by Jackie Murphy
“Let It Go or Not?”
You saw it coming when the relationship started but when it’s fading, do you ask yourself if it’s really time to let it go?
Madaling sabihin but definitely, it’s not that easy. How do you start? When is the right time to fall out of love? Tanungin mo muna sa sarili mo kung ang pinasok mong relasyon ay mature ba o immature? You need to identify which one does your relationship fall into? Siyempre pa, ang matured relationship ay pwedeng ihalintulad sa isang matatag na pader. Pwede siyang magulantang at mayanig ng mga pagsubok pero hindi siya pwedeng matinag. At bakit naman ano ang meron? Dahil ito ay binabalot ng matibay na pundasyon ng tiwala, katapatan at pang-unawa. Kapag ang isa sa mga ito ay nawawala maaaring matibag na ito nang tuluyan.
Samantala kapag ang pinasok mong relasyon ay immature naman sa simula pa lang ito ay maaaring nababahiran na ng matinding selos, kakulangan ng pang-unawa, pagsisinungaling, pagtatago ng mga bagay-bagay sa isa’t isa at ang pagiging hindi tapat sa relasyon. Walang saysay kahit na gaano mo pa kamahal ang isang tao kung wala rin lang matinding tiwala sa isa’t isa. Hindi sapat ang pag-ibig lang kung wala ang pagtitiwala. Kung hindi mo rin lang mapagkatiwalaan ang iyong minamahal pwedeng sooner or later bigla mo na lang ma-realize that you are falling out of love.
At kung nasa point ka na ng ganito, ano-ano ang mga una mong hakbang na dapat gawin?
Siguraduhing wala ka ng nararamdaman sa kanya dahil kung hindi magsisisi ka lang sa huli.
Huwag kang magpaalam nang garapalan habang mainit ang ulo mo. Tandaan mong masasaktan siya.
Huwag mong i-text o itawag sa telepono. Pag-usapan niyo ito ng harap-harapan, ng walang pisikal na sakitan.
Ipalawanag mabuti at sabihin ang totoong dahilan.
Hanapan ng magandang timing kung kelan ito dapat sabihin nang di magmistulang katawatawa o magmukhang kawawa o magmukhang tanga ang dating iniirog.
Dahan-dahanin at ipalawanag nang matiwasay kung kelan nagsimula at bakit humantong sa ganito ang nararamdaman mo sa kanya ngayon.
Huwag mo siyang paasahin na magkakaayos pa kayo at sa puntong yun ipaliwanag mo nang maayos na gusto mo ng tapusin na ang lahat ng namamagitan sa inyo.
Huwag mo siyang layasan habang di pa tuluyang natatapos ang paliwanagan.
Huwag kang magbigay ng ‘false hopes’ o panibagong pasakalye na pwede pa kayong maging magkaibigan muli.
Magkasundo kayong wala nang pakialamanan sa isa’t isa at para mapagtibay ito ay tapusin na rin nang tuluyan ang mga possible contact points like FB, Twitter or giving out new mobile numbers.
Dahil habang may mga existing contact points pa lalo lang kayong di makapag-move on pareho. Tulungan niyo ang isa’t isa para maka-limot na nang tuluyan. Huwag nang balikan ang mga lugar kung saan nandun ang mga matatamis ninyong alaala. Bago pa man magkasalubong sa daan o sa kalye maaaring umiwas na nang maaga at humanap ng lulusutang iskinita.
Huwag nang bawiin pa ang mga regalong naibigay na.
Kahit ‘hima’ (bored) ka pa gawin mong magaan ang daily routine mo para patuloy na umikot ulit ang mundong ginagalawan mo.
Mas isipin ang mas positive na outlook sa buhay kesa magmukmok sa kuwarto nang sa gayon ay mabuksan muli ang puso para sa susunod na pag-ibig…
(yan eh kung may darating pang kagaya niya…hayyyzzz…)
Happy reading!
No comments:
Post a Comment