura lang, so hindi ganoon kagaan. In the end, mas madali pala ang basket-bikes kaysa cheap mountain bikes. But my old mountain bike, cheap though it was, did serve me well. Ginamit ko rin yung ng more than four years. Tapos, ayun, talagang bumigay na. I bought a replacement, and this time, yung merong basket na ang binili ko. Dito pala, mama-chari ang tawag sa mga basket-bikes. Some say, they are called “chari” because of the sound the bell makes “charing-charing,” and others say, it’s called “mama-chari” because karamihan ng guma-gamit nito ay mga nanay, therefore “mama.” Whatever the reason for the name, itong mga bisikletang ito ay napaka-convenient. Madaling gamitin. Hindi problema ang mara-ming dalahin dahil sa merong nga itong basket. Hindi na kailangan buhatin sa likod ang backpack, o isukbit sa balikat ang shoulder bag. Ilagay lang sa basket, at go na!
Maraming iba't-ibang klase ang “mama chari.” Kadalasan ang pag-kakaiba ay base sa presyo ng bisikleta. Tulad halimbawa, kung ang presyo ay 10,000 yen pababa, malamang walang kambyo at hindi ganoon ka long-lasting ang bisikleta na ito. Kung between 15,000 to 30,000yen naman ito, malamang merong kambyo, maganda ang upuan, at matibay ang basket nito. Yung mga mas mahal, tulad ng 40,000 yen pataas, malamang yan ang mga motorized basket-bikes, yung madalas na nakikita gamit-gamit ng mga nanay na angkas ang mga anak nila, or gamit ng mga lola kapag nag-gro-grocery. Masarap gamitin ang motorized basket-bikes, nasubukan ko na minsan, at ang dali-dali mag pedal at ang bilis, kahit up-hill, walang kapagod-pagod. Pinag-iisipan ko tuloy na bumili ng motorized basket-bike. Kaya lang, mahal, at medyo mabigat, hindi tulad ng magaan na mountain bike.
Kaya, kung may balak kayong bumili ng bisikleta, isipin mabuti kung para saan ito. Kung pang-araw-araw na pamamalengke lamang, recommended ang basket-bike. Pero kung malayuan o para sa exercise, mountain bike ang magaling. Kung balak naman ninyo na araw-araw pang-pasok sa trabaho, pang-sundo sa mga anak sa eskuwelahan, at kung madalas mabigat ang dala ninyong bag, pag-isipan na ninyong bumili ng motorized basket-bike, in a way, investment ito para hindi sumakit ang balikat, likod at binti ninyo in the future.
Siyempre huwag kalilimutan na dapat mag-ingat sa daan, at iwasan ang mag bisikleta ng lasing! Bukod sa mapapalapit kayo sa aksidente, ay baka malasin pa kayo na masita ng mga pulis. Bawal po ang drinking and driving on a bicycle dito sa Japan!
And with that in mind, let's all have a happy bicycle life in Japan!
Charing! Charing!!!
No comments:
Post a Comment